CHAPTER 18

230 9 0
                                    

JARNEIA’S POV
 
Nang dumating si Alisha ay bigla niya akong pinitik sa noo na siya namang nakapagpatino sa ‘kin at saka ko siya masamang tinignan. “Ano ba!” asik ko.
 
“Masyado na yata ang pagkahumaling mo’t hindi mo na ako napansin dito?” sabi naman niya at tinarayan ko lang siya. “Ano’t nandito ka?” tanong niya pa.
 
“Wala akong ibang ginawa sa bahay kung hindi ang humilata magsulat at mag-isip ng kung anong isusulat. Nabubugnot ako kaya lumabas ako,” sagot ko naman. “Gusto kong bumalik sa trabaho pero kailangan ko muna kausapin si Zach,” dagdag ko pa at saka siya ngumisi.
 
“Girl maraming pera si Zach kaya nakakasigurado akong hindi ka papayagan ng bebe mo,” sabi naman niya at saka ko siya masamang tinignan.
 
“Sino ang kaibigan mo sa aming dalawa? Siya o ako?” tanong ko at saka siya napalunok at napainom ng kape.
 
“Masyado ka namang high blood. Isihan mo lang hindi ka na astig sige,” pang-uuto naman niya sa ‘kin at saka ako tumingin sa may tabi ko sa kabila kung nasaan ang babae kanina.
 
Nanlaki ang mata ko ng makita kong binabasa niya ang libro ko at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi matuwa sa nakikita ko. Agad kong kinalabit si Alisha at saka ko siya tinuro sa babae at nangunot ang noo niya sa ‘kin. Tinuro ko ang babaeng may hawak na libro at saka siya ngumiti at kinongrats ako pero hindi sapat sa ‘kin ‘yon. Inayos ko ang sarili ko at saka ako ngumiti at humarap sa babae.
 
“Ahh… Miss.” Napatingin siya sa ‘kin at tumaas ang parehong kilay niya at nakangiti rin siya.
 
“Yes?” sagot niya.
 
“Ahh… ano…”
 
“Siya author n’yang libro,” biglang singit naman ni Alisha at saka ako napapikit ng mariin.
 
“Ano ba! Hindi naman ‘yon ang sasabihin ko!” inis na sabi ko.
 
“Ikaw ang author nito?” tanong no’ng babae at saka ako lumingon sa kaniya at saka ako tumango.
 
“Ahh… oo,” sagot ko na nahihiya pa at sa gulat ko ay bigla na lang niya akong niyakap.
 
Hindi ko napigilan ang sarili ko at inamoy ko siya dahil na rin sa bango niya. Hindi ko alam na mararamdaman ko ‘to at sa totoo lang hindi naman ako baliko pero kung siya ay bakit hindi? Napangiti ako at hindi ko alam ang sasabihin ko at nang humiwalay siya ng yakap ay pinisil niya ang pisngi ko.
 
“Grabe ikaw pala ang Author nito. Hindi ako makapaniwala. Sa totoo lang ay kumpleto ko ang apat na libro nito at s’yempre hindi ko maiwasan ang hindi bilhin ang iba pa. Sobrang saya kong makita ka!” masayang sabi niya at tumingin kay Alisha.
 
“Hindi naman masyadong halata na masaya ka,” sabi ni Alisha.
 
“Ako si Adia Nascia Valencia—Adi for short,” pagpapakilala nito.
 
“Ako naman si Jarneia at siya naman ang kaibigan kong si Alisha.
 
“Kinagagalak kong makilala kayo. By the way, mayro’n ba kayong ibang gagawin? Kasi kung wala ay maari ko ba kayong maimbitahan?” tanong niya na siya naman ikinatinginan namin ni Alisha.
 
“Well, wala naman kaming gagawin bukod sa magkukuwentuhan lang naman. May party ba?” excited na tanong ni Alisha kaya naman siniko ko siya. “Pusang gala ka Jarneia ang sakit,” indang saad niya.
 
“Sakto lang pala, e. Kasi ngayon ay mayro’n akong gagawin para sa kuya ko. I don’t know if he will like it. Although, I know Kuya very well than my Mom and Dad know him. I want to give him a surprise, and that was you.” Sabay turo sa ‘kin na s’yang ikinagulat ko.
 
Bigla namang nalito si Alisha. “A-Ano? S-Siya? Bakit hindi na lang ako?” saad nito at saka tinuro ang sarili.
 
“B’wisit ka talaga Alisha!”
 
“Ehehehehe. Joke lang naman masyado kang seryoso!” inis na sabi niya.
 
“T-Teka bakit ako?” takang tanong ko. “Mukha ba akong regalo?”
 
Tumawa siya at saka inayos ang sarili. “Look, ate Jarneia. I am not here just to buy your books. I am here because kuya told me that he was near at this restaurant and he wanted me to buy this book for him. I unexpectedly saw you, that’s why I want you to be my gift to my brother because he’s your fan.”
 
Hindi ako nalapagsalita sa sinabi ni Adi at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kailangan ko ng gumawa ng paraan para mangatwiran na kunwari ay mayro’n pa akong gagawin. Pero sino ba naman ako para tumangi sa isang gaya ng batang ito hindi ba? Tumingin ako kay Alisha at saka s’ya tumango sa ‘kin indikasyon na pumayag ako dahil ngayon lang naman. Hinawakan ni Adi ang kamay ko at saka siya ngumiti sa ‘kin at nag-puppy eye na siya naman naging dahilan para maramdaman ko ang kakaibang pagtunaw sa puso ko.
 
Wala naman si Zach ngayon at hindi ko naman kailangang mangamba sa kung anong makikita o mababalitaan niya at isa pa ay isa lang itong request. Siguro ay kailangan ko lang pagbigyan si Adi.
 
Huminga ako ng malalim at saka ako tumango kay Adi at lumawak ang ngiti niya sa ‘kin at saka niya ako niyakap. Binigay noya ang libro sa ‘kin at sinabing iyon ang ibigay sa kuya niya at para na rin makita ako ng kapatid niya. Hindi ako makapaniwala na gagawin ko ‘to. Lumabas na kami ng restaurant at saka naman may nakaabang na van sa harapan namin. Tumingin kami kay Adi at nauna naman itong sumakay kaysa sa amin. Nang makasakay sa loob ay maraming kinuwento si Adi na hindi ko maintindihan at para akong aantukin dahil sa b’yahe. Nakatingin lang ako sa labas at si Alisha naman ay nakikipagkuwentuhan sa kaniya.
 
Nakarating kami sa isang mansion at napanganga ako sa laki no’n. Hindi pa man ako nakakakita ng ganito sa totoong buhay pero ngayon ay nakita ko na. Winelkam kami ni Adi at nang makapasok sa loob ay naro’n ang mga makikinang na bagay at mapapanganga ka sa laki nito.
 
“Pasensya na kayo at wala gaanong tao sa mansion. Si kuya at ako lang laging nasa bahay. Hindi ko lang alam kila Mommy kung mayro’n silang hinanda. Sandali lang tatawagin ko si Yaya,” paalam nito sa ‘min at agad akong kinapitan ni Alisha sa braso.
 
“Grabe ang ganda ng bahay nila. Even in a single thing, you will see the brightness of being rich.”
 
“H’wag kang hahawak ng kahit ano dahil mas mahal pa ‘yan sa buhay mo,” ani ko sa kaniya.
 
“Hindi naman ako ignoranteng tao. Isa pa, hindi ako magtataka kung mayaman man ang batang ‘yon. When I saw her earlier, you will see that she comes from a rich family,” ani niya na namamangha.
 
Habang nakatingin sa paligid ay napasinghap ako dahil sa paglabas ng mga maids sa isang pasilyo at hindi ko alam kung ano’ng gagawin. Maski si Alisha ay biglang natuliro at saka tumingin sa mga maids na lumalabas. Sa totoo lang ay namangha ako sa mga suot nila na ani mo’y parang nasa isang cosplay party lang kami.
 
Cosplay party? Hindi kaya mali ako ng iniisip na maid sila?
 
Kasunod sa dulo ay ang mga lalaking may magagandang pangangatawan at ang gug’wapo. “OMG! Pusang gala girl ang gug’wapo ng mga guards nila. P’wede akong pumasok na maid dito!” Bigla ko siyang siniko at napainda siya sa ginawa ko.
 
“Ang pangit mo kasama. Nakakahiya ka alam mo ‘yon? Tigilan mo muna kalandian mo—nasa isang tanyag na pamilya tayo,” saad ko sa kaniya at saka siya ngumuso at tumingin muli sa mga ito.
 
Kahit na namamangha ako at nabibighani sa mga nakikita ko. Hindi maipagkakaila ang na ang gaganda’t g’wapo ng mga ito. Parang ang pangit na nandito kami kasi mas maganda at mas angat pa sila sa amin. Nang lumabas na si Adi ay kasunod naman nito ang isang lalaking may hoodie at mayro’n s’yang hawak na libro at iyon ay isa sa mga libro ko. Huminto sila sa harapan namin at sa totoo lang ay hindi ko alam ang kung anong sasabihin ko. Ang lalaking ito ay malayo sa expektasyon ko at sa totoo lang ang kyut niya.
 
“Pasensya na kayo. This is my older brother, he’s Adamian Norlan Valencia—Damian for short.” Tumingin ako kay Damian at saka naman niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
 
“So, you are the author of this book?” tanong niya.
 
Ang boses niya ay malumanay na ani mo’y hindi gagawa ng kung anong mali. “Oo, natutuwa akong makita ka—”
 
“Hindi ko inaakala na makikita kita ng ganito kalapit! Ang ganda mo, ang liit mo, ang kyut mo rin. Ano’ng mga motivation mo para isulat ang mga ito. Saan galing mga paksa at pangyayari? Nangyayari ba sila sa totoong buhay? Anong mga—augh.” Nagulat ako sa pagsuntok ni Adi sa kapatid niya at napatakip ako ng bibig ko.
 
“Sorry, he’s noisy,” sabi nito.
 
“W-Wala ‘yon,” sagot ko naman at nauutal pa.
 
“Fuck you!” asik ni Damian.
 
“And fuck you too,” sagot naman ni Adi.
 
Napanganga kami sa magkapatid at hindi namin alam kung paanong sisingit sa away nilang dalawa. Pero sa nakikita ko ay mukhang magkasundo naman sila at normal na lang sa kanila ang gano’ng away. Huminto silang pareho at saka tumingin si Damian sa ‘kin. Ngumiti siya at tila may kung ano sa mga ngiti niya na iyon. Ang ganda ng ngiti niya na para bang may nangyaring maganda.
 
“Thank you for being here. Salamat at hindi ka nag-atubili na sumama sa kapatid ko dito sa bahay. Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-celebrate ng birthday kasi wala naman sila Mommy at Daddy. Pero dahil nandito kayo ay magpapahanda ako ng pagkain,” nakangiting sabi niya at saka naman din ako ngumiti sa kaniya.
 
“Salamat, Damian. Happy birthday,” sabi ko at tumango siya.
 
Tumingin si Adi sa mga maids nila at saka niya ito sinenyasan. Ang senyas na iyon ay tila nakuha naman ng mga ito ang kung ano ang senyas ni Adi. Tumingin ako kay Damian na nakatingin lang sa ‘kin at naiilang ako sa tingin n’yang iyon. Bigla naman ay hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinatak mula kay Alisha at saka ako dinala sa kung saan. Nang makalabas ay doon ko nakita ang isang hardin na puno ng masasaganang mga halaman at bulaklak. Bumitaw si Damian at saka ako tumakbo sa mga bulaklak na para bang no’n ko lang ito nakita.
 
“Ang gaganda!” nakangiting saad ko.
 
“This is all mine,” sabi naman niya.
 
“Woah? Mahilig ka sa halaman at bulaklak?”
 
“Mahilig akong magtanim.”
 
“Buti na lang at hindi sama ng loob,” pabirong sabi ko.
 
“Also that one,” sagot niya kaya naman napalingon ako sa kaniya.
 
“Ano’ng ibig mong sabihin?” takang tanong ko.
 
Umupo siya sa may upuan at gano’n rin ang ginawa ko. Doon ay mayro’ng nakahandang tea at sinalinan niya muna ang tasa na nasa harapan ko. Tinitignan ko lang siya habang ginagawa niya ang bagay na ‘yon. Ang aura niya ay iba at sa nakikita ko ay mukhang hindi maganda ang mga naging buhay nila. Mahirap ang malayo sa mga magulang nila at tanging mga maids at butler lamang ang nandito na kasama nila. Kahit na nakukuha nila ang gusto nila ay mayro’n pa ring isang bagay ang gusto nilang makuha na naipagkakait ng tadhana.

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now