Chapter 6

172 4 0
                                    

Nag-aayos ako ngayon dahil ininvite sa party si Jacob ng kakilala niya. Isasama niya ako kasi bakit hindi?



Nagsuot lang ako ng skirt at long sleeve crop top. Malapit lang naman 'yon, so p'wede akong umuwi if ever I feel uncomfortable.



Kasama rin nga pala 'yong mga kaibigan namin. Naroon na sila sa baba, kami na lang ni Jacob ang hinihintay nila. Sabay-sabay na raw kami dahil baka maraming tao roon.



"You're so sexy," Jacob held my waist. He started to kiss me, hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan din siya.



Lumayo agad ako sa kanya. "Tara na. Kanina pa sila naghihintay ro'n." sabi ko. Nakasimangot siyang lumabas ng kwarto.



Pagbaba ko ay magkakatabi silang apat. Fiona was right last week. Rana and Ethan are already in a relationship. I'm rooting for them, though. Hinihintay ko na lang din sina Fiona at Julian.



"Tara na!" humawak sa braso ko si Rana at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay.



Hindi nga kalayuan ang pupuntahan namin dahil ilang minuto lang kaming naglalakad ay nakarating na kami.



"Jacob!" napatingin ako sa babaeng tumawag sa kanya. Yumakap agad siya kay Jacob. Hindi siya niyakap pabalik ni Jacob kaya napalayo siya.



Nilapitan ako ni Jacob at inilagay ang kamay sa may bewang ko. "This is Cali... my girlfriend," alam kong gusto akong tarayan ng babaeng 'to pero magaling siyang mameke.



"Hi, Cali!" sabi niya at ngumiti sa 'kin. "Come in," sabi niya at inaya rin ang ibang kaibigan namin.



"Who was that?" tanong ko agad kay Jacob habang naglalakad kami. "Clingy niya naman,"



He chuckled. "She's Vien. My childhood friend," he said. "Are you jealous?"



I rolled my eyes. "I'm not," sabi ko. Kumuha ako ng alak at ininom 'yon. "Let's enjoy the party!" sabi ko at inabutan din siya ng isang bote.



Nag-uusap kaming anim sa may labas nang biglang lumapit 'yong Vien kay Jacob. Nakataas ang isang kilay ko habang pinapalupot niya ang braso niya kay Jacob.



What the fuck? This girl doesn't know how to respect someone's relationship. Jacob did introduce me to her as his girlfriend, and now she's being like this with him? How rude. She doesn't know her boundaries.



"Hi, Cali?" baling niya sa 'kin. "Sorry, I already forgot your name." she said while laughing. "I didn't know that Jacob has a girlfriend now. Playboy kasi siya, e."



Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "Ah. I didn't know about that."



She laughed. "Yeah. Sa 'kin lang kasi siya nagkukwento," sabi niya at malanding ngumiti kay Jacob. "You know, I'm wondering if isa ka sa kanila."



"What?" I asked.



"I'm wondering kung isa ka lang sa mga pinaglalaruan niya--"



"Vien, that's enough." Jacob said. Lumalayo si Jacob kay Vien pero mas madikit pa siya sa linta kung kumapit.



Mahinang tumawa si Vien. "What? I'm just telling the truth!"



"You're just jealous," sabi ko at uminom ng alak. Bahagya akong natawa nang makita siyang masama ang tingin sa 'kin. "What? I'm just telling the truth. You like Jacob, don't you? And you're jealous because he's with me."



"How dare you talk to me like that!?" The people in the party are now looking at us.



"I don't care if this is your fucking party. Get your hands off him o puputulin ko 'yang kamay mo?" saglit kaming nagkatitigan bago niya alisin 'yong kamay niya sa braso ni Jacob.



Humakbang ako palapit sa kanya habang hawak pa rin ang bote ng alak. "You should know your limitations, Vien." saad ko. Palayo naman siya nang palayo sa 'kin. "Me? I know my limitations. Dahil kung hindi, malamang nabasag ko na 'tong bote sa ulo mo." padabog kong inilapag ang hawak kong bote at lumabas na roon sa bahay.



Nang makauwi kami sa bahay dumiretso ako sa kwarto. Sumunod naman agad sa 'kin si Jacob. 'Yong mga kaibigan namin ay nag-stay na muna roon.



Padabog kong inilapag ang sling bag ko. Napatingin ako kay Jacob na mahinang tumatawa pagpasok sa kwarto.



"What's so funny?" I asked.



"Nothing," he said. "I really like your ma-attitude side." he added. "And you're so cute when you're jealous." sabi niya at ngumiti.



I rolled my eyes. "I'm not jealous,"



"Talaga?"



"Fine! I'm jealous, okay? Sino bang hindi magseselos sa gano'n? Dati ba siyang linta?" inis na sabi ko.



Tahimik lang siyang nakatitig sa 'kin. "You're not mad at what she said about me being a playboy?"



I shook my head. "No, why would I? I don't care about it. I know you're not playing with me. She's just desperate, nakukuha niya pang manira."



Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako patalikod. "Thank you for trusting me." sabi niya at ipinatong ang baba sa may balikat ko. "I love you so much, Cali."



Tipid akong ngumiti at hinawakan ang pisngi niya habang nasa likuran ko pa rin siya. "Of course I trust you, Jacob. It's your choice kung sisirain mo 'yon o hindi," I said. Humarap ako sa kanya. "I love you, too." saad ko.



Napalayo ako sa kanya nang may maalala ako. "By the way, you introduced me to her as your girlfriend. Did you mean it?"




"Are we not in a relationship?" he asked.



I scoffed. "You thought we were in a relationship?" he nodded. "Oh, god. You've got to be kidding me. We never talked about our status, Jacob." I said.



He stared at me for a minute. "Yeah, well, nevermind. You're my girlfriend now." he said, chuckling.








Summer is my Favorite SeasonWhere stories live. Discover now