Chapter 17

141 7 0
                                    

It's Sunday morning, and I woke up early. Napagpasyahan kong magluto ng breakfast. Nag-request kasi si Lope ng favorite ulam niya.



"Aga mo, ah?" narinig ko ang boses ni Kuya Yuno. Umupo siya at uminom ng tubig. "Tulog pa si Lope?" he asked, and I nodded.



"Anong oras pa siguro magigising 'yon. Pagod 'yon kagabi, e. Hinayaan niyo ba namang maglaro nang maglaro sa mall." saad ko.



He laughed. "'Di ako, ah. Si Amira 'yon," saad niya. "Pinaglilihian niya siguro si Lope." sabi niya na ikinagulat ko. "Oops..."



"She's pregnant!?" gulat pero mahina kong tanong.



Nerbyos na umiling si kuya. "We're not sure yet, Emily. Don't tell anyone." he said.



Ngumiti naman ako sa kanya. "I'm so excited! I hope she's pregnant. Ang tanda niyo na, oh!" saad ko.



"Lalo naman si Jon. Thirty-five years old na, ayaw pa mag-anak." saad niya.



Maya-maya lang ay pumasok sa kusina si Kuya Jon. "Ano na namang inaano mo r'yan, Yuno? Naririnig ko na naman 'yong pangalan ko." reklamo niya.



"Wala akong sinasabi," sabi naman ni Kuya Yuno.



Umupo rin si Kuya Jon at tumingin sa 'kin. "Emily, sabi nga pala ni Lana samahan mo raw siya mamaya." he said.



Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Saan?"



Nagkibit-balikat siya. "Sabi ay concert daw. Sinasama raw kasi siya ng kaibigan niya. Ikaw na lang daw ang sumama sa kanya, alam mo namang ayoko sa gano'n." he said.



"Oo, walang hilig 'yan sa ganyan. Pero noong hindi pa niya nakikilala si Ate Lana, laging nasa ganyan 'yan para maghanap ng chix." saad ni Kuya Yuno.



Binatukan naman siya ni Kuya Jon. "Manahimik ka nga. Matino na ako, 'no. 'Wag mo nang i-bring up 'yong past ko." Kuya Jon said. "At saka, for your information, 'yong mga babae ang lumalapit sa 'kin, hindi ako."



Tinawanan siya ni Kuya Yuno. "Asa, Jon. Lakas mo managinip." I said.



Nang bumaba na sila mama at papa, nag-breakfast na kami. Si Lope ay hanggang ngayon tulog pa. Pagtapos kong kumain ay naglinis na lang ako ng kwarto habang hinihintay siyang magising.



"Mama?" napalingon ako kay Lope nang tawagin niya ako. "I think I'm sick." she said.



Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang noo at leeg niya. "Yeah, you're right," I said. "Eat breakfast first--"



"Aw, do I need to drink medicine?" she asked.



"Of course, sweetie. It'll help you get better," I said. "Come on." inalalayan ko siyang tumayo at bumaba sa may kusina.



"Is she sick?" Mom asked me. Lumapit siya kay Lope at hinawakan din ang noo at leeg. "Pakainin mo muna siya at ako na ang mag-aasikaso sa kanya sa taas."



"Mom, you don't have to. I can handle this--"



"Jon told me that you and Lana are going to a concert. Ako na ang bahala kay Lope." I said.



I shook my head. "I'm not going anymore. Lope's sick. I don't want to leave her,"



"Mama, I'll be fine. Grandma is here naman po. You can go with tita-mommy," Lope said.



I looked at her. "Are you serious, sweetie?" I asked, and she nodded. "Okay, I'll go with tita-mommy. Mamaya pa naman 'yon kaya aalagaan muna kita."



Nang matapos siyang kumain, umakyat na rin kami agad sa taas. Dinalhan naman ako ni mama ng bimpo at tubig pamahid kay Lope.



"Mama, do I remind you of my daddy?" Lope asked.



Napalingon ako sa kanya. "Why are you asking, Lope?" I asked. "Well, you remind me of his eyes."



"That's why you're always staring at my eyes po?" she asked.



I chuckled. "Uh, yeah, kinda. But I'm always staring at your eyes because it's beautiful." I said, and I poked her nose.



Nang magtanghali na, nakatulog na si Lope. Ako naman ay naligo na dahil mamayang alas-tres ako susunduin ni Ate Lana.



Paglabas ko sa bathroom ay naroon na si mama sa kwarto ko. She was checking on Lope.



"Bumaba na ang lagnat niya," she said. Naupo siya sa may kama. "'Wag kang magmadali umuwi, ha? Ako na ang bahala kay Lope. Mag-enjoy ka roon."



"E, mama, hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Isasama lang po ako ni Ate Lana dahil napilitan lang din siya." sabi ko sa kanya. "Paano ako makakapag-enjoy, e, hindi ko nga alam kung sino 'yong kakanta ro'n."



Bahagya siyang natawa. "Ah, basta. Mag-enjoy ka lang doon." pag-uulit niya.



Bumaba na ako sa kwarto nang mag-text na sa 'kin si Ate Lana. She was already outside, waiting for me. Sumunod naman sa 'kin si Kuya Jon.



"Mag-ingat kayo, ha?" sabi ni kuya at lumapit kay Ate Lana. "Hanapan mo ng lalaki si Emily." saad niya.



Hinampas naman siya ni Ate Lana ng dala niyang purse. "'Wag ka ngang bad influence diyan, Jon." she said.



"I was just joking," he said, laughing. "Alright, take care. I love you," he said, and they kissed.



Oh, god. Please send help.



Narinig ko ang tawa ni kuya. "Sige na, umalis na kayo. Na-iinggit lang si Emily, e." sabi pa niya.



Umalis na kami at nagsimula na akong magtanong-tanong kay Ate Lana about sa concert. Malayo nga ang binyahe namin kaya medyo kinakabahan ako. Baka kasi bigla akong hanapin ni Lope, masyado akong malayo.



Nang makarating kami, marami nang tao. Sumusunod lang ako kay Ate Lana habang nagce-cellphone siya. Tinetext niya siguro 'yong kaibigan niya.



Hinila niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Dire-diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa may backstage.



"What are we doing here? Are we allowed here?" I asked.



Ate Lana laughed. "Yeah, don't worry. Narito ang kaibigan ko." she said. Maya-maya lang ay may tinawag siya. "Cristy!" lumapit sa kanya 'yong babae. "This is Emily, my boyfriend's sister."



Nakipagkilala naman ako sa kanya. Mabuti na lang at mabait siya, mukha kasi siyang masungit.



Maya-maya lang ay narinig ko nang umiingay ang crowd. Nag-start na ring kumanta 'yong mga nasa stage.



"Emily, wait me here, okay? May pupuntahan lang ako saglit." paalam sa 'kin ni Ate Lana.



Tumango lang ako sa kanya at naupo sa may gilid. Walang tao rito masyado kaya kumportable naman ako.



Nang matagalan ako kay Ate Lana, tumayo na ako para hanapin sana siya. Wala kasing signal dito, gusto kong kamustahin si Lope.



Kakalakad ko sa backstage, hindi ko namalayan na may nabangga akong tao sa may likuran ko. Humarap ako sa kanya para humingi ng pasensya pero halos manigas ako sa kinatatayuan ko.



"Jacob..."

















Summer is my Favorite SeasonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang