Chapter 9

162 7 0
                                    

"Love, look at this." lumapit sa akin si Jacob habang may dala-dala. I guess it's a necklace. "I made it."



Yeah, it's a necklace. 'Yong pendant ay seashell. Pumwesto siya sa likuran ko at sinuot 'yon sa 'kin.



"How did you do this?" I asked him. "It's so cute!"



He smiled. "I asked the lady who's selling necklaces. It was kinda easy for me, though." mayabang na sabi niya. "It looks good on you. 'Wag mong tatanggalin 'yan." Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.



Naging mabilis ang araw. Sa susunod na araw ay uuwi na kaming lahat. Ayoko pa ngang umuwi, e. Gusto kong i-extend pa ang summer vacation.



Pero wala namang choice. Nag-enjoy naman ako kasama nila. At saka, hindi naman 'to ang huling bakasyon kasama sila.



Dapit-hapon na at inaya ako ni Jacob na maglakad-lakad sa tabing dagat. Inaya niya akong panoorin ang sunset. These past few days, madalas kaming maglakad-lakad at manood ng paglubog ng araw while talking about anything about us.



We sat on the sand like we always do. I'm watching his hair move because of the wind. He looks so serious, so I chose not to talk to him.



"I'll miss you," he said while watching the sunset.



I chuckled. "Yeah, me too, but we're gonna see each other again after this. Don't worry," I said.



He smiled. "I know, but I think it's kind of hard waking up without you." sabi niya at diretsong tumingin sa 'kin. "You know, even though we just spent our time with each other for almost two months, I already used to be with you. I want to wake up every morning with you by my side."



Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Magtiis ka na lang! Isang linggo lang naman ang hihintayin natin." saad ko.



"If I could marry you today, I fucking would." he said.



Saglit pa kaming nag-usap bago namin mapagpasyahang umuwi na. Excited naman akong umuwi dahil magbe-bake kami ngayon.



This week, ginawa namin 'yong mga bagay na hindi namin ginagawa last month. It's kinda weird for me, pero siguro gusto niya lang gawin 'yong mga bagay na 'yon dahil kaunti na lang ang magiging oras namin sa isa't-isa kapag nag-start na ang klase.



Natutuwa naman ako sa ginagawa namin. Na-eenjoy ko lahat ng gusto niyang gawin. He's really fun to be with. Kahit kailan ay hindi ako na-boring sa mga ginagawa namin.



He even played a song for me kahit ayaw niyang kumanta. Lalo akong na-inlove sa kanya noong nakita ko siyang mag-gitara. Maganda ang boses niya. Hindi na 'ko nagtataka kung bakit may nabanggit sina Ethan about sa music industry noong sa bonfire.



Halos lagi na rin naming kasama 'yong mga kaibigan namin unlike last month. Pero tuwing gabi ay dalawa na lang kami ni Jacob dito.



Pinanood ko siyang maghalo ng mga harina. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon lang ako magbe-bake. Hindi pa kasi ako nakakagalaw nang maayos sa bahay. Lagi lang akong nasa kwarto dahil ayokong mapag-initan nila kuya.



"Come on, Cali. Just give it a try," sabi sa akin ni Jacob.



Ginaya ko na lang kung ano 'yong ginagawa niya. Kahit ang pangit ng gawa ko ay kino-compliment niya pa rin. Ginanahan tuloy akong mag-bake.



Nang maipasok namin sa oven 'yong mga ginawa namin, pinunasan niya ako ng harina sa mukha. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya at nag-gantihan kami.



Pagkaluto ng ginawa namin, kinain din namin agad 'yon dahil wala pa kaming kinakain magmula kaninang lunch. Hindi kasi ako nagugutom kanina, ngayon lang.



Pagtapos naming kumain, umakyat na kami sa kwarto para maligo. Yep, we always doing it kapag sabay kaming naliligo. You know what I'm saying, you're not innocent.



Alam kong malapit na kaming umuwi kaya sinusulit ni Jacob 'yong ginagawa namin. Hindi ko alam kung naka-ilan kami ngayong gabi. Basta ang alam ko lang, parehas namin gusto ang isa't-isa.



Napahiga kami sa kama nang matapos kami. Hinihingal ako habang nakapikit. Tinignan ko si Jacob at inunan ko ang braso niya. Nakapikit siya habang hinihingal din. Mahina akong tumawa.



"You're finally tired, huh?" I said.



He chuckled. "I'm not. Ikaw 'yong pagod." sabi niya. "We should sleep, love. It's already late," he said.



Yumakap ako sa kanya at pinatay niya naman ang lamp. Kinumutan niya ako at mahigpit din akong niyakap.



Sinuklay niya ang buhok ko hanggang sa makaramdam ako ng antok. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.



"Always remember that I love you so much. Kahit anong mangyari, kahit saan ako mapunta, ikaw lang ang mamahalin ko." narinig kong sabi niya.



Gusto kong buksan ang mga mata ko dahil malungkot ang boses niya. I want to know why pero masyado na akong pagod at inaantok.



"I know I have a lot of promises, but the only one I can keep is that I'll love you forever." ... "I'm sorry, my Cali."















Summer is my Favorite SeasonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora