Chapter 15

147 5 0
                                    

Maaga akong gumising para pumasok na sa trabaho. Tulog pa si Lope kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Nandito na rin sina mama kaya komportable na akong iwan siya.



Pumunta muna ako sa isang coffee shop. Hindi na kasi ako nag-almusal sa bahay. Umupo na muna ako para kumain.



"Caliah?" napalingon ako sa tumawag sa 'kin. "Hey. How are you?" he asked. "Can I sit?"



I nodded. "Yeah, yeah." I said. "I'm fine, by the way. How about you?"



He's Theo. I met him three years ago. He liked me before, but I told him that I couldn't like him back because I was waiting for someone.



And after that, we became friends. We're close to each other. Masaya siyang kasama at mapagkakatiwalaan naman.



Pero these past few months, wala siya. Ang sabi niya ay nag-out of town daw sila ng family niya for business.



"How's Lope?" he asked. "I miss her," he said.



I smiled. "She's fine. Do you want to see her?" agad naman siyang tumango. "Hmm, sabay na lang tayo kapag pauwi na 'ko." I said.



Theo looked at me. "So, you're still for this man?" he asked.



Tumango ako sa kanya. "Yep," I said, chuckling.



"Who is he? You never told me." he said.



Saglit akong napatingin sa kanya. "I can't tell you," I said. "Siguro kapag malinaw na ang lahat."



Nang matapos kaming magkwentuhan, parehas na kaming umalis. Dumiretso ako sa work ko at siya naman ay umuwi sa kanila.



I texted him noong nag-off na ako. Nagkita na lang kami sa mall dahil bibilhan niya pa raw ng pasalubong si Lope. Sabi ko nga ay 'wag na dahil ayos lang naman 'yon kay Lope, but he insisted.



He brought Lope her favorite toy. Alam niya ang mga favorite ni Lope dahil madalas kaming magkakasama. Close nga rin siya ni Lope, e.



"Sa tingin mo magugustuhan niya 'to?" Theo asked me. Isa 'yong dress na kasya lang kay Lope. Sa tingin ko ay bagay kay Lope 'yon.



Tumango naman ako. "Oo naman. Marunong naman mag-appreciate si Lope ng lahat ng bagay, e. At saka, sure akong magugustuhan niya 'yan, sa 'yo galing, e."



He smiled. "Sabagay. Tara na," lumabas kami ro'n sa store at nagpasya nang umuwi.



"Tito Theo!" sinalubong kami ni Lope sa pagpasok sa bahay. "I missed you po!" she smiled at him.



Lumuhod si Theo kay Lope para mapantayan niya. "Really? You missed tito?" tanong niya at tumango naman si Lope sa kanya. "Here, I have a gift for you."



Natuwa si Lope nang makita niya ang favorite toy niya. "Wow! It's for me?" tanong niya kay Theo. "But you don't have to buy me po ng gift, tito. I think it's too expensive." saad naman niya.



Hinawi naman ni Theo ang buhok ni Lope. "It's not expensive, Lope. And I don't care if it's expensive or not. I wanted to give you a gift." he smiled.



Lope hugged Theo. "Thank you po!" saad niya. Lumapit maman siya sa 'kin at niyakap ako. "Look, mama. Tito Theo gave me a gift!"



I held her cheeks. "Do you like it?" I asked.



Tumango-tango siya. "I love it, mama. I love the dress, too! I want to wear it." she said, chuckling.



"Okay. You can wear it now, Lope." saad ko. Bibihisan ko na sana siya pero si Ate Amira ang nagbihis sa kanya.



Pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng makakakain ni Theo. Naabutan ko ro'n si Kuya Jon na nagluluto.



"He's really a genuine person, Em. Why don't you give him a chance?" he asked me.



I sighed. "I don't want to love someone else if I still love him." I said. "'Wag mo nga kaming ipilit, kuya. We're just friends, malinaw sa 'min 'yon." natatawang saad ko.



He shrugged. "Malay mo lang may chance, 'di ba?" sabi pa niya. "By the way, me and Lana--"



"I know," I said. "She told me yesterday."



Napailing siya. "Close talaga kayo, e, 'no?" he said, laughing. "Anong balak mo sa birthday mo?" tanong niya.



I shrugged. "I don't know. Bahala na siguro. Sa totoo lang, ayoko ngang maghanda. Aayain ko na nga lang kayong gumala, e." saad ko.



"P'wede naman, basta libre mo." pagbibiro niya.



"Emily, may irereto ako sa 'yo." biglang pumasok si Kuya Yuno. "Mabait 'to, bagay kayo."



I rolled my eyes. "Pare-parehas kayo ni Rana. Bakit ba gusto niyong mag-boyfriend ako? Masaya naman ako sa buhay ko, duh!"



"Sus, kahit hindi," sabi ni Kuya Yuno. "Ayaw mo ng bago pero 'yong taong nanakit sa 'yo tatanggapin mo nang buo?"



"Eh, bakit? Sabi mo you'll support me, ah?" I said.



Kumunot ang noo ni Kuya Jon. "You'll support her? Are you out of your mind?" he asked.



"What? That's what brothers do, Jon. Besides, it's for Lope and for Emily. Our niece needs her dad, and Emily needs him too. We all know na may kulang kay Emily all these years." Kuya Yuno said. "I'll support her kahit gago 'yong lalaki na 'yon."



Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Yuno. I'm so glad na nagkaayos kami six years ago. Siguro kung hindi, nahihirapan akong mag-adjust ngayon.











Summer is my Favorite SeasonWhere stories live. Discover now