Chapter 14

143 4 0
                                    

"Mama, wake up." I heard Lope's voice. "Nangnang Rana and Nangnang Fiona are here." she said.



Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. "Good morning, baby." I said. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Where's tito-daddy?" I asked her, pero hindi siya sumagot.



Tumayo ako at inayos ang buhok ko. Nakasando lang ako ngayon at pajama. Natawa naman ako nang makita si Lope sa salamin na pinapanood ako.



"You're so pretty, mama." she said.



Humarap ako sa kanya at lumuhod para pisilin ang pisngi niya. "You too, baby." I said.



Lumabas na kami sa kwarto. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayang bumaba sa hagdan. Binibilang niya pa ang bawat steps.



"Hot mama," sabi agad ni Rana nang makita niya ako. "Hi! Sorry we're too busy these past few days."



I hugged them. "It's fine, I understand." I said. "Where's Ethan and Julian?" I asked.



Nagkwentuhan kami sa may sala hanggang sa mag-lunch na. Si Rana ang nagluto ng kakainin namin ngayon at sina Ethan at Julian naman ay may dala ring pagkain.



"Lope, come here." tinawag siya ni Kuya Jon. "Do you want to visit Tita Lana?" he asked. Tumango naman si Lope sa kanya. Kuya smiled at her. "Go to your mom. Magpaalam ka,"



Agad na lumapit sa 'kin si Lope. "Mama, we're going to visit tita-mommy." she said. "Please, mama. I miss her na."



Hinawakan ko ang baba niya at ngumiti. "Of course, baby. You can come to tito-daddy. Tita-mommy miss you, too." sabi ko.



She kissed me on my lips. "Mwa! Thank you, mama. I'll behave there." saad niya at tumakbo na papunta kay Kuya Jon.



"Are you okay?" Fiona asked me.



Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya. "Yeah, yeah. I'm fine. I'm just happy that I have her." saad ko.



"We're proud of you, Cali. Even though you two needed Jacob, you managed to take care of everything." Rana said. "You deserve to be happy, Cali. Find someone new already!"



"Rana!" saway ni Fiona sa kanya. "Don't push her if she doesn't want to. Masyado siyang naka-focus kay Lope ngayon." she said.



I laughed. "Yeah. I have Lope. She makes me happy, Rana. I don't need anyone. My daughter's enough."



We had lunch together. Nang malapit nang magdilim, umuwi na rin sila. May trabaho kasi sila, hindi sila p'wedeng mag-stay rito.



Hinihintay ko sina kuya na makauwi. Anong oras na, wala pa sila. Siguro ay nag-eenjoy lang 'yong dalawa na 'yon sa condo ni Ate Lana.



Sumilip ako sa labas nang may marinig akong sasakyan. I thought it was Kuya Jon, but it was Kuya Yuno with Ate Amira.



"Where's Lope?" Kuya Yuno asked me.



"Kuya Jon brought her with him to visit Ate Lana." I answered. "Kumain na kayo? May pagkain sa kusina, kakaluto ko lang." sabi ko naman.



Ate Amira looked at me. "What are you doing there? Are you waiting for Lope?" she asked.



I nodded. "Yeah. Before pa mag-lunch sila umalis, e. Hindi naman ako tini-text ni kuya." I said.



"Pauwi na 'yon, Em. Tara na, kumain na muna tayo." aya sa akin ni Ate Amira.



Nagdalawang isip pa ako kung sasabayan ko na ba silang kumain o hihintayin ko muna sila Lope. Sa huli ay sumabay na ako sa kanila. Halos wala akong gana kumain.



"Kailan daw uuwi sina dad, Em?" Kuya Yuno asked me.



I shrugged. "I don't know. Wala silang nabanggit sa 'kin, e." sabi ko naman. "Pero baka next week ay nandito na 'yon."



He chuckled. "Stop worrying, Emily. Pauwi na 'yon." sabi niya naman.



Nang matapos kaming kumain, lumabas ako para hintayin sila. I tried to call them, pero hindi nila sinasagot 'yon.



Hindi na ako mapakali kaya hanggang sa gate ay sumisilip ako. Naupo ako sa may gilid habang naghihintay.



Napatingin ako kay Kuya Yuno na tumabi sa 'kin. Nilagyan niya ako ng jacket. "It's already late. Nasaan na kaya 'yon?"



"I don't know," saad ko. "Nakakainis, bakit hindi ako tine-text ni kuya kung anong oras sila uuwi?"



Saglit kaming natahimik. "Em, I have a question." kuya said.



"What is it?"



"Kung babalik 'yong tatay ni Lope, tatanggapin mo ba ulit?" he asked. "I'm just curious."



Lumingon ako sa kanya at tumango. "Yeah. I'll accept him." I said. "Because I still love him... We need him, kuya. Especially Lope." I added.



"I'll support you, then. But you know Jon, right? Hindi 'yon agad-agad papayag na babalik na lang bigla 'yong ex mo." sambit niya.



I sighed. "I know, pero alam kong papayag din 'yon si kuya. Alam niyang para rin 'yon kay Lope, e."



Maya-maya lang ay huminto na ang sasakyan ni Kuya Jon sa harap namin. Bumaba siya at mahinang tumawa.



Mahina kong hinampas ang braso niya. "Don't laugh, kuya! I was so worried. Bakit natagalan kayo?"



"Nakatulog kaming tatlo, hindi na ako nakatawag sa 'yo." he answered.



Kuya Yuno laughed. "Sa tingin ko hindi lang tulog ang ginawa niyo ro'n ni Ate Lana." pang-aasar niya.



"Oh, shut up, Yuno." inis na sabi ni Kuya Jon.



Kinuha ni Kuya Yuno si Lope sa back seat ng sasakyan ni Kuya Jon. Mahimbing na siyang natutulog at napayakap pa kay Kuya Yuno.



"Don't do that again, kuya." sabi ko kay Kuya Jon. "Hindi ako sanay na walang update kay Lope."



Tumawa naman siya at inakbayan ako papasok sa bahay. "I know. I'm sorry," he said.








Summer is my Favorite SeasonWhere stories live. Discover now