Chapter 20

145 6 0
                                    

"Mama, wake up na. I'm going to be late na po," Lope said.



Minulat ko ang mata ko. Nakabihis na siya at ako na lang ang hinihintay niya.



"Grandma helped me to prepare. She told me that I need to wake you up." saad pa niya.



Bumangon ako at dumiretso sa bathroom para maghilamos na muna at mag-toothbrush.



Nagsuklay lang din ako ng buhok at nagpalit ng damit. "Let's go, Lope. Paalam ka na kay grandma." I said.



Pumunta naman siya sa kusina dahil nandoon si mama. Maya-maya lang ay lumapit na siya sa 'kin at humawak sa kamay ko.



"I'm sorry kung hindi kita naasikaso, sweetie. Mama was so tired last night." I said.



She smiled at me. "It's fine, mama. Granmda knows naman po, kaya she helped me."



Nang makarating kami sa school, pumasok na siya agad. Ako naman ay naisipan na magpalipas na lang ng oras sa kabilang store. Balak ko pa ngang matulog ulit pero baka hindi ako magising.



Bago matapos 'yong class ni Lope, bumili ako ng makakain namin sa kotse. Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast.



Nang makapunta ako sa room nila, patapos pa lang ang klase. Nakatingin lang ako kay Lope nang mapansin ko na may huminto sa tabi ko.



It's Jacob. Naka-krus ang mga braso niya habang nakatingin din sa loob. Siguro ay susunduin niya ang anak niya.



"Iiwasan mo pa rin ako?" narinig kong tanong niya.



Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "Oh, hey. Uh... why are you here?" it's so fucking awkward. "Are you here to pick up your daughter?" I asked.



He laughed a bit. "I'm here to pick up my niece. I don't have a family, para alam mo." He said. "How about you? Are you here to pick up your child?" he asked, alam kong pabiro lang 'yon.



"Uh..."



"Mama!" bumalik ang tingin ko kay Lope. Naglalakad na siya palapit sa 'kin habang nakangiti. "Wow, you bought doughnuts po?" tanong niya dahil nakita niya ang hawak ko.



"You have a daughter?" he asked.



Lope looked at him. "Mama, who is he?" tanong niya sa 'kin. "Is he your dad, Jenny?" tanong niya sa batang babae na lumapit kay Jacob. Sa pagkakatanda ko, ayon yung bata na hawak niya no'ng nakita ko siya sa mall. So, this kid is his niece?



Jenny shook her head. "No, Penelope. This is my Uncle Jacob." she said. "What about her? Is she your mom?" tanong naman sa kanya ni Jenny.



Lope nodded. "Yes, she's my mom." sabi naman niya. Tumingin siya ulit kay Jacob. "Are you my dad--"



"Lope, let's go. We need to get home. Grandma is waiting for us," sabi ko pero hindi siya naglakad.



Diretso lang siyang nakatingin kay Jacob. "Mama, you told me that I have my daddy's eyes. His eyes looks mine po." she said.



Pipilitin ko na sanang umalis si Lope pero lumapit sa kanya si Jacob. "Hi, Lope. How old are you?" he asked.



Lope smiled at him. "I'm five po." she answered.



"Okay, Lope. Come on, we need to leave right now." sabi ko sa kanya. This time, nagpahila na siya sa 'kin. Iniwan namin si Jacob doon.



I know he's confused. Bahala na siya kung ano ang isipin niya. Bahala siya kung iisipin niyang kanya 'tong si Lope o sa iba.



"Mama, who is he?" tanong niyang muli.



I sighed. "I'll tell you kapag napag-usapan na namin, okay?" saad ko. Tumango naman siya.



Pagpasok namin sa kotse ay napasandal ako sa upuan. Wala akong balak ipaalam sa kanya dahil akala ko may pamilya na siya.



Pero ngayon, mukhang wala akong choice kapag sinubukan ulit akong kausapin ni Jacob. Sasabihin ko na lang sa kanya na may anak kami.



Nakauwi kami sa bahay at agad ko namang tinawagan sina Rana at Fiona. Alam kong matutulungan nila ako.



"It's time to tell him, Cal." Fiona said. "Duh, tanga na lang siya kung iisipin niyang iba ang tatay ni Lope."



Rana nodded. "Yeah, yeah. At saka, nakaramdam na 'yon, Cali. Lope asked you if he's her daddy, 'di ba?"



"Oo nga. At saka, nag-calculate na siguro 'yon sa utak niya no'ng sinabi ni Lope kung ilang taon na siya." Fiona said.



"Okay, okay. I'll tell him kapag kinausap niya ako, okay? Hindi natin sure, malay mo iniisip niya na iba ang tatay ni Lope, 'di ba? Ayokong mapahiya." I said. "Hindi ko siya kakausapin about kay Lope hangga't hindi siya nagtatanong."



Fiona smiled. "Ikaw ang bahala. At least willing ka nang sabihin sa kanya."



Nanlaki naman ang mga mata ni Rana. Alam kong may naisip na naman 'to. "Oh my god, Cali. He told you na wala siyang pamilya, 'di ba? What if ikaw pa rin!?"



"Tss, 'yan ka na naman, Rana. Tigilan mo nga si Caliah." ani Fiona. "Pero if ever na ikaw pa rin, Cali, tatanggapin mo siya ulit?"



Matagal akong napatitig sa kanila. "Yes... Of course. After all these years, siya pa rin naman." saad ko.



"Aw, sana talaga magkabalikan kayo!" sabi ni Rana. "Magpapabuntis ako kay Ethan kapag naging kayo ulit ni Jacob."



"Rana!" saway sa kanya ni Fiona.












Summer is my Favorite SeasonWhere stories live. Discover now