Chapter 4 - Introduced to Her

944 57 13
                                    




" Nyare sayo jay? you're spacing out, kanina pa " kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria at dahil hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina ay hindi ko napansin na naka titig lang pala ako sa pagkain ko.

" Wala to Louis, kasi nalate lang naman ako sa first subject ko e " sarcastic kong sabi matapos ko syang irapan.

" Ako din naman par nalate e, pero buti mabait yung prof namin par!"  sana all diba? yung sakin kasi maganda sya pero walang pina palampas e, basta late ka tapos ang usapan.

" Ang ganda nya pa Jay, naka ngiti sya sakin nung binuksan nya yung pinto, I think she find me cute! " Maharot na nga assuming pa tss.

" Hoy Louisiana, baka landiin mo pa yon ah. Professor yun kaya bawal " ang alam ko kasi bawal yung mga ganong relasyon, kaya ako di ako lalandi sa mga professor ko, kahit ano mangyari.

At isa pa wala naman atang gwapong professor dito. Halos lahat kasi nang mga prof ko kanina ay mga tanders. Si ma'am Ives lang ang pinaka batang prof na meron kami maganda pa- kaso nalala ko straight ako kaya hard pass lalo nat pinag lihi ata sa sama nang loob yun e.

Speaking of pinag lihi....naalala ko si Mrs. Ives ibang-iba yung presence nya kesa kay ma'am. Baka ampon sya? Tama-tama kaya-

" Grabe par ang advance mo naman mag isip, diba pwedeng crush lang ganun? " Ay kasama ko pala si Louis? Grabe kung saan saan lumilipad isip ko. Nalutang ako pag ka tapos nung nakaka tanggal angas na entrada ko sa klase ni ma'am Ives e.

" Ganon din yon Louis, kahit dimo crush, basta babae lalandiin mo tss " napa simangot naman sya pero diko na sya intindi at malamig na ata tong pagkain ko. Ayan tulala pa more.

-----

Nasa elavator na ako at papunta na sa susunod kong subject na Intro to Criminology nang bumukas ito sa 2nd floor. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Ms. Eris at kung sinuswerte ka nga naman, kasama nya si ma'am!

Di kalaunan ay nakilala narin ako Ms. Eris, gumiti ako sakanya at gumilid para bigyan sila ng pwesto.

" G-good afternoon po Ms. Eris, and P-prof Ives " nginang yan bat ba ako nauutal?

" Good afternoon too, and nice to see you again miss? " naka ngiting pag bati ni Ms. Eris sakin habang naka lahad ang kamay. Kunwari pato to si press, gusto nya lang malaman name ko e. i-Add ako nyan mamaya.

Si ma'am? Wag nyo nang asahan mamansin yan, kasi ayun parang mas interisado pa sya mahahabang kuko nya at bagot na bagot.

" Ejayn Cole Vazquez sa facebook- erm I mean yung name ko hehe " tinnggap ko na rin muntik pa madulas talaga naman. Bahagya syang natawa habang nakikipag shake hands sakin.

Diko alam kung si ma'am ba yung narinig kong napa 'Tsk' o guni guni ko lang?

" You have a cool name, I'll guess I will just add you later " mabini pa syang tumawa matapos nyang sabihin yun.

Add nya daw ako? bahala sya dyan diko sya accept, char maganda na nag add sakin tatangihan ko pa ba? Wag ganun mga par.

" Sge lang Ms. Eris, crush back- "

" Let's go now Miss Monterial " lamig talaga ng boses ni ma'am, dinaig pa si Elsa ng Pepito Manaloto- jk.

" We're going now Ejay, it's nice to meet you again " first name basis na agad sya sakin, confirmed crush nya nga ako hihi.

' Kapal naman nang muka mo par straight ka diba? '

Hala sya! yung utak ko bumuboses.

" Good bye po Ms. Eris at sumainyo rin- este S-sainyo rin po ma'am  " tinaasan nya lang ako nang kilay sabay irap. Sungit!

Nailing nalang ako, haist kailangan masanay na ako sa ugali ni ma'am.

Bumakas na yung elavator dahil nasa 4th floor na ako, lumabas na ako at pumasok na sa huling klase ko ngayong araw.

Wala pa kaming prof kaya medyo maingay pa sa loob ng classroom nung pag pasok ko. Umupo nalang ako sa upuan kung saan alam kong makikita ko yung kung anumang nakasulat sa board. Near sighted kasi ako kaya blur pag malayo masyado.

Dumating naman agad yung prof namin. At naka rinig agad ako nang mga babaeng parang inasinan lang dahil siguro sa lalaking prof namin. Well gwapo naman sya, pero he's not my type mukang mas matigas pa ako kumilos sakanya e.

Mabilis lang kami natapos kay sir Mark, hindi sya tahimik par kung ako tanungin nyo.

Wala namang masyadong pinagawa si sir, pinag sulat lang kami sa papel ng pangalan namin at pinasa sakanya. Buti di na sya nag pa introduce yourself, naku yan pa naman weakness ko ang mag salita sa harap. Ewan para akong naiiyak pag nag salita, tapos kung minsan nga ay pumipiyok pa hahahah.

" Hey Miss! you drop your handkerchief, here " may kumalabit sakin kaya agad akong napa lingon dito. Literal na naka yuko ako sakanya mga par ang liit nya kasi kumpara sakin, siguro mga 5'2 lang ganun.

" Ah Salamat miss "

" You're welcome, and please just call me angel... You're too formal " sge sabi mo yan e, syempre formal ako dyan chariz. Naka lahad yung kamay nya kaya tinanggap ko na at nag pa kilala nadin.

" I'm Ejayn Vazquez, thanks again, angel " ngumiti naman sya sakin. " It's nice meeting you Ejayn, I have to go now. I guess I'll see you tomorrow? " Tumango nalang ako sakanya at nag paalam na.

-----

Palabas na ako sa gate ng school nang mag ring yung phone ko.

Berta calling

Kilala nyo na siguro kung sino HAHHAHAH

[ Saan kana jayy? ]

" Nasa labas na ako nang school bakit " gumilid muna ako habang kausap sya.

[ Anak ng- I'm waiting here at the parking lot! Kanina pa. Hindi mo ba nabasa text ko? ] nang I check ko yung text nya ay nakita kong may ipapakilala daw sya sakin kaya pumunta daw akong parking lot.

" Ngayon ko lang nabasa par, sino ba yan ha- "

" How long is your friend going to be here, Louis? " napahinto ako sa pamilyar na boses na iyon sa kabilang linya.

[She'll be here in the minute ate] Ate? Wala naman syang nakatatandang kapatid ah? Parehas kaming only special child e.

[ Bilisan mo na par, wait ka nalang namin dito. Sabay ka nadin samin pauwi ] matapos nyang sabihin yon ay binaba na nya ang tawag. Kaya naman ay dali dali akong nag tungo sa parking lot.

Makalipas ang dalawang minuto ay nakarating na agad ako sa parking lot at hindi na din naman ako nahirapan hanapin yung kotse ni Louis kaya mabilis na pinuntahan ko ito.

Habang pa palapit ako ay narinig ko pang nag uusap si Louis at yung babaeng diko pa makita ang muka dahil naka talikod ito sa gawi ko.

" We should go now Louis, you know I hate waiting right? "

" Malapit na yun ate- oh here she is..... Ejay " kumaway pa si Louis sakin pero napako ang tingin ko sa babaeng tinatawag nyang ate nang unti-unti itong humarap GAGO?!! napa takip pa ako nang bibig.

" Hoyy!! Ejayn Cole bakit para kang na tuod dyan? " Lumapit sya saakin at inakbayan pa ako.

" Alam kong nagagandahan ka sa pinsan ko par, pero wag mo naman ipahalata " bulong nito sakin at alam kong naka ngisi din ito. Diko pa talaga ma process, si ma'am yung sinasabi nyang ipapakilala nya sakin ay pinsan nya? WTH!

Napabalik ako sa wisyo nang mag salita ulit si Louis.

" Jay this is my cousin ate Lia, she's a professor here " alam ko be prof ko nga yang pinsan mo e.

" Ate Lia this is my bestfriend she's-"

Hindi na nya natapos ang gusto nyang sabihin dahil laglag ang panga naming dalawa sa sinabi ni ma'am bago ito lumakad papasok sa kotse ni Louis...






" I already know her, Ejayn Cole Vazquez in Facebook... right? "





----------
Short update.


Nix


Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now