Chapter 19 - Stop It

976 54 12
                                    

" Init naman dito sa world!! " Kanina pa kami naririndi ni Caly dito kay Louis. Nandito kasi kami  ngayon sa may malaking puno dahil pansamantalang munang walang klase ang lahat, may meeting ang buong faculty kaya ang daming mga estudyanteng naka kalat.

" Itikom mo kaya yang bibig mo? Nakaka dagdag ka sa init tss " unti nalang mag iinit narin ulo ko sakanya e.

" Kung pwede lang akong pumasok sa office ng honey bunch ko e, doon malamig parang yung may-ari lang hihi " Kung kanina ay naka simangot ito ngayon ay ngiting aso na.

" At sino nanaman yan ha? " Madami kasi syang babae kaya hindi mo alam kung sinong ponsyopilato yung tinutukoy ng mokong na'to.

" Secretong malupit par baka dumagdag kapa dami na ngang may crush sakanya e tsk " I mentally slap my forehead, abnoy talaga sya ginaya nya pa ako sakanya.

" Mrs. Leilani Adalyn Thompson " biglang salita ni Caly kaya parehas kaming napa tingin sakanya. What? Mrs.?

" Hoy yelo bat mo alam yung buong name nya ha! " Parang batang sagot naman ni Louis

" She's my professor too longganisa " pfft napanguso nalang yung isa habang si Caly ay patuloy parin sa pag dutdot nang kanyang cellphone. Gamer ata 'tong isang to kanina pa sya dyan e.

" Maiba tayo Berta, Mrs? Are you serious? May asawa na ang trip mo ngayon? " Mas lalo itong napasimangot, dahil siguro sa tinawag ko sakanya.

" Mrs. na nga sya Jay kasi magiging future Mrs. Mateo sya! " Naiiling naman ako sa sinagot nito. Sa dinami dami nang babae yung may asawa pa talaga? Kahit kelan talaga 'tong babaitang to.

" Yung sa pagiging babaera mo ay matagal ko nang tanggap pero kung sa may asawa? Why not coconut diba? " Agad na napangiti ito at nakipag apir pa sakin. Kung gusto nya yung may asawa na edi bahala syang makulong, abnoy naman sya e para mag tanda hahahah.

" Oh my God, I can't believe these two " pfft mukang naiistress na ata sa kabaliwan namin si Caly. Napahilot pa ito nang kanyang sentido.

" Wag kang ano dyan yelo crush mo din naman may crush nang iba " napalunok kami parehas ni Louis nung biglang nag dilim ang ang aura ni Caly.

" Wala akong crush sa kahit na sino Mateo " paktay kang longganisa ka. Ang lamig ba naman nang pagkakasabi nya e.

Louis being Louis sumabat parin ito. Amp ganyan sya ka loko!

" Wala daw e diba si Miss Eri— "

" I'm going Jay, baka may ma gilitan pa ako ng leeg " agad na putol nito kay Louis na agad na tumikom ang bibig. Mukang nakahanap na kami nang mag papatino samin ah. Tumango nalang ako sakanya.

" Grabe talaga yang si Yelo, bat hindi sya natutunaw e ang init init kaya ngayon " Hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin at balak kong matulog muna dito.

Bago pa man ako tuluyang makatulog ay may yumugyog na sakin. Lord pwede ko bang masakal si Louis? kahit 5 minutes lang po.

" Jayy gising bilis jay bilisa— Aray potaa! " Hinampas ko sa muka nya yung panyo kong naka lagay sa muka ko kanina.

" Ano bang problema mo at para kang kiti-kiti dyan ha!! "

" Ayun kasi yung honeybunch ko oh.. ganda no? " Naknampucha sino ba yang sinasabi nyang- napatingin ako kung saan sya nakaturo at nakita ang babaeng mag isang nag lalakad sa di kalayuan.

Well muka itong Simple and babaeng babae kung manamit. She doesn't look like a married woman. Maganda naman ito, pero mas maganda si Boss-Madam ko—

Ko? Sayo ba sya be?

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now