Chapter 13 - Last Call?

855 59 4
                                    


TW⚠️: Violence, Physical Abuse.

" Thanks you for the toys tita I wuv you po! " Humalik pa si Sienna saking pisngi dahil sa tuwa sa mga laruan na bigay ko sakanya.

Nabigay na kasi agad sakin ni ma'am yung sahod ko and it's Sunday today. Ang pagkakatanda ko ay every two weeks nya ako babayaran. Ang advance kasi mga 4 days palang ata ako nakakapag drive sakanya.

Well tanungin ko pa sana sya kaso binabaan agad ako nang tawag. Pinahatid nya lang yung Pera dun kay kuya Lino sya yung driver na nag hatid sakin nang dalawang beses na.

Halos binigay ko din kay mama yung sahod ko dahil wala naman akong masyadong kailangan. Nag tira lang siguro ako nang 5k para pocket money babawasan ko pa sana kaso nagalit na sakin si mama. Pera ko daw iyon at bumili daw ako nang kung anong gusto o kailangan ko.

Kahapon ay hindi nag pa drive sakin si ma'am kahit schedule ko naman. Sino kayang nag hahatid sakanya kapag hindi ako? Yung mommy nya? Baka nga.

Nandito kami ni Sienna sa sala namin at kakarating lang namin galing sa mall. Pumunta kaming jolibee dahil ayun ang gusto nya tska binilhan ko rin sya nang laruan. Sa gatas naman nya ay marami pa kaming stock dito sa bahay.

It's 5:20pm kaya nakikipag laro muna ako kay Sienna.

" Tita can we buy ice cweam po? " Hinila pa nito ang manggas nang T-shirt ko at parang tutang nag papa cute sakin. Ayoko sana syang pakainin ng Ice cream dahil baka mag ka sipon pa sya. Madali pa naman sya mag karoon nang ubo at sipon kaya todo iwas kami sa mga ganoong pagkain.

Napabuntong hininga ako. Siguro ay pag bibigyan ko nalang sya kahit ngayon lang.

" Okay...okay will buy ice cream pero ngayon lang po ah? " Nagging masigla ito at nag tatalon pa sa tuwa.

" Yey! yey! Ice cream! " Napailing nalang ako at agad ding napa tingin sa phone ko dahil tumunog ito.

10 Missed Calls From Boss-Madam Auring.

Pota kanina pa ba sya tumatawag?

5 messages from Boss-Madam Auring.

Aurelia Ives requested to follow you.

Lahat nang mga notifications ko ay galing lahat kay ma'am.

Tumunog ulit yung phone ko at nakita ang name ni ma'am na tumawag. Agad na sinagot ko ito.

" Can't you pick up your damn phone?!! Don't you have a load huh?! " Agad na nilayo ko yung phone saking tenga. Pota nabasag ata eardrum ko.

" M-ma'am s-sorry ngayon ko lang po napansin k-kasama ko po kasi si S-sienna " utal na paliwanag ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito na parang pinapakalma ang kanyang sarili.

" Tsk lame excuses.. I've been contacting you since 4 fuckin' pm miss Vazquez " ramdam kong naka ikot nanaman ang mata nito.

" S-sorry talaga— "

" Whatever I need you to fetch me at 7pm sharp. You already know what I hate the most so better be here on time " binaba na nya agad yung tawag. So pano ko ngayon malalaman kung saan ko sya susunduin?

Nasagot ang tanong ko nung nag text ito sakin. Nasa company pala sya ngayon.

" Let's gow na po tita!! " Ay bibili pa pala kami nang Ice cream nitong bulinggit na 'to.

Binihisan ko muna sya nang pajama at sinuotan ko din nag jacket dahil mahamog na sa labas. Dito nya nalang siguro kainin yung ice cream sa bahay.

Buhat-buhat ko si Sienna pa labas nang bahay matapos mag paalam kay mama na nag luluto sa kusina.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now