Chapter 30 - Stealer

1.1K 67 59
                                    

" Ejay, Palinisan naman nung table banda doon " Tumango naman ako kay ate Clarisse, sya yung manager namin. Tinungo ko yung table na sinasabi nya para malinisan.

It's been a month since ma'am Ives fired me. And halos kalahating bwan narin ako nag t-trabaho dito sa Elsher's. It's a restaurant, and masasabi kong maganda naman ang takbo ng pag t-trabaho ko dito.

Mababait yung mga ka work ko lalo na si ate Clarisse hindi nya ako masyadong pine- pressure dahil alam nyang nag aaral pa ako. Night shift ang duty ko, yes nakakapagod dahil minsan pag katapos kong mag training ay dito pa ako dumiretso.

" Meron pa po ba kayong iuutos ate Clarisse? " Natapos ko na kasi linisan yung table na sinabi nya at pati narin yung ibang nadaanan ko.

" Pahinga ka muna Ejay, alam kong pagod kapa galing sa school. At isa pa, wala pa namang gagawin " Tumango nalang ako, ang bait talaga nya and she's also beautiful. May crush nga sakanya yung ilang crew dito e, kaso walang pake si ate Clarisse sakanila.

Pupunta ako sa likod, para doon muna mag pahinga nang marinig kong tumunog yung cellphone ko. Napangiti naman agad ako nang makitang tumatawag si Sienna.

" Hello baby? "

' Tita are you still working? ' Malungkot ang tono nito at panigurado ay nakanguso habang hawak yung cellphone nya. I bought her a phone, pero yung hindi ganoon ka mahal.

" Yes baby, I'm still working po why? " Wala itong imik sa kabilang linya. Biniro kong ibababa ko na yung tawag kaya agad itong nag salita.

' I mish sleeping with you tita ' Okay pota nakunsensya naman ako sa pang aasar sakanya. I miss sleeping with her too.

Well natutulog parin naman ako katabi sya pero tulog na sya kaya hindi nya ako naabutan.

" Miss nadin ikaw ni tita baby, do you want something ba? You want a new toy? Pipilitin kong bilhin para sayo baby " Gustohin ko mang umuwi ng maaga ay hindi pwede, kailangan ko talaga tong trabahong to para matustusan yung pangngailangan nya.

Yung nanay ni Sienna na si ate Maris ay wala nang paramdam samin. Nung mga unang lingo ay nakakapag padala pa sya pero kasunod noon ay wala na. Sinubukan namin syang kontakin pero wala talaga.

I can't believe she just left a blessing kid like Sienna. Well bahala sya, mabuti narin 'yon at nasa amin yung bata.

' I want to shleep and cuddle with you tita. Thats what I want po ' I sigh, mukang miss na miss nya na talaga ako ng bata ah.

" Bukas baby, hindi muna mag work si tita. I promise po " Hindi naman siguro masama kung lumiban ako kahit isang araw lang. Sana payagan ako ni ate Clarisse.

Matapos yung tawagan namin ni Sienna kaya pabalik na ulit ako. Naging masigla sya at sinabing matutulog na daw sya para mag bukas na agad.

" Ejay mabuti at nandito kana, hanap ka nanaman ni miss Angel. Alam mo namang ikaw ang paboritong server nun " Salubong na sabi sakin ni Mat, isa ko pang katrabaho dito. Tumango nalang ako sakanya at inayos yung suot kong uniform.

Long sleeves na black and pants ang sout ko then meron akong brown half apron na hanggang taas lang nang tuhod.

" Naka order na si ma'am angel ate? " Nakasalubong ko si ate Clarisse na abala sa pag aayos ng mga iba pang orders. Hindi naman ganoon karami ang tao ngayon

" Yes and may mga kasama sya kaya medyo madami syang inorder ngayon " The chefs are already preparing ma'am Angle's order kaya inintay ko nalang ito.

Nang matapos maihanda yung mga pagkain ay gumamit ako nang cart dahil hindi na kakayanin ng tray lang sa dami nitong order. Siguro ay pang tatlo hanggang apat na tao itong mga pagkain.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now