Chapter 22 - Questions

971 55 8
                                    

After this long tiring day naka uwi narin ako sa bahay. It's already 7 in the evening at galing ako sa mansyon dahil doon nag pahatid si ma'am.

" Ma nandito na po— ARAYY ARAY MAMA! " Sinalubong lang naman ako ni mama nang hampas gamit yung walis tambo. Pota ang sakit!

" SAAN KA GALING AT NGAYON KALANG UMUWING BATA KA HA?! " okay may mas makakatalo pa pala kay ma'am pag dating sa pag sigaw— teka bat sya nanaman?

" Right tita! I sleep already po because you didn't come home last night " pinigilan kong matawa dahil parehas pa silang naka pamewang. Si mama ay hawak parin yung walis habang si Sienna naman ay yung dinosaur plushie nya.

" Umayos ka nang sagot Ejayn Cole kung hindi tatamaan ka ulit sakin " dinuro pa nito sakin yung hawak nya kaya itinaas ko yung dalawa kong kamay.

" Mama kalma lang po, nag paalam naman po— "

" Nag paalam?! Oo nag text ka pero ang sabi mo lang ay matutulog kana ganun ba ang tamang pag papaalam ha?! " Ay Mali ba yun? Totoo naman yung tinext ko sakanya ah patulog naman talaga ako nun e.

Napanguso nalang ako habang kinakamot ang aking pisngi.

" Sorry na po mama, nasa penthouse po ako ni ma'am Ives hindi nya na po kasi ako pinauwi " Hindi ko sinabi kung ano yung dahilan nang hindi pag papauwi ni ma'am sakin dahil baka mahampas nanaman ako ni mama.

Mabuti nalang at kumalma na ito kaya naka hinga ako nang maluwag.

Naramdaman kong may maliliit na brasong pumalibot saking binti kaya napatingin ako dito. Si Sienna.

" I mish you po tita " inaangat nya yung dalawang kamay nya. She always want me to carry her, at dahil cute sya ay agad ko naman itong ginawa.

" Really? Bakit parang pinapagalitan mo din ako kanina hm? " Nakayakap ang isang kamay nito saking batok habang patungo kami sa kwarto.

" No tita! I just copy Lola's pose po " humagikgik pa sya kaya hindi ko napigilang pisilin yung pisngi nya.

" Do you drink you're milk na baby? " Ilalapag ko sana sya sa kama para maka ligo at maka bihis ako pero yumakap lang sya sa leeg ko nang mahigpit. This baby is so clingy.

" Baby kailangan ko munang ma ligo po " Mabuti at bumitaw na sya pero nakanguso ito kaya hinalikan ko sya sa pisngi.

" Owkay po be quick tita ah! " Aba-aba demanding pa ang batuta na'to ah. Kumilos na agad ako dahil gusto ko naring magpahinga.

Matapos kong maligo ay dumiretso na ulit ako sa kwarto. Napangiti ako nang makita kong nakatulog na si Sienna. Nasa may bandang dulo ito nang kama kaya dahan dahan ko syang inihiga ng ayos.

Ang daming nangyari ngayong araw, bukas ay maaga nanaman ang pasok ko sa school kaya tumabi narin ako kay Sienna. Mabuti at pinakain muna ako ni ma'am doon sa mansyon, as usual nag banta nanaman sa grades ko kaya hindi na ako naka tanggi.

Hinalikan ko muna si Sienna at yumakap dito. Maya-maya ay nakaramdam na din ako nang antok.

-----

Nandito kami nila Louis at Caly tumambay sa cafeteria dahil maaga pa naman. Ako mamayang 7:30am pa habang silang dalawa ay 10am ang start nang klase.

" Bakit ang aga nyo naman atang pumasok? " Hindi ko din alam kung bakit ang aga nilang pumasok dalawa, alam kong si Louis oo dahil nang bababae pa sya pero si Caly ay hindi ko alam ang dahilan.

" Masipag kasi kami jay, tska gusto ka naming sabayan para may kasama ka diba?  " si Louis ang sumagot dahil yung isa ay panay nanaman ang laro sa kanyang cellphone.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now