Chapter 40 - D-Day

1.9K 77 29
                                    

A/N: In this chapter 2nd year na sila Ejayn. Basta 2nd year na sila hahah ako naman ang nasusunod no? Char.

Unedited expect typos and errors.
---



" How's your exams going so far? " It's lunch time at nag kayayaan kami dito sa may karinderia malapit lang din sa school. Kasama namin si miss Eris at sya ang nag tatanong about sa mga exams namin. Speaking of exam napakahirap amp. Nag review naman ako pero parang kulang parin.

" No comment pres " sagot ni Louis at nag patuloy na sa pag kain. Napatingin ako kay miss Eris at nakitang nasaakin na ang tingin nya, I think she's waiting for my answer.

" Mahirap mga exam pres, bahala na si batman hehe " Napairap nalang sya sakin at tumutok na sakanyang pag kain nang mag salita pa ulit si Louis.

" Dimo ba pakinggan sagot ni Yelo pres? " Ang sarap kutusan ni Louis, panay salita nang puno ang bibig amp.

" Stop talking Berta, the question is not even for the two of us. She's only asking Ejayn " Malamig na sabi nya kay Louis, may sinabi pa syang hindi ko masyadong naintindihan. Loko

Nag patuloy nalang si Cali sa pag kain kaya ganun nalang ang ginawa naming lahat. Kung nag tataka kayo bakit hindi ko kasabay yung mahal kong madam, ayun ay dahil kasabay nya yung mga ibang professors today. Sinabihan nya na ako kahapon kaya ayun binigyan ko nalang sya nang fav nyang flower.

Nang matapos kumain ay nauna na samin si miss Eris, humiwalay narin ako sa dalawa dahil may isa pa akong exam na i take.

I have a long day today, kailangan makasurvive at mabuhay ako today. Bahala na si batman par.

-----

" Good afternoon binibini " binuksan ko ang pintuan nang passenger seat sakanya at nag tungo narin sa loob para mauwi ko na sya. Ibabahay ko na si Ma'am par, ang daming mga hotdog sa paligid.

" Where are you going again? " She's crossing her arms with the furrowed eyebrows in her face. Ang cute nya naman!

" I need space kaya mag hiwalay muna tayo- Arayyy! Lia naman! " Mala Alysa Valdez ata tong babaeng to e ang sakit mang hampas! Ang hirap biruin amp.

" When will I get a proper answer from you huh?? Can you stop bulshitting me Ejayn?! " Napanguso nalang ako pero agad ding napangiti kasi tinawag nya nanaman ako sa pangalan ko hihi. Kakaiba talaga kapag sya ang nag tatawag sakin, kapag kasi ibang tao lalo na si Louis ay talagang gusto ko agad sapakin e.

" Stop smiling!! Gosh you must be crazy " Ang cute nya talaga pag naiinis par! She's even fanning herself with her beautiful hands. Hindi ko tuloy napigilang abutin ang isa nyang kamay para hawakan. Naks holding hands while driving shett!

" I'm crazy for you love " Napatingin ito sakin at ayun inirapan nanaman ako sabay kurot sa kamay ko. Sadista! Mabuti at hindi nya binawi yung kamay nya kaya ayos narin.

" Crazy for me and other 99 girls no? " Pfft hahah 99 napaka dami naman!! Ginaya pa ako sa pinsan nyang si Louis amp.

" Ang cute mo Mahal " Umirap nanaman sya at wala nang bago doon.

I kissed the back of her hands at nakita kong nakasunod ang tingin nya dito. Pairap nyang iniwas ang kanyang tingin and I know she's blushing. Kitang kita sa kanyang tenga. What a cutiee. Inlove siguro to sakin. Ano satingin nyo?

Nag patuloy ako sa pag mamaneho papunta sa mansyon dahil doon ko sya ihahatid. Maaga lang ang uwian nang lahat dahil exam lang ngayong araw. Nag paalam din ako dito kay ma'am na may importantante akong pupuntahan, kaya ayun kanina pa sya nag tatanong na kanina ko parin hindi sinasagot.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now