Chapter 34 - Beautiful

1.2K 62 18
                                    

" Ayun yung plano, ano g ba kayo mga par? " Panay ang salita ni Louis about dun sa pa surprise ni kuya Ryley para sa birthday ni ma'am.

Birthday na ni ma'am bukas and kami ang magiging kasabwat ni kuya Ryley sa surprise.

Gaganapin yung pa surprise nya sa Elsher's dahil hindi naman daw nag celebrate yun si ma'am ng grande.

Kakatapos lang ng final exam namin ngayong araw kaya nandito muna kami tumambay sa cafeteria.

Dalawang lingo narin ang nakalipas mula nung pangyayari doon sa tagaytay. Mula nung umaga pag gising ni ma'am ay hindi na nya ako kinibo kahit sa sasakyan pauwi ay sa likod na sya umupo kasama si Aurley.

Ang last na pag uusap namin ay nung nasa tapat kami ng office nya.

" Ma'am pauwi na po kayo? " Hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa pag lock ng kanyang office. I know she's avoiding me, kahit sa pag d-drive ay hindi nya ako tinatawagan.

" May nagawa po ba akong mali? Why are you avoiding me ma'am? " Napakagulo nya talaga. Is it because of what happened in tagaytay? Ganto din sya nung sa palawan e, tinanggal nya pa nga ako non.

" Go home miss Vazquez— "

" Dahil ba sa nangyari sa tagaytay ma'am? " Palakad na sya paalis at nakatalikod na sakin pero napahinto ito dahil sa tanong ko.

" Just forget it " Is she serious? Halos hindi nga ako mapakali simula nung gabing yon tapos forget it?

" I l-like you m-a'am, should I also forget it? " My voice cracked saying those. Eto na 'yon she's sober now and kung ano mang sabihin nya ay ang mahalaga nasabi ko na yung gusto kong masabi.

Ang bilis pero hindi ko din alam kung paanong sa halos ilang bwan lang namin nag kakilala ay nagustohan ko na sya. I like her kahit na napaka cold nya. Sya ang unang taong nag paramdaman sakin nang ganito.

" You already know my answer to that. I'm straight and for Pete's sake you're my student! Can't you see that?! " Parang may bumara saking lalamunan dahil sa mga sinabi nya.

Kagaya nung sa tagaytay ay hinanda ko na ang aking sarili ma reject pero medyo masakit din pala kapag talagang direct na. Yung sakit parang kagat ng pating lang, dahil may kung anong tumutusok sa dibdib ko.

" C-can I r-resign as your driver ma'am? " Nag babadya na yung luha ko pero ayokong umiyak lalong lalo na sa harap nya.

" You can if I already find another one to replace you " Tumingin ako kisame para pigilan ang luhang papalabas na talaga. Nakakatanggal angas talaga to Bwiset.

" I will give you a break for one month just to forget your feelings " Matapos nyang sabihin iyon ay tuluyan na syang umalis. Kasunod noon ang pamamasa ng aking dalawang pisngi.

Tama baka kaya pa 'tong mawala. Kabag lang siguro. Medyo natawa pa ako habang pinupunasan ang aking luha, nakakabaliw pala talaga yung ganto hahah.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now