Chapter 32 - Cuddle?

1.7K 61 44
                                    

A/N: Again wala pong exiting part na magaganap dito okay?

" Matagal pa ba sila sa loob la? " She's watering the plants here at the garden. Ang tinutukoy ko ay sila ma'am. Hinintay ko sya dahil mag sisimba daw sila ngayon.

" Ilang minuto ka pa lang nag aantay apo. Wag mo ipahalatang gusto mo na agad makita si Lia " hindi maka paniwalang tinignan ko si Lola. Bumoboses na sya ngayon ah.

Nandito ako ngayong umaga sa manyon. I'm back being her driver. Hindi ko din alam kung bakit at pano basta nung nasa palawan sya na mismo nag sabi kay miss Angel na mag reresign na ako sa Elsher's. Pala desisyon diba?


We're eating our breakfast kung saan din kami kumain ni ma'am nung last time.

" How's your sleep guys? " Tanong ni miss Angel samin nung  dumating na yung pagkaing inorder nila ni ma'am.

" Okay lang ang tulog ko babe " si  Marco ang unang sumagot.

" Oks na oks " pag segunda naman ni Louis.

" Alam kong maganda ang tulog mo Louis, humihilik kapa nga habang nag sasabi ng ibat-ibang pangalan ng babae " Pfft nahilik nga pala matulog yung mokong na 'yon.

Katabi ko si Miss Angel sa aking kanan habang katapat ko naman si ma'am Ives. Long table yung pinag kakainan namin at nandito ako sa pinaka dulo pumwesto.

" How about you Jay? This our last day here and you guys will go back to work na " 2 days and 1 night lang kami dito dahil pare-parehas may mga trabaho and pasok sa school.

" Okay naman tulog ko miss, namis ko din pong mag trabaho— "

" She's resigning " pag sabat ni ma'am at hindi ako pinatapos mag salita.

" Who ate? " Tanong naman agad sakanya ni miss Angel. Nag punas muna ito nang bibig at tumingin saamin.

" Miss Vazquez is resigning to your restaurant " What is she talking about? Kahit si miss Angel ay naguguluhan din.

" Si Ejay? Is that true? " Nakaharap na sya sakin ngayon habang naka kunot ang noo.

" Ah ano hin— "

" She's working as my personal driver..." Pag putol nanaman nya sa sasabihin ko. Nakatingin sya ngayon sa kanyang plato.

" I just give her a break, I didn't know she would immediately find another....... job " Give what? She fired me right? Hindi naman ata namali yung dinig ko nung nasa CR kami.

" Is that so Ejay? So when we go back to manila you will no longer work for me? " Tangina ano bang dapat kong gawin? Bakit kasi bigla nalang nag sasabi ng ganyan si ma'am. Hindi manlang ako ininform amp.

Napatingin ako kay ma'am and she's looking at me like telling me to just agree with what she was saying.

" T-totoo po miss. A-no pasensya na at ngayon ko lang po nasabi " I just agree to ma'am Ives kahit gawa-gawa nya lang yung sinabi nya? Wow.

" Oh that's alright don't be sorry. It's just that I didn't know you're ate Lia's driver " Napakamot nalang ako ng aking pisngi at tumingin kay ma'am. Nakataas ang kilay nito sakin kaya umiwas nalang ako.


Naging tahimik si miss Angel buong breakfast kaya medyo nag alala ako. Baka nag tampo sya dahil hindi pa ako nag tatagal ay mag reresign na agad.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now