Chapter 39 - Date night?

1.6K 81 12
                                    

" good morning ma'am, ganda mo naman " shet ganto ang tinatawag na blessed morning par, ganyan ba naman ka ganda susunduin mo e.

" Morning " Yun lang, mas matipid pa sya sa kilay ni Lola kung sumagot.

Pinagbuksan ko sya ng pinto sa likod pero nanatili parin ito sa kinatatayuan nya. Ano nanamang problema nitong madam Auring na'to?

" Front seat " huh? Gusto nya umupo sa unahan? Haist feel ko nahuhulog na talaga sya sakin, gusto nya na laging sa unahan naupo e. Kahit nung mga isang araw sa unahan din sya, progress na ba ito par?

Matapos makasakay ni ma'am ay pumasok narin ako para maihatid na sya sa company. Wala akong pasok today so full-time driver ako and suitor na wala namang maibigay kay ma'am kung hindi lutong ulam. What if mag tayo nalang ako nang karinderia?

" What's with the jacket? it's totally hot today miss Vazquez " Huh? Ang hot ko daw par? Well tama naman sya dooon.

" Uso to ma'am, ganto kapag cool kid " Ramdam kong inirapan nya ako kaya medyo natawa ako nang mahina.

" You're not cool " she's my number one basher palibhasa crush nya ako e. Well tama pala sya hindi ako cool kasi hot ako e hihi.

" Yeah yeah, alam kong hot ako ma'am kaya siguro gusto mokong katabi para dika masyadong lamigin sa aircon nitong sasakyan mo e— "

" Can you shut up?! " Agad na napatikom ang bibig ko dahil mas hot pala kapag nabugahan nya ako nang apoy mala dragon yan sya e.

Napaka sungit nya talaga no? Bat ba naging crush nya ako haist.

' Ikaw ang may gusto sakanya. Ang tanong gusto kaba? '

Yun lang sumasabat nanaman ang utak kong ayaw nalang mag shut up tss.

Nag patuloy nalang ako sa pag drive hanggang may nakita akong pamilyar na babae sa di kalayuan. Si Eris yun ah? Mukang problemado sya sa sasakyan nya? Lumipat ako nang lane para sana huminto sa tapat ni Eris pero biglang nag salita ang dragon kong babylove- ay boss pala

" Don't you dare stop " Ha? Gusto ko lang naman kamustahin si Eris baka kailangan nya nang tulong e.

" Pero ma'am—ARAYY! " lintek na kurot yan gago ang sakit!!

" Are you deaf?! I said continue driving!! " Bilang anak nang nanay ko at bilang makulit na nilalang ay hindi ko pinansin si ma'am. Ang sakit nung kurot nya sa tagiliran ko par!

Nang makarating sa tapat ni Eris ay hininto ko ang sasakyan. Ramdam ko ang pamatay na tingin ni Lia pero hindi ko sya pinansin at ibinaba ang salamin sa side nya.

" Eris! Kamusta? May problema ba? " Sa pag agaw ko sa attention ni Eris sa kanyang cellphone ay bahagya pa itong nagulat. May mga binubulong bulong pa si ma'am pero hindi ko maintindihan.

" Oh hello Ejay and Miss Ives , a-ahm my car I don't know what happened basta nalang namatay " Tumango ako at balak na sanang bumaba nang sasakyan para tignan yung kotse ni Eris pero mahigpit akong hinawakan ni ma'am sa braso. Tangina damang dama ko yung sakit nung kuko nya.

" I'll call someone to fetch you Miss Monterial, we need to go now bye " agad nyang sinarado yung bintana at galit akong tinapunan nang tingin.

" M-ma'am bitaw a-ang sakit na " Mabuti at binitawan nya na, pero ang sakit parin talaga.

" Start driving now " may tinawagan sya sa kanyang cellphone kaya napa buntong hininga nalang ako at sinimulan ulit mag maneho.

Panay himas ako sa aking braso at napansin yun ni Lia kaya nag salita ito.

" I didn't grip you that hard, why are you acting like that? " Yun na nga pero may mga pasa kasi ako halos sa buong katawan e.

Pano ba naman halos ilang lingo na akong nag training para dun sa laban kuno namin ni Kuya Ryley.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now