Chapter 27 - Zombie

901 65 9
                                    

Kakarating ko lang ngayon sa tapat ng isang coffee shop. Nag text sakin si ma'am na patapos na daw yung meeting nya sa isang importanteng investor. It's 2:34 in the afternoon, kaya medyo mainit pa.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili, sana maging maayos ang lahat. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

Boss-Madam Auring

Where are you?

Hindi ako nag reply mula sa kanyang text. Wag kana munang lumabas ma'am konting minuto pa.

Nang makarinig na ako nang ilang katok sa bintana ay mariin akong napa pikit. This is it.

I slowly open the window down at kaagad na sumalubong sakin ang baril na hawak nung lalaki.

" Bumaba ka nang sasakyan " Utos nito sakin habang nakatutok na yung baril nya sa sentido ko. Maingat na akong bumaba sa sasakyan.

Nang makababa ako gusto ko pang matawa nang hindi na nya maabot yung sentido ko kaya sa tagiliran nya nalang itinutok. Pota ang liit nya pala, hindi manlang sya umabot sa balikat ko amp.

Pinalakad nya ako sa kanina pa nakaparadang itim na Van malapit lang din sa coffee shop.

" Pasok " pota kanina pa utos nang utos tong panot na 'to ah.

" Sama nyo ba ako sa outing boss? Pass ako dyan ayokong umitim- "

" Eh butas na tagilira gusto mo? " Sabi ko nga sama ako. Ang init ng bunbunan ni kuya amp. Medyo nasunsob pa ako sa uupuan dahil sa pag tulak nya tss.

Agad akong naalarma nang talian nya ako sa kamay at paa. Kasunod narin nito ay yung piring sa aking mata. My God mama kung may mangyari mang masama sakin paki sama nalang po si Louis sa libingan ko.

Naguusap yung mga tao dito sa loob ng sasakyan nang may naramdaman akong tumakip sa aking bibig at ilong. What the papatayin naba agad- wait bakit parang inaantok ako bigla.

" Sya na ba talaga yung Lia? " Ayun ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan nang kamalayan.

-----

" Mga stupido!! " Dahil sa sigaw na 'yon ay nagising ang diwa ko. Hindi ko pa magawang imulat ang aking mata nang mapag tanto kong naka tali ang aking kamay at paa habang ako ay naka upo.

" Ang sinabi ko look out for her driver hindi ko sinabing yung driver ang kunin nyong mga putangina nyo!! " Lutong non ah, halatang asar na asar sa mga tanga nyang tauhan, well nagmana ata sakanya e tsk.

" Get out of my sight, baka ako mismo ang bumutas ng mga bungo nyo " ohh scary- fvcking hell.

" Wake the fvck up cheap " Ang gago binuhusan lang naman ako nang tubig, ayun basang-basa ang buong pagkatao ko.

" My Lia should be the one to be here and not a cheap like you " bahagya akong natawa na mas lalong nag painis sa expression ng kanyang muka. My Lia? Baliw na nga ata talaga sya tss.

" Walang sayo nget " nget short for panget na katulad nya. Feeling boyfriend ni ma'am e isa lang naman syang baboy na cartoon character.

" What did you say? " Oh tamo bingi pa diba.

" Ang sabi ko ang panget mo- " Damn it! Did he just punch my pretty handsome face?! I can feel blood on my mouth so I spit it. Mabuti nga at hindi sa muka nya e.

" Matapang ka din talaga, what should I do to a cheap driver like you hm? " Magsasalita na sana ako nang suntukin nya ulit ako sa tyan. Fvcking hell baka bumuka yung tahi ko sa tagiliran nyan!

Akmang hahawakan nya sana ako sa panga nang makarinig kami nang parang nag kakagulo sa labas. Sila na ata yun. Ang tagal nila nakarating ah.

" Boss may mga nakapasok, lahat sila armado " Inis na napamura yung panget na George at mukang natatakot? Bakla ata ang gago.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now