Chapter 18 - Way Better

945 62 7
                                    

Bored. Ayan yung nararamdam ko ngayon. Ikaw ba naman nakatungaga lang habang nandito sa office nang malamig na dragon mong boss. Imagine bawal daw akong gumalaw o kahit mag salita, galing diba?

Matapos ang ilang minuto ay bumakas yung pinto at pumasok ang naka poker face na si ma'am. Tapos na siguro sila mag usap nung multo nyang pinsan.

Nag aalangan pa akong mag salita dahil gusto ko lang sana mag paalam kung pwede ba akong umuwi muna para kunin yung cellphone ko.

" Ma'am pwedeng po bang umuwi ako saglit— "

" No you can't, so shut up " putol nya sakin agad habang naka sandal at cross arms. Ayaw man lang ako patapusin mag salita amp.

" Naiwan ko po yung phone ko sa bahay ma'am at may importantante lang po akong kailangan tawagan " si miss Eris, baka kanina pa ako nun kino contact. Nakakahiya dahil nag oo pa naman akong i chat sya or tatawagan ko sya kung makaka punta ako sa kanila.

Mula sa pag titipa sa kanyang laptop ay tumingin ito sa gawi ko.

" Are you gonna call your mom? you can use mine " seryoso ba sya? Pwede nya naman akong payagan nalang tutal wala naman akong ginagawa dito e.

" A-ah hindi po si mama ang tatawagan ko si miss Eris— "

" Oh I forgot, I don't have a load for calls and text " agad na sabi nito. Ano ba talaga? Ampaka gulo nya talaga par.

" And you can't still go home. Just sit there don't talk and don't make any move " anak nang kamote kahit gumalaw bawal ang lakas naman ata nang tama nya?

At dahil ako ang batas ay tumayo ako para pumunta sa CR naiihi na ako e bakit aangal sya—

" Continue walking and you will get a 5.00 grade for this semester " Sino bang nagsabing mag CR? Tinatamad pala ako, ang sarap kasi umupo dito sa may couch e, tama uupo nalang ako dito hanggang mamatay.

Kaya ayun kanina pa ako walang salita at galawan dito sa pwesto ko, and it's already 11am imagine mga 2 hours na ata akong ganito.

" I'm starving " biglang nag salita ni ma'am pero nanatili parin akong walang imik at galaw dito.

" Miss Vazquez!! Are you ignoring me?!! " Hindi ko parin sya kinikibo, masunurin ako par ayun din naman Yung utos nya kanina diba—

" Get out " Doon na ako napatingin sakanya. Ano ba talagang gusto nya sya naman ang mag sabing tumahimik ako at wag gagalaw diba?

Nakita kong galit na galit ang itsura nito. Ganito ba sya kapag nagugutom? Nung nasa mall din kasi kami ay ganitong ganito ang aura nya. Napalunok ako parang anytime ay sasabog na talaga si ma'am wrong move parin pala kahit sinunod ko lang sya?

" Ma'am a-ano— "

" I said get the fvck out! You're being like that 'cause I don't let you go home right? " Nakita kong mabilis nitong paghinga galit na nga talaga sya. Good luck Ejay sana maka labas kapa nang buhay dito.

" H-hindi Naman p-po— "

" GET.OUT don't make me repeat myself. You can go home now and call miss Monterial for the whole day " padabog pa nitong inaayos yung mga gamit nya. Kung uuwi ako ngayon ay walang mag d-drive sakanya kung kakain man sya.

Nang matapos nyang mai salansan yung mga gamit nya ay napatingin ito sakin.

" If I got to go out first, I will lock this damn office and let you stay here forever " dahil sa sinabi nya ay agad na tinungo ko yung pinto para lumabas. Tangina ayong ma lock sa loob non nakaka takot.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now