Chapter 6 - First Day

815 51 3
                                    


Nasaan naba yun si ma'am? ang bilis nya naman ata mag lakad. Dineretso ko nalang ang pinto palabas.

" Kuya nakita nyo po si Ma'am Ives? " Nakita ko kasi yung isang helper ata dito na nag didilig nang halaman grabe alagang alaga nila ang mga iyon, mukang mas healthy pa sakin e.

" Si ma'am Lia ba ineng? " Tumango nalang ako Lia pala talaga ang tawag nila kay ma'am.

" Nandoroon sya sa garahe diretsohin mo lang ito " itinuro nya ang daan sa may gilid ng mansyon. Tinungo ko na yung sinasabi ni kuya pag katapos kong mag pa salamat.

" Eto na siguro yun... saan kaya si ma'am? " Ang dami kasing mga sasakyan. Sana all. Ako kasi ni bike wala e.

" You're always late Miss Vazquez " napaigtad pa ako sa pamilyar na boses mula sa likuran ko.

" A-eh pasensya na ma'am ang bilis mo kasi—este hinanap ko pa po kasi yung papunta dito hehe " tinaasan kasi nya ako agad nang kilay kaya binawi ko.

" Excuses.. whatever let's go " sinundan ko naman agad sya baka kung ano nanaman sabihin tss.

Habang nag lalakad sya ay di sinasadyang pasadahan sya nang magaganda kong mata jk.

Naka suot kasi itong black tube top partnered with skinny jeans and white ankle strap na 2 inches ata. Mas lalo tuloy sya tumangkad pero mas mataas parin ako siguro nang mga 3 inches.

Ang ganda din talaga nang katawan ni ma'am. I mean nakita ko na kasi syang naka formal attire, yung suot nya sa school kahapon and she look highly respected pag naka ganon sya.

" Miss Vazquez!! "

" Ayy! Sexy- " napatakip ako nang bibig dahil sa gulat dun sa pag sigaw ni ma'am at sa sinabi ko. Si ma'am naman trip ata ako nitong gulatin lagi e.

" You're always spacing out! And what are you saying? Are you daydreaming? " lagi ba akong nakatulala? Diko rin alam e basta pag kay ma'am parang ang weird ko.

" S-sorry po ma'am nagulat lang po a-ako " umirap naman sya sakin sabay hagis sa susi nung sasakyan, literal na hagis mga par muntik pa tumama sa muka ko. Sama nang ugali!

" Let's start now, and can you please move faster? My God! You're so slow " matapos nyang sabihin yon ay pabalya syang pumasok sa back seat nang sasakyan nya. Tuturuan nya ako nang nandyan sya sa likod?

Umikot muna ako at pumasok narin sa driver seat. Haist bahala na para matapos na ito at maka uwi na ako.

Nasabi ko na ba kung ano yung magarang kotse ni ma'am? Well isa lang naman itong Black Ferrari GTC4 Grand Lusso. Alam ko diba? Mahilig kasi ako sa mga luxurious cars pero pang laruan lang kaya kong bilhin, Sana nga magkaroon din ako someday.

Pag pasok ko sa loob ay diko maiwasang mamangha. Grabe ang ganda nang interior design napaka elegante.

Mula sa beige leather seats at sa mismong steering wheel and dashboard nito. Talagang mapapa wow ka nalang. Ngayon lang ako naka pasok sa ganito ka garang sasakyan—

" I know it's your first time seeing and driving a luxurious car Ms. Vazquez, but can you stop wondering and let's start? " oo na at first time ko, grabe to si ma'am namamangha lang naman ako e. Napasimangot nalang tuloy ako, ganda nung koste kaso yung may ari ang pangit nang ugali tss.

" I will tell you this now Miss Vazquez, don't you dare crash or even scratch my car. Understood? " Oo na kaya nga tuturuan moko e, tapos nandyan kapa sa likod? Nice!

" Opo Boss-ma'am " diko alam kung anong tono yung pag sabi ko nun, nakakaasar kasi sya. Alam ko namang mahal tong sasakyan nya e, tapos parang gusto nya pang ipamuka na kung mag karoon nang kahit gasgas ito ay hindi ko mababayaran.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now