Chapter 1

255 20 2
                                    

I spent the whole week monitoring and inspecting the fighter jets, especially the one that will be used for the flight demonstration with President Marcos.

Ang daming beses ko nang ginamit ang mga fighter jet pero ngayon pa lamang ako kinabahan. Alam ko, hindi ako kinakabahan para sa sarili ko... kinakabahan ako sa pangulo.

I heard it would be his first time riding in a fighter jet. I want his experience to be memorable and the perfect moment for him.

"Anumang oras ngayon, nandito na ang pangulo. Tiwala ako sa inyo lahat lalo na sa ating mga piloto. Hangad ko na maging matagumpay ang program na ito."

Nagsasalita na ang aming Commanding General.

Pagkatapos, tumuloy lamang kami sa kanya-kanya naming gawain.

"Monzano, you can see the new aircraft." sabi ng aming Kapitan. Tumango lamang ako at lumapit sa pinaka bagong aircraft ng bansa.

The development and progress of Philippine Air Force is truly what we all praying for. Well, thanks for the Marcos administration for continuing the Duterte Legacy.

"Good luck later, Lieutenant."

Napatingin ako sa nagsalita.

Sumaludo ako sa kanya.

"Kinakabahan ka?" It's Lieutenant Colonel Marco Suarez again.

Ngumiti ako ng bahagya. "Hindi na po, Sir." sagot ko.

Mas lumapit naman siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm so proud of you, Florence."

Nakatingin lamang ako sa kamay kong hawak niya.

"Salamat." sabi ko.

"Ehem." Awtomatiko kong naialis ang kamay kong hawak niya.

Mabilis kaming sumaludo sa aming Commanding General.

Nakita ko kung paano siyang ngumisi saaming dalawa ng Lieutenant Colonel.

"Naistorbo ko ba kayo?" nang-aasar na tanong niya saamin.

Mabilis akong sumagot, "Hindi po, Sir."

"Ready ka na ba sa flight demonstration mo?" tanong niya saakin.

Sasagot na sana ako pero nakisawsaw itong si Marco, ang Lieutenant Colonel

"Ready na ready yan, Sir! Walang paglipad na hindi pinaghahandaan ang Lieutenant."

Pilit na lamang akong ngumiti.

"That's good. Well, I know... you're the best when it comes to flying our jets. Last words to you than good luck is... keep the president safe in the demonstration."

Tumango lamang ako at sumaludo. Sumasang-ayon sa mga sinabi niya.

Keeping the president safe is the number one consideration for this demonstration.

"Yes, Sir! Noted." sagot ko pa.

Tumango naman siya at bumaling sa katabi ko. "Nawa'y sagutin ka na ng ating Lieutenant."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kay Marco.

Sagutin ko? Ha? Nanliligaw ba?

"Narinig mo yon? Sabi ng ating Commanding General... sagutin mo na raw ako."

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.

"Nanliligaw ka ba?" sarkastiko kong tanong at naglakad palayo sa kanya.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now