Chapter 5

118 12 0
                                    

Gusto kong paputukan ngayon ang mga taong ito. Gusto ko silang pagbayaran sa mga sinasabi nila sa pangulo at sa ano mang plano nila pero mas mahalaga na mailayo ko muna ang pangulo sa kapahamakan.

They will going to kill him!

I tried to contact my officer but they didn't answer.

Limang minuto na lamang mula ngayon.

Para bang nagising ang diwa ko at walang kahit na ano sa isipan ko ngayon kundi ang kaligtasan ng oangulo.

Hindi ko alam kung gaano ko kabilis na tinatakbo ang gawi nila ngayon.

Hindi naman ako kaagad nakasingit dahil maraming tao.

Nagtaka naman ako sa dalawang lalaki rin na pilit sumisingit sa mga tao.

Hindi kaya... sila ang mga kasama?

Sobra-sobrang takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Wala silang kaalam-alam sa planong ito ng mga taong yon.

Hindi ko naman na nakita pa ang dalawang lalaki kaya wala na akong pakielam sa mga taong nasisiksikan ko makalapit lamang ako sa pangulo pero para bang huminto ang mundo ko nang makita ko ang dalawang lalaki sa hindi kalayuan sa pangulo.

Nang makita kong para bang may huhugutin na sa likuran niya ang isang lalaki, mabilis akong tumakbo sa pangulo nang makita kong sa isang iglap... handa niya nang paputukan ang pangulo.

"Mr. President!" I shouted. Everyone panicked when the man pointed the gun and ready to pull the trigger.

Mabilis kong hinampas ang baril na hawak ng lalaki bago ko siyang sinipa.

Hinatak ko ang pangulo at ilalayo ko na sana siya pero ganoon na lamang kabilis ang nangyari. Ang isang lalaki ay humugot din ng baril at walang ano-anong pinutok ito.

"Mr. President!" I immediately protect him from the bullet.

Kasabay nang pagtama ng bala saaakin na naramdaman ko ay siya ring pagtama ng bala sa ulo ng lalaki dahil pinaputukan ko rin siya.

"Lieutenant..." pagtawag ng pangulo saakin.

Wala na akong maramdaman ngayon kundi ang sakit sa parte ng balikat ko. Hinawakan ko ito. Wala itong tigil sa pagdugo.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ng pangulo at itinulak siya sa mga PSG.

"Keep him safe. Ilayo niyo na!" sigaw ko sa kanila.

Mabilis na kunilos ang mga PSG pero hindi naman gunagalaw ang pangulo. Nakatingin lamang ito saakin.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lahat. Ang pag-aalala, ang takot, at ang luhang namumuo na rito.

"Lieutenant!" pagtawag niya saakin. Tinignan ko lamang siya. "May tama ka. Sumama ka na saakin." aniya.

Umiling naman ako.

Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil dumating na ang grupo ng mga lalaki na mayroong masamang balak.

Naging mainit ang tensyon sa pagitan naming mga sundalo at sa kanila.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now