Chapter 14

112 13 1
                                    

"I'll be in the residence for the whole afternoon. Don't disturb me, okay? I want to take a rest, hindi ako tatanggap ng bisita ngayon." Biglang anunsyo ng pangulo sa kalagitnaan ng pagkain.

We are having lunch here on a wide and green garden of the palace. The president requested a lunch with all the staff of the palace as for PSG Santos.

"Yes, sir. Lieutenant Monzano was now in charge of looking at you on daytime." PSG Santos replied.

Tinignan lamang ako ng pangulo at tumango saakin.

Ilang sandali pa, inanunsyo naman ng pangulo na mauuna na siya sa bahay pangulo kung saan tinignan ako ni PSG Santos.

Huwag niyang sabihin na sumama na ako sa pangulo?

Tinignan ko ang plato ko na punong-puno pa ng pagkain. Hindi pa nga nakakarating sa tiyan ko yung pagkain ko, kailangan ko nang samahan ang pangulo.

"Lieutenant..." pagtawag ni PSG Santos saakin.

Napabuntong-hininga ako.

"It's okay, she can stay here for a while to finish her food." It's the president. Mukhang napansin niya si PSG Santos.

Hindi naman kami umimik. Trabaho muna bago ang sarili. Kaya naman, tumayo ako at lumapit sa pangulo.

"I'm done, sir." sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay at tumingin kay PSG Santos.

"Kukunin ko na ang Lieutenant. Tapos na raw siyang kumain." Tumango na lamang sina PSG Santos.

Naglakad naman na ang pangulo papunta sa sasakyan. Dali-dali ko naman itong binuksan ngunit huminto siya at tumingin saakin.

"Mauna ka nang sumakay." Ha? Hindi naman ako rito sa passenger seat.

"Sa harap po ako, Mr. President." sagot ko.

"No, tabihan mo na ako." aniya at inalis ang kamay ko sa pinto ng sasakyan.

Siya ang humawak at sinenyasan niya pa akong pumasok na.

Minuto lamang bago makarating sa bahay pangulo pero parang isang oras ito para saakin. Nahihiya ako ngayon, sobrang tense ang nararamdaman ko.

Nang makarating na kami, mabilis akong bumaba at pumunta sa kabila kung saan pinagbuksan ko ang pangulo.

Pero, ganoon na lamang ang pagtataka ko nang irapan niya ako. Para saan yon?

Napayuko na lang ako at sinundan siya sa paglalakad papasok.

Naupo sa siya couch sa living room at tinapuan ako ng madilim na pagtitig.

"Sir, sa labas lang po ako... one call away." sabi ko at akmang maglalakad na palabas pero nagsalita siya.

"Sa susunod, huwag na huwag mo na akong pagbubuksan ng pinto ng sasakyan. Hindi mo gawain pa yon tsaka masyadong nakakalalaki. Ako dapat eh, tanging trabaho mo lang ay ang samahan at sundan ako... magpalipad ng aircraft sa tuwing may lakad." paalala niya saakin.

Yun lang pala? Kaya ba inirapan at parang nawala siya sa mood? PSG niya ako eh, trabaho ko yon.

"Sir, it's part of my job." I replied to him.


He stood up and went closer to me.

"It's not, Florencia." pagdidiin niya.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now