Chapter 10

85 13 0
                                    

FLORENCE

"Good morning, Manong!" masayang bati ko sa guard dito sa condo.

Papunta na ako sa base. Work is life!

Sumaludo naman sya saakin.

"Ma'am, ganda mo palagi ah! Parang hindi ka naaarawan sa base." tumatawang sabi niya.

Natawa naman ako at kumindat sa kanya.

"I know, maganda talaga ako! Naku, gusto mo lang ng pang meryenda eh kaya binobola mo ako." biro ko sa kanya.

Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kanya.

"Salamat sa serbisyo, Manong!"

Ilang sandali pa, papasok naman na ako sa base.

"Good morning, Lieutenant." bati saakin ni Marco. Mukhang kadarating niya lang din.

Nagkasabay pa tuloy kaming mag-log ngayon.

"Good morning, sir." bati ko rin sa kanya.

Well, everything is okay now. I felt the formality again.

Didiretso na sana ako sa building namin nang makita namin si General na naglakakad patungo rito.

Hinintay na lang namin siya ni Marco at sumaludo sa kanya nang huminto sa harap namin.

"Good mormimg, sir!" sabay naming bati ni Marco.

"I came here this early for you, Lieutenant." Napakunot naman ako ng kilay sa sinabi ni General.

What is he talking about? Pumasok siya ng maaga for me?

"May I ask why po?"

Tumawa naman siya ng bahagya. "Pack your things and leave now."

I froze when he said that. I am so shocked.

"General..." pagtawag ni Marco sa kanya.

Hindi siya pinansin ni General.

"You hear me, Monzano. Ayusin mo na yung mga ganit mo." seryoso siya.

Napalunok naman ako at huminga ng malalim.

"S-Sir, what's the problem? May nagawa po ba akong mali? Tell me, sir... hindi ko po kasi alam." Punong-puno ng frustration ang boses ko.

It feels like I want to cry.

"Monzano..."

"General, we can talk about this in the office not here." si Marco.

Nagbaba na lamang ako ng tingin. Nalilito sa mga nangyayari at hindi ako makapaniwala pa.

"Ano bang sinasabi niyo?" Mukhang nalilito rin si General.

Tumingin ako sa kanya. "Sir, inaalis niyo na po ba ako sa department o inaalis niyo na po ako bilang Air Forcr? May nagawa po ba akong mali? Pag-usapan naman po muna natin."

Sky of LoveWhere stories live. Discover now