Chapter 8

77 10 0
                                    

Naupo lamang ako at binuksan ang phone ko. Nag-scroll lamang ako sa IG feed. Natagpuan ko naman ang bagong posts ng pangulo.

Work mode siya ah. Well, good for him. Sana man lang safe siya.

I just stalked his account. I smiled when his recent post is the flight demonstration. I immediately look to those photos but, where's our pictures?

Akala ko kumukuha ng litrato ang photographer niya nung nakasakay kami sa fighter jet at sa pagkakatanda ko, meron din kaming picture na kaming dalawa lang talaga which is yung pagkababa namin ng jet.

"They didn't post those photos." I whispered.

Sayang naman... gusto ko pa naman ng copy, save ko sana sa phone ko kasi achievement yon eh.

Tht first president that I drove with. The first president that I have been with in the fighter jet.

"Damn, he occupied my mind. Iniligtas ko na nga siya... halos pagbuwisan ko na ng buhay ko tapos siya pa nasa isip ko?"



***


Today is a free day for me. I don't know but a day without seeing or driving an aircraft is like a day that's very meaningless.

Kaya naman, napagdesisyon ko na pumunta sa isang Aviation. Magpapalipad na lang ako ng cessna kaysa humilata lang maghapon sa condo.

"Lieutenant! Long time no see!" salubong saakin ni Crystal, ang isa sa mga flight instructor dito. They're all my friends here since I was always here when free time and when I am bored at home.

"Medyo na busy eh. Musta ang mga estudyante mo?" Habang nagkukwentuhan, naglalakad kami patungo sa mga aircriaft dito sa Aviation.

"Headline ka sa balita noong nakaraan ah. Ginawa ba namang bullet proof ang sarili para sa pangulo." Natatawang sabi ni Crystal saakin.

Natawa naman ako. "That's my job." sagot ko.

"Lilipad ka ba ngayon?" tanong niya. Tumango lamang ako at nagsimula nang tignan ang mga craft nila.

"Itong tutubi na to yung gagamitin ko." Turo ko sa isang Cessna Plane na may kulay pula.

"Tutubi talaga? Sabagay, ano ba naman ang mga to sa mga ginagamit mo sa Air Force." tumatawang sambit niya.

Yung mga Cessna Plane na to, tutubi lang para saakin. Hindi naman kasi mahirap magpalipad ng mga to. Mas mahirap pa nga ang mabisikleta kaysa rito.

Hinanda naman na nila sa field ang Cessna.

"Saan destinasyon mo? Sa balwarte niyo?" tanong niya saakin. Sa tuwing magpapalipad kasi ako rito sa kanila, automatic na magpapalipad ako malapit sa probinsya namin. Wala lang, dadaanan ko sa himpapawid yung bahay namin.

"Lipad na ako." paalam ko sa kanya. Sumakay na ako sa Cessna at kumaway lang bago tuluyang lumipad.

Hindi ko naman na alam kung saan talaga ako pupunta. Maiba naman ako ngayon ng destinasyon.

"Ilapag ko kaya itong Cessna sa field sa palasyo?" naisip ko.

Binagalan ko naman ang paglipad nang nasa mismong himpapawid na ako kung saan matatanaw sa ibaba ang Malacañang.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now