Chapter 15

114 11 2
                                    

Naging tahimik lamang ang biyahe with matching Beatles songs played. Napapangiti na nga kang ako sa tuwing sumasabay pa ang pangulo sa kanta, kunwari hindi ko pinapansin pero sa loob-looban ko... napapa ngiti ako dahil parang wala siyang kasama sa sasakyan.

Ilang sandali pa, nahinto naman na kami. Tinignan ko naman ang buong paligid.

Really? Here? Why here?

Nang magpark na siya, mabilis akong bumaba at tinignan ng maigi ang buong paligid.

Nasa labas pa lamang kami pero kailangan ko nang tignan kung ligtas ba rito ang pangulo.

"Masaya rito, Lieutenant!" excited na sabi ng pangulo bago lumapit saakin. Nakasuot siya ng cap at shade ngayon.

Hindi ko naman namalayan na napatitig ako sa kanya at tanging pagtawag niya lamang ang nagpabalik saakin sa normal.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako at nagkibit balikat.

"Stay there, Mr. President. I will just examine this place to make sure you're really safe here."

"No, okay na... safe naman ako. Kasama kita eh." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Anong akala niya saakin? Imortal ako? Superhero?

Nagulat naman ako nang bigla niyang ipasuot saakin ang isang cap.

"Sir?" Tumawa siya at inayos niya pa ang cap nang ipasuot niya ito sa ulo ko.

"Bagay talaga sayo yung mga gamit ko." masayang sambit niya.

Sa kanya rin itong cap?

Napailing-iling na lamang ako at pumasok na kami sa loob.

As usual, people are busy enjoying themselves especially those kids. Yes, kids! Nasa amusement park ba naman kami.

I looked at the president but I gasped when he held my hand.

"Nood tayong cine." aniya at mabilis na pumunta sa may cinema. Hanep, yung amusement park may cine.

May isang tao naman na lumapit saamin at kinausap ang pangulo. Mukhang magkakilala sila.

Hindi na pumila pa ang pangulo sa napaka habang pila rito sa cinema at tuloy tuloy lamang kaming naglakad papasok habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

Madilim sa loob kaya naman todo ang pag-alalay ko sa pangulo dahil baka matalisod o kung mapano siya lalo na't hawak niya ang kamay ko at para bang wala siyang balak na bitawan ito sa sobrang higpit.

Nahinto kami sa pinaka likod na bahagi ng cinema at binigyan lamang kami ng pagkain tulad ng popcorn at drinks ng lalaking kilala ng pangulo.

"Who's him, sir?" tanong ko. Para naman alam ko, baka mamaya threat pala ito.

"He's a friend of mine." sagot niya.

Tumango na kamang ako at patuloy ko pa rin na tinitignan ang paligid. Okay nang sigurado kaysa may mangyaring masama.

Nagsimula naman na ang movie. Tutok na tutok lamang ang pangulo sa panonood habang ako palinga-linga kahit madilim.

"Better to watch than to observe the surrounding. Enjoy the movie, Florencia." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.

Hindi ko masyadong tanaw yung mukha niya dahil madilim pero alam at ramdam kong nakatitig siya.

"I'm just making sure that you're safe, Mr. President." sagot ko sa kanya.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now