Chapter 18

112 15 5
                                    

"Ano ka ba? Nandito ka lang pala. Tapos na si Mr. President... kanina ka pa hinahanap." nagmamadi ang isang PSG.

Nagpapanic naman akong bumaling kay Manong at nagbayad.

"Tara n —" Naputol ang pag-aya ko sa PSG nang tumambad sa harapan ko ang pangulo na salubong ang kilay.

Patay!

Nahihiya akong ngumiti ng bahagya. Napakamot ako ng ulo.

"A-Ah... sir, fishball po muna kayo." Sa sobrang kaba ko, hindi ko na alam kung anong lumabas sa bibig ko.

Talaga ba, Florence? Inaya ba naman mag fishball ang pangulo. Mukhang wala na siya sa mood eh!

Inirapan niya ako at tinignan niya ang nasa likod ko. Kaagad naman na bumati si Manong sa pangulo.

"Kanina pa kita hinahanap. Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang aalis sa tabi k—" Naputol ang sinasabi ng pangulo nang hatakin ko siya sa cart ni Manong.

"Lieutenant..." Pagpigil pa ng mga kasamahan ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko talaga.

"Naku, Mr. President! Mag fishball po muna kayo... try niyo po yan, sobrang sarap!" masayang sabi ko pa.

Walang reaksyon ang pangulo at nakatingin lamang saakin.

Wrong move yata ako!

"Tikman niyo po, Mr. President." Si Manong na ang nag-aya. Buti naman Manong knows the assignment.

"Sir?" tawag ko sa kanya.

Tinignan niya naman ang mga tusok-tusok. "I don't eat street foods, Lieutenant." mahinang sambit niya saakin.

Oh? Hindi siya kumakain? Kung hindi siya kumakain, hindi pa siya nakakakain kahit isang beses?

"You should try it now, sir." sagot ko. Napansin ko naman na napapakamot na lamang ng ulo ang mga kasamahan ko. Gusto na nila akong pigilan sa pag-aya ko sa pangulo pero ayaw nilang mangielam.

Binigyan ako ng pangulo ng tingin na nagsasabing hindi at ayaw niya.

"Please, Mr. President? Try it now. Isang kagat lang po. Tikman niyo lang. Promise, hindi kayo magsisisi." pamimilit ko habang nakangiti.

Napabuntong-hininga ang pangulo at tumalikod na.

Okay, ayaw niya nga....

Maglalakad na rin sana ako pero nahinto ako nang humarap ulit ito.

Pinanood ko lamang ang pangulo na maglakad pabalik at dumiretso na kumuha ng baso sabay tusok sa mga bagong luto na fishball.

Nakangiti akong bumalik kay Manong. Masaya kong pinanood ang pangulo na tikman ang isang pirasong fishball. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya.

Habang ngumunguya siya, hindi ko maiwasan na titigan siya. Mukhang inoobserba at nilalasahan niya talaga ito.

Tumingin siya saakin at ganoon na lamang ang naramdaman kong saya nang ngumit siya at para bang mayroong liwanag sa nga maya niya na nagpapakita ng kasiyahan.

"This is perfectly delicious! Ang sarap!" aniya at tumusok pa.

Tinignan ko naman si Manong at masayang-masaya na pinapanood din ang pangulo.

"Sabi ko naman sayo eh, sir!" baling ko sa pangulo. Sinenyasan naman ng pangulo ang ibang PSG na kumain din.

"Salamat po, Mr. President! Salamat po talaga at nagustuhan niyo ang aking mga paninda." Ramdam ko ang kasiyahan kay Manong.

Sky of LoveWhere stories live. Discover now