Chapter 27: The Basketball Court

5.2K 203 85
                                    

"Louise sandali!" pero tuluy-tuloy na akong bumaba sa kotse at di na nag-abalang sagutin si Kurt. Tinakbo ko na rin hanggang sa may entrance ng gym. I have no time to rant anyway. Agad naman akong nakapasok sa loob pero medyo nahirapan akong umakyat sa may bleachers sa sobrang dami ng tao sa paligid. It's been twenty-five minutes past the scheduled start of the game. And as I've thought, the first quarter is over already.


The Navigators vs. The Rangers. It's the battle between two exclusive big universities in the city kaya marami ang mga taong dumating. Buti na lang at madaling makita ang mga kaibigan ko kaya di ako masyadong nahirapan.


"Louise anong nangyari sa'yo?" parang gusto nila akong sugurin sa mga titig nila. "Di mo na naabutan yung First Quarter!" kakasimula na rin ng second quarter. "Kanina ka pa hinahanap ni Harold!"


"Sorry..." I said as I sat beside them. "Marami na ba akong na-miss?" tanong ko sabay tuon ang attention sa court para hanapin siya. And of course, their uniform, white with maroon and black linings, drove me in. They really look cool with them on.


And there he was, cool as he could ever be, dribbling the ball towards their opponent's court. Ang pinagkaiba lang, seryoso ang mukha niya ngayon na parang bad trip na ewan. Could this be my doing? Agad ding nalipat ang mga mata ko sa scoreboard, at mas lalo pa akong nakonsensya. The score was 33 vs 21, them scoring the latter.


Muli akong napatingin sa kanya, mabilis ang kanyang mga galaw with the rest of the players alongside with him. Agad siyang binantayan ng dalawa pang players ng kalaban nang tuluyan na siyang makalapit sa court ng mga ito. Indeed their opponents' defense is strong. He couldn't find any opening to shoot the ball and at the same time nahirapan din siyang magpasa sa mga kasama niya. Sobrang gwardiyado rin kasi ang mga ito. He's running out time.


And then just seconds later, even I didn't quite capture what happened next.

Then there was this long whistle signalling a foul with a subsequent mentioning of "No. 11, Cortez! Offensive foul!" Sumunod naman ang malakas na ungol ng mga audience.


Nasiko niya daw ang kalaban, they mentioned. Did he? Maybe not intentionally. He was always this clean player as I remember. Medyo iritado ang mukha niya sa pagkakataong yun at mukhang di siya agree sa desisyong yun ng referee pero  di na niya ito kinontra.


"Harold! Harold! Harold!" napabaling ang tingin ko sa nasa itaas na bahagi ng bleachers. A group of ladies are shouting their hearts out cheering for him with their colorful banners around them.


"Wow ha!" my friend Kris commented. "Taob tayo nito ah," dugtong niya sabay tila nahiyang itaas ang ginawa nilang cartolina with Harold's and his team's name on it, 'The Navs'.


Muli naman akong napatingin sa court. I can feel the atmosphere changing. Mukhang medyo seryosong labanan talaga ang nagaganap. Masinsinang titigan ang pinagpapalitan ng mga players sa court. Mayamaya pa'y muling nag-anounce ng substitution.


Siya ang lumabas at kapalit ang isa pa niyang ka-team.

Nakatitig naman ako sa kanya habang papalapit na siya sa may bench nila. I was desperately wishing he'll look up and see me. Pero mukhang wala yata siyang balak tumingin. Maybe he doesn't want to look up because he's afraid he might just get disappointed kasi baka wala pa rin ako. Just thinking. Gosh what is wrong with me, ganito ba talaga 'to? Ang umibig? Shaks, ang corny ko na talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now