Chapter 14: That moment to dare! ^__^

19K 280 45
                                    

“Yuck!” kunwari lang akong napaismid, umaasang makalusot pa ako. Pero ngumisi lang siya saka nagkibit-balikat.

“Talaga lang ah,” sabay kindat pa sa akin saka niya hinawakan ang laylayan ng jersey niya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko when I got what he’s trying to do. He’s attempting to undress in front of me I think. “Then prepare to be amazed my lady!” sabay unti-unti niyang tinataas ang damit niya.

“Hoy buwakaw, don’t you dare!” mabigat na banta ko sabay takip sa mga mata ko. “Pauuwiin kita, I swear!” Gosh, I’m pretty sure my face is red again right now. Hindi ko kasi siya maatim na makitang nakahubad na naman eh. Well, I already know that he’s hot, but I don’t need him to show me again kasi nakakapanghina talaga ng tuhod.

Natatawa tuloy siyang lumapit sa akin. “Ang cute mo talaga!” tuwang-tuwa pang sabi niya saka niya  basta na lang tinakpan ang mukha ko gamit ang towel niya. At nagitla na naman ako and then I realized, did he just cover my face with his used towel? Dali-dali ko tuloy tinanggal sa ulo ko.

“Ang bastos mo talaga!” sabay tapon pabalik sa kanya sa tuwalya niya. “Ang baho kaya,” pinandilatan ko pa siya. Though honestly, mabango naman talaga.

“Hindi kaya,” mabilis namang sagot niya sabay amoy din sa binato ko. “Mabango naman ah,” at akmang lalapit pa ulit siya para i-correct ako.

“Dogyot nito! Maligo ka na nga at mauuna na akong kakain,” sabay talikod at pupunta na sana ako sa may kusina pero agad niyang nahagip ang kaliwang siko ko.

“Sabay na tayong kumain, hintayin mo akong maligo,” at parang batang pigil pa niya sa akin.

“Ayoko nga,” at dumiretso pa rin ako sa kusina.

“Eh di sasabay ako kahit di pa ako nakakaligo,” at bigla naman na siyang sumulpot sa likuran ko at nauna na pa siyang umupo.

“Ang kulit nito, sige na nga! Hihintayin na po kita!” and I just gave up. Makulit siya eh, pero ang totoo, he’s so cute. Ahihi, mapilit siya pero ang cute lang. Pero bigla ko din kasing naalala na he doesn’t like eating alone. Hindi ko alam pero matagal ko ng napapansin yun sa kanya noon pa, ayaw na ayaw niya talagang kumakain mag-isa.

“Yeah! Thanks ‘nay” he smirked when he passed by me at wala na namang pasabi nilagay niya basta sa balikat ko ang towel niya. “Take your time,” and I think I got what he mean again. Take my time na singhot-singhutin ang tuwalya niya?

“Hoy ang kapal mo!” at ibabato ko na sana uli sa kanya kaso tumakbo na siya paakyat sa guest room. Naiwan tuloy akong natutulala na naman habang tinitigan lang ang towel na nasa kamay ko..

Then again, why the hell am I letting him do this to me, or rather in the exact words, why am I enjoying this? Tsk, aren’t I just making a fool out of myself here? Kainis, paulit-ulit ko na lang ‘tong tinatanong sa sarili ko pero bakit desperada pa rin naman ako for a different answer? Damn it!

I sighed at pagkatapos ay itatabi ko na sana ulit ang tuwalya niya when something in it caught my attention. May familiar na burda sa hawak ko.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now