Chapter 10: Weak lang kasi ako eh...

20.3K 273 21
                                    

Can I be part of your life again? ulit ng utak ko kasabay ng mapaklang ngiti sa mga labi ko. Bakit kelan ka pa ba hindi naging parte ng buhay ko? If only I could ask him that, if only I have the confidence to do so.

At dahil nga sadyang mahina ako, pasimple ko na lang na kinurot yung tiyan niya.

“Asa ka!” pang-asar na lang na sagot ko saka ko siya mahinang tinulak.

“Louise please…” pero hindi niya ako binitawan at sa halip hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. “I really want you back…”

 

I really want you back…  

The fudge! My heart thumped like crazy. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hearing him say those words weakened my knees kaya napapikit na lang ako at napakapit na rin sa kanya. God knows how much I’ve missed him and how bad I want him back too… 

Pero kelangan ko na ba siyang bigyan ng sagot ngayon? Should I say ‘yes’ na? Pero bakit parang di pabor ang puso ko? Natatakot ba ako? Putakte lang, hindi ko alam. Hindi ko ata kasi alam kung kakayanin ko bang ibalik sa dati ang lahat. O kaya naman baka… baka dahil natatakot lang ako na pag sinabi kong ‘oo’ at naging bestfriends ulit kami eh baka mas lumayo yung posibilidad na… na gustuhin niya ako nang mas higit pa sa isang kaibigan. Putik, the latter seems to make more sense. I’m definitely screwed!

“Harold!” pero natinag kami pareho nang bigla na lang kaming may narinig na boses mula sa labas. “Harold anak, are you in there?” ang mama niya! Nanlaki tuloy ang mga mata ko and then I realized that I’ve been tightly holding onto him as well kaya naman malakas ko siya biglang tinulak palayo sa akin.

Halatang nagulat din siya pero wala din lang naman siyang nagawa. “Ahmmm,” he cleared his throat saka para pang nahihiyang umiwas na lang siya ng tingin.

“Harold!” tawag ulit ng mama niya, this time nasa may tapat na ng pinto ng tree house.

“Oh shit!” at biglang napatingin ang kasama ko sa table kung saan nakapatong ang mga pinamili naming drinks at saglit lang eh minadali niyang  hinakot ang mga yun at mabilis na tinago sa maliit na cabinet sa tabi saka nagmadaling tumungo sa pinto. Mukha yatang ayaw niyang makita siya ng mama niyang umiinom. “Hi mom!”

Nagulat ang mama niya sa biglaan niyang pagbukas ng pinto. “Anak naman, I’ve been calling you kanina pa---!” but she suddenly stopped when she saw me inside.

“Ha-hi tita!” bigla akong kinabahan at nahiya lalo na nang biglang nag-iba ang reaction niya. She looked confused habang palipat-lipat sa aming dalawa ni Harold ang tingin niya na parang may naiisip siyang iba. “No tita! It’s not what you think,” nanlaki ang mga mata ko kasabay nang mabilisan kong sagot. Oh my gosh, oo nga naman, the two of us here kinda look as if we’re up to something still inappropriate.

Bigla naman ngumiti si tita Alex na para bang she’s expecting me to react that way. “I know,” she said but her eyes say otherwise. “So what are you kids up to then?”  may ngiti pa rin sa mga labi niya na napalinga-linga sa paligid, I think she has an idea why we’re here.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now