Chapter 11: Coincidence?

20.4K 254 17
                                    

“Uy, nakatulala ka na naman,” siko sa akin ni Tiff, katropa ko. “You seemed so down, broken hearted?” tanong pa niya.

“Di ah!” mabilis namang sagot ko at agad nag-iwas ng tingin. Broken hearted? Tsk, ako? Pero teka lang, bakit parang oo?

Ganito kasi yun eh, kagabi kasi, after sending him that text with that freakin’ ‘dear’ on its end, I immediately turned off my phone. Why? Dahil nasio-sionga ako sa kaba sa kung ano mang posibleng ire-reply niya dun. Ewan ko ba, nagiging paranoid ako, nag-aalala at natatakot madisappoint. Yun bang naloloka ako sa kaiisip na paano kung idededma lang pala niya yung text ko o kaya nama’y paano kung di niya pala yun ma-a-appreciate? Pero at the same time, di ko rin mapigilang umasa na sana natuwa siya sa tinext kong yun. Kaya tuloy ayun, pinili ko na lang na matulog nang may suspense sa kung ano mang reply niya na mababasa ko kinabukasan.

 Tapos kaninang umaga paggising ko, I anxiously opened my phone.   At sa bawat pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa mga messages na sabayang dumarating, bumibilis ang kabog ng puso ko. Magkahalo atang excitement at tension ang nararamdaman ko. Nga lang, pagbukas ko sa may messages ko, sobrang disappointment ang biglang sumalakay sa akin. Bad trip lang, nangyari nga yung kinakatakot ko. Sa lahat kasi ng mga text na dumating, ni isa walang galing sa kanya. Sadyang shit lang, shit lang talaga, yung feeling na umasa ka sa wala? At ang nakakafrustrate pa,  di ko mapigilang malungkot at magsisi kung bakit pa kasi ako nagtext ng ganun.

Pero ang mas nakakairita pa, bakit unconsciously ipinagtatanggol siya ng utak ko? Yung tipong may nafo-formulate akong excuse kung bakit di siya nakareply. Na baka nawalan siya ng load o kaya’y nagloko ang network kaya di dumating yung text niya o kaya nama’y nagmalfunction lang ang phone ko nang pinatay ko at di nareceive yung text niya. Nakakatimang lang talaga!

“O ayan, kita mo na?” untag pa ulit sa akin ni Tiff. “Sino ba kasi yan ha? Si Jeric?” pangungulit pa niya. Naalala niyo pa si Jeric, yung masugid kong manliligaw na ilang beses ko nang nabasted pero still holding on pa rin? Siya ang tinutukoy niya. “Pero imposible, kilala kita, walang ganyang effect sa’yo si Jeric eh,” at sagot din lang niya sa sariling tanong tapos mayamaya pa’y tinitigan niya ako na ina-analyze ang reaction ko.

“Wala nga, na-i-stress lang ako sionga,” pa-iwas ko pang dagdag. “Asan na ba kasi yung dalawa, tagal naman nila,” tukoy ko kila Kris at Estrella para lang maiba ang usapan, katropa din namin.

Sunday nga pala kasi ngayon and supposedly magca-carnival kami ng mga college friends ko kaso nagkasakit yung nag-aya, si Tin, kaya eto change of plan, mall na lang. Dito kami ngayon sa Mcdo sa mall, nag-co-coke float at nakiki-wifi habang hinihintay ang dalawa pa naming kasama.

“Alam mo naman yung mga yun, maliliit ang hakbang kaya natatagalang makarating,” ngiting-ngiting sagot ulit sa akin ni Tiff. Maliliit kasi sila Kris at Estrella kaya madalas silang tuksuin sa grupo.

“Sama talaga nito,” nakangiti rin namang komento ko habang pinapapak yung ice cream sa ibabaw ng float ko.

“Nga pala Louise, sama ka sa amin sa sabado, nood tayo ng basketball game sa gym. Darating yung crush namin nila Tin!” at biglang naging patili ang boses ng kasama ko. “Grabe, I’m so excited!”

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now