Chapter 1: Darned!

130K 920 127
                                    

This is dedicated to all those who have read THE BASKETBALL JERK [One Shot].

A/N: This is the long story version of TBJ One shot po. The concept is the same as with that of its one shot po pero mas elaborated. Parehas pa rin ang mga characters and some plots kaya huwag po kayong magtataka kung bakit parang may mga nauulit na mga scenes paminsan-minsan.This version includes previous events na nangyari po prior to that of what happened dun sa one shot, yung nasa one shot mismo, and of course kung ano rin ang nangyari after nung end sa one shot.

Maraming salamat at sana magustuhan ninyo. ^___^

=========================================================

‘Zzzzzzzzzz.Zzzzzzzzzzz.Zzzzzzzzzz.’

Nakapikit kong kinapa-kapa sa katabing cabinet ng bed ang cellphone ko. Kainis, panira ng tulog kung sino man ang tumatawag na to. I pressed the accept button. “Hello?” mababa at antok na antok pa rin ang boses ko.

 

“Nanay!” Oh crap! Ba’t niya ako tinatawagan sa ganitong oras? It’s 2 AM for Pete’s sake!

 

“Harold what the hell?!” naiinis akong napaupo na lang saka kinusut-kusot ang mga mata ko. Then I noticed na hindi pa rin pala tumitigil ang ulan tapos mahangin pa sa labas, may bagyo ata kasi.

 

“Pakibuksan naman yang bintana mo,” kinabahan ako bigla. Is he out there?

 

“Huwag mong sabihing nasa labas ka na naman?!” naiirita kong komento. Sapilitan pa akong tumayo at lumapit sa may bintana ng kwarto ko. Sumilip ako sa labas at nandoon nga siya, at grabe para siyang sisiw na basang-basa. Napilitan tuloy akong buksan ang bintana. “Anong ginagawa mo diyan?”

Binaba niya ang cellphone niya at ngiting-ngiti pa siyang kumaway sa akin. “Hi ‘nay!” at may gana pa rin talaga siyang tawagin akong nanay ha.

 

“Hi buwakaw! Good night!” sabay sara ulit ng bintana. I bet he needs some favor again that’s why he’s here. Malas na lang niya ngayon dahil wala ako sa mood na tulungan siya.

Zzzzzzz.Zzzzzzz.Zzzzzzz.

 

“Louise naman!” malakas ang boses niya pagkasagot ko sa tawag niya.

 

“Ano ba kasing problema mo ha? Gabing-gabi na kaya kung di mo alam!” natahimik siya saglit.

 

“Louise, I need a place to sleep…” halatang nagmamakaawa ang boses niya. Tsk, eto na naman siya. Ginagawa niya ako laging back up plan, pambihira!

 

“Eh di umuwi ka sa inyo, ang lapit-lapit kaya ng bahay niyo!” masungit ko pang sagot. Ewan ko ba kasi sa lalaking ‘to, magkapitbahay lang kaya kami at nagtataka ako kung bakit sa tuwing ginagabi siya eh mas trip niyang dumiretso dito sa bahay.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now