Chapter 20: It stings!

15.5K 252 24
                                    

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at di makapaniwalang nakatitig sa kanya. Dinig na dinig ko na rin ang abnormal na pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung para na akong tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Grabe, smack lang yun pero sobra akong naapektuhan. His kiss seemed to have paralyzed my entire body.

 “L-Louise…” Harold stammered. Halatang gulat na gulat din siya sa sarili niya kasi bigla siyang nataranta and then suddenly he couldn’t even look at me in the eye.

And that’s when finally nahipan na ang utak ko at dali-dali na lang akong napatayo. Pero parang mas lumalala pa ang pagkakataranta ko kasi bigla akong naguluhan kung saan na ako tutungo ngayon. I tried stepping forward and yet my other foot seems to be holding me back. Gosh, what is wrong with me?!

“L-louise, a-ahm. I’m sorry…” and when I heard those words, bigla na rin namang napagtanto ng mga paa ko kung saan ako didiretso kaya naman mabilis ko siyang tinalikuran at patakbong umakyat papunta sa room ko.

I breathed deeply pagkapasok ko sa kwarto at agad na napasandal sa pinto. I'm just so freakin’ nervous. Feeling ko ang init-init ng mukha ko na di ko maintindihan. And what’s even bothering me more is that my heart is still beating so fast, yung tipong ayaw patahan talaga. There’s no way this is happening! He must have kissed me accidentally. Baka dahil lang ang ingay-ingay ko kanina kaya niya ako hinalikan. Siguro ganun nga yun, I tried convincing myself.

Pero mayamaya pa’y parang may sariling utak ang kamay ko dahil di ko naman na namalayang napahawak na ako sa mga labi kong hinalikan niya. Putik lang talaga, hindi ko malaman kung ano ba dapat ang susunod kong gagawin. Ang daming conclusions ang na-fo-formulate ng utak ko kung bakit nya ginawa yun pero at the same time mas kinakabahan pa ako sa pinag-iisip ko.

But what is even weirder is that my mind remembers how everything happened. How his lips suddenly landed on mine, how he drew away his shocked face, and especially how that kiss affected me. Sadya pa kasing ni-re-replay ng utak ko ang pagkasunud-sunod ng mga nangyari. And gosh, I can’t still help myself but blush and freak out.

And then suddenly, I heard footsteps nearing my door. Mas nadoble pa tuloy ang kabang kanina pang lumalamon sa akin. Tapos maya-maya pa’y narinig ko na siyang kumatok.

“Louise, can we talk please…” mahina ang boses niya pero sapat na para marinig ko. Pero ewan ko kung tama ba ako, I can’t sense the confidence that he usually has. This time, he sounded like he’s awkwardly nervous.

Pero di ako sumagot. Well honestly, hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. All I can think of right now is the fact that he kissed me, on my lips this time particularly. And a big part of my mind right now is on riot as to hell WHY? Why would he kiss me? Dahil nga ba sa naiingayan siya sa akin? Pero bakit ganun, parang ayaw tanggapin yun ng utak ko?

The Basketball Jerk [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon