Chapter 13: The TV episode!

19.3K 268 26
                                    

 A/N: Just to clear po some confusion and questions: This is the long story version of TBJ One shot po. The concept is the same as with that of its one shot po pero mas elaborated. Parehas pa rin ang mga characters and some plots kaya huwag po kayong magtataka kung bakit parang may mga nauulit na mga scenes paminsan-minsan.This version includes previous events na nangyari po prior to that of what happened dun sa one shot, yung nasa one shot mismo, and of course kung ano rin ang nangyari after nung end sa one shot.

Thank you! ^___^

=========================================================

“Louise!” napabangon ako nang biglang nagbukas ang pintuan ng room ko. “Anak, meron na yung inaabangan mong replay ng game 4 ng Heat,” yung nanay ko lang pala. Akala ko na kung nangahas pang mang-tresspass na naman ang bwisit na buwakaw yun.

“Thanks ma, sunod po ako,” sabi kong tuluyan nang bumaba sa kama. Replay pala kasi ngayon ng game 4 ng Heat at Spurs na hindi ko napanood last Friday. Wala kasi akong TV dito sa room ko eh, sabi kasi ni papa kahit sa sala na lang yung TV para pang-bonding din kung sabay-sabay kaming manood. And I just hope na di din maisipan  ng gagong yun na bumaba at makinood, I’m still pissed at him.

Hindi lang yata pala inis ang nararamdaman ko hanggang ngayon eh, mas galit pa yata ako. Tama ba kasing takutin niya ako nang ganun? That was far from a funny prank! If only he knew how scared I was. Argggh, I really don’t want to think about it anymore. I’m afraid I’ll keep remembering that terrible feeling. But there’s another thing that’s bothering me this time, I’m freakin’ nervous of what he might be thinking about why the hell I cried. The  efffff! Ba’t ba kasi di ko napigilan sarili ko kanina?! Malamang alam na niyang I still care so much for him, yung tipong iiyakan ko pa talaga kung may nangyaring masama sa kanya. Eisshh!

Pabagsak akong umupo sa sofa pagkababa ko saka tumutok na agad sa TV. Oh I’m so not in the mood tuloy. Nakakainis, di naman na kasi mapanatag ang loob ko.

“Hey!” nagulantang ako nang biglang may lumabas galing kusina. Siya! Tae lang!

Pero sa halip na batiin din siya eh kunwari di ko na lang siya napansin at basta binalik na lang sa TV ang atensyon ko.

Pero parang wala lang yun sa kanya and without consideration at all, bigla na lang siyang umupo sa tabi ko. “Galit ka pa rin?” sabay dikit pa sa akin. Gosh, he’s really annoying this time. “Uy, magsalita ka naman oh…” at tila di pa siya nakuntento at siniko ako.

But still I just kept my mouth shut and acted as if he doesn’t exist. Natahimik na din tuloy siya pero after a while din lang eh he moved further away from me. Di ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya. Naging tahimik siya at seryoso na ang mukha niyang nakatitig na lang din sa TV. Parang ako pa tuloy ang nakonsensya.

“If it makes you any better, I was really hurting Louise…” mahinang bigkas niya na nagpatigil sa pag-iisip ko. Muli tuloy akong napabaling sa kanya and then he was right there, staring back at me with his eyes filled with anguish that I didn’t expect. “Pero huwag kang mag-alala, I can still manage,” may pilit siyang ngiti.

At hindi ko na naman tuloy maipaliwanag pero bigla na lang akong sinalakay ng takot at pag-alala. What does he mean by that? Is he sick for real? Napabilis tuloy ang pintig ng puso ko sa kaba.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now