Chapter 19: Heat vs. Spurs

16.3K 290 52
                                    

The week is almost over and yet my heart hasn’t fully recovered. Ewan ko ba pero sadyang di ko mapigilan ang sarili kong isipin siya. This is maybe because I miss him so bad. Pagkatapos kasi ng nangyari nung gabing yun, di ko na siya ulit nakita. Excited pa man din akong gumising kinaumagahan nun with renewed heart kuno kasi natuwa ako sa sinabi niya nung gabing yun, kaso wala na siya eh, nakaalis na raw. And then that was it, I haven’t seen a glimpse of him the rest of the week.

Inaamin kong sobrang apektado ako ngayon, nalulungkot kasi ako. Alam niyo yung feeling na gustung-gusto mo siyang makita kaso everyday naman, you’re always ending up disappointed. Asa-asa pa kasi eh noh? Ang nakakainis kasi, I just couldn’t help but wish na sana darating siya, na sana bigla na lang siyang magpapakita…

Pero tama lang, dapat nga pasalamat ako na di ko na siya nakikita pa sa ngayon. Eto na yun eh, tinutulungan na ako ng pagkakataon na pigilan ang sarili kong tuluyang malunod sa pagkagusto sa kanya. So better, I should set my mind to go back to that safe barrier I once put up against him.

 

“Uy,  ano na naman minu-muni-muni mo diyan?” sabay pitik ni Tiff sa braso ko.

 

“Wala,” mabilis namang sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin. Baka kasi mahuli na naman ako ng mga lukaret na ‘to.

 

“Kaw ah, lately para kang laging tulala. Normal ka pa ba?” pang-aasar pa nito.

 

“Sus, iniisip na naman siguro niyan ang boyfriend niyang tinatago niya,” pasimangot namang dagdag ni Estrella, isa rin sa mga kaibigan ko. “Ganyan naman yan eh,” at tila nagtatampong sumpong pa niya.

 

“Haha, ang kulit niyo talaga, wala pa nga eh di ba?” pasimpleng ngiti-ngiting tanggi ko. “Tsaka ba’t ba sa akin napunta na naman ang usapan?”

 

“Alam mo friend, kahit di mo sabihin, ramdam ka namin. Para ka kayang lutang kanina pa, may problema ka ba?” si Tin naman ngayon ang nagtanong.

“I’m fine, nakulangan lang siguro ako sa tulog kaya parang wala akong energy ngayon,” paliwanag ko pa.

 

“Di makatulog sa gabi sa kaiisip… Sa diwa ko’y ikaw ang aking panaginip…” at bigla namang kumanta si Tiff na mapang-asar. “Di ka ba pinatulog ni ‘babe’?” nakangisi pang tanong niya. Sus, si Kurt?

The Basketball Jerk [Ongoing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant