Chapter 18: Let it go

16.7K 306 58
                                    

“Oo daw anak, I even heard na anak daw ng isa sa may-ari ng school nila yung babae,” at pang-tsi-tismis pa ni mama.

Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa sa kinakatayuan ko. Parang may kung anu-anong tumutusok sa puso ko na hindi ko alam, at ang sakit-sakit.

 

May girlfriend na ulit siya? Meron na siya ulit? O baka naman dati na pala niyang girlfriend yun na hindi ko alam? Pero ano pa ba kasing ini-expect ko, for pete’s sake, he is Harold! Siya ang Harold na matagal ko ng kilalang playboy! Bakit, kailan pa ba siya nawalan ng girlfriend? And then I came to remember all that.

“Lousie,” muling tawag sa akin ng nanay ko. “Anak are you okay?” nagtatakang tanong niya sa akin ng mapansin niyang natutulala lang ako.

“A-ah! Oo naman ma, nagulat lang kasi ako,” at kunwari masiglang-masigla pa akong sumagot.

“O ano, magpapalit ka pa ba ng damit o ganyan ka na?” tukoy niya sa suot ko galing school. Oo nga pala, inuutusan niya pala ako.

“Magpapalit muna ako ma,” sagot ko at agad na umakyat papuntang room ko. Pero pagdating ko doon, parang gusto kong lumupasay. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya agad akong napaupo sa floor sabay sumandal sa may pinto.

“You’re fine Louise!” sabay takip sa mukha ko. Hindi ko kasi mapigilang mapa-iyak. “Uy Louise tama na!” at naiiyak pa rin akong kinakausap ang sarili ko habang pinupunasan ang basang-basa sa luhang pisngi ko. “Naman eh, nakakainis!”

Shit ba’t ang sakit-sakit naman nito! Okay naman ako dati ah! Kahit nga nababalitaan kong iba-iba ang nagiging girlfriend niya eh di ganito kasakit eh. Pero ba’t ngayon iba? Dahil ba lately, lagi ko siyang nakakasama? Shit, this is freaking stupid!

“Woooh!” I tried to breathe deeply saka dali-daling nagpunas ng luha at tumayo. “Louise, be cool!” pangkakalma ko sa sarili ko saka pilit na ngumiti. Pero nagulat na lang nang tumingin ako salamin, halata naman ng umiyak ako kasi medyo lumiit ang mga mata ko.  Sus okay lang yan, pakialam nila. Basta punta na lang ako doon, bigay ko agad yung food at tsupi na ako.

Kaya naman nagmadali na akong bumaba at pasimple kong dinaanan yung food nang di tumitingin kay mama. Baka kasi makita pa niyang may topak ang mata ko eh mag-alala pa.

Pero nang nasa labas na ako ng malaking gate ng bahay nila eh biglang nangatog ang mga tuhod ko. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ‘to. Iniisip ko pa lang kasi na paano kung makita ko sila sa loob, anong gagawin ko? Madalas pa man ding traidor ang mga luha ko at baka maiyak pa ako. At nang napagdesisyonan ko nang di na ako papasok eh saka naman bigla na lang nagbukas ito.

Natigilan tuloy ako at natulala lang nang makita ko kung sino ang mga palabas. Si Harold na may kasamang babaeng hawak-hawak pa niya sa braso.  Sadya na lang yatang pinagkakaisahan ako ng pagkakataon. Pero mukhang hindi lang ata ako ang natigilan, halatang parang nagulat din naman si Harold nang makita ako.

“Ang bad-bad mo!” and then I heard her. Saka naman ako napatingin sa kasama niyang babae. God, she’s a goddess! Ang amo ng mukha at sadyang napakaganda. Maputi ang balat, matangkad at may hubog ang katawan. Hindi ko ma-explain pero siya yung tipong maganda na nakakaintimidate lang kasi di mo mapigilang ma-compare ang sarili mo sa kanya.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now