Chapter 2: Oh he's got to be kidding me!

34.4K 493 53
                                    

Nagising ako when somebody snorted a laugh. Parang nagpipigil pa pero di naman nakayanan at napalakas pa ang tawa niya.

 

Oh my ghad, is he still here? At sinilip ko pa talaga muna kung sino and when I found out, I was disappointed. Nandoon siya sa may study table at nakaharap sa laptop ko. Yung laptop ko!  Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing may binabasa siya sa wallpaper ko. Shit yung poem ko! Yun yata yung tinatawanan niya!

Mabilis ko tuloy kinuha yung maliit kong stuff toy sa may ulunan ko tapos malakas na binato sa kanya kaso tawis naman. Napansin niya tuloy kaya nilingon niya ako. And what the! May chupa chups pa sa bibig niya! Nakikikain na naman siya sa mga lollipops ko oh!

 

“Morning ‘nay!” at tuwang-tuwa pa talaga siya.

 

“Patayin mo yan!” I ordered him. Pero ngumiti lang siya at muling binalingan ang nakabukas kong laptop.

 

“You’re a happy go lucky type of guy,

You make people pleased by just passing by,

You have the heart that always smile,

That’s why I can’t help but to admire.”

 And he started reciting the poem from my wallpaper. Obvious pa kasing original yun kasi may nakasulat na ‘by: Lousie Anne Gabriel’ sa dulo.

 “Stop it!” I warned him saka ako nagmadaling tumayo mula sa kama.

 

“But then, here I am, afraid again…

Getting out of my hidden haven,

Going back to the road I once had taken;

Admitting, to you I have fallen.”

Tumayo siyang dala-dala ang laptop ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

 

“HAROOOLD!” mabilis ko siyang hinabol pero mas mabilis siya.

 

“No way, I don’t want this to happen,

One mistake is enough, must learn my lesson.

I don’t want to be a fool again…

Expecting and hurting just the same.”

At wala na akong nagawa nang mabasa na niya nang buo. He really is a jerk don’t you think? Galit na galit na tuloy ako. Kaya lang naman ayaw kong mabasa niya iyon eh dahil siya yung tinutukoy kong lalaki doon.

 

“I hate you!” malakas kong sigaw sa kanya na medyo mangiyak-ngiyak pa. Masama talaga loob ko. Natatakot kasi ako dahil baka magkaroon na siya ng hint. Kaya nagmadali akong bumalik sa room ko at muling humiga sa kama ko.

 

“Louise…” I heard him as he opened my door. I’m just so afraid that he might have figured me out. Baka di ko na siya kayang harapin pa. “Uy!” naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama ko.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now