Chapter 15: "I don't think so..."

17.3K 276 29
                                    

“What the!” mahinang bulalas ko at kunot na kunot  ang noo kong nakatitig sa bumati sa akin. Hindi ako makapaniwalang nandito 'tong taong ‘to sa main gate ng school namin. And get this, naka-corporate attire siya, and with matching tie pa. But in fairness ha, ang lakas talaga ng dating niya. I just can’t argue with the fact that he looks so neat and absolutely dashing! Pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay ang hawak-hawak niyang bulaklak. Seryoso talaga siya?

“Had enough!?” nakangising tanong niya na nagpaparinig kasi obvious ngang natagalan akong tumitig sa kanya.

“Psss!” sabay taas ng kilay. “Anong gina---!”

Pero natigil ako sa sasabihin ko nang bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at pinahawak sa akin ang dala-dala niyang bouquet ng red roses.

“Teka lang, bakit---!”

At naputol na naman ang sasabihin ko nang biglang may humablot sa nasa kamay kong bulaklak at saka patapong binalik ulit iyon kay Kurt.

“Get in the car!” sabay demanding na utos sa akin. And of course, it’s Harold.

Whoah! What’s going on again? At nagugulat na lang ako sa nangyayari kasi seryosong-seryoso na naman na si Harold habang kaharap ang nakangisi namang si Kurt. Yung tipong parang magsusunggaban na ang dalawa kaya bigla akong kinabahan. Hindi ko tuloy sinunod ang utos ni Harold at nanatili lang ako sa gilid nila.

“Tol, huwag ka namang masyadong paki-alamero, may pinupormahan ako dito!” maangas namang singit ni Kurt na mukhang naiinis na rin.

“Tss!” ngumisi naman si Harold. “Hindi ka rin talaga nakakaintindi ano, sinabi na niya sa’yong di siya intersado kaya huwag ka nang umasa,” mayabang pang dugtong nito na obvious lang na he’s trying to piss him.

“Ano ngayon? Pakialam mo, hindi naman ikaw ang nililigawan ko ah!” lantak din ng isa. “Step aside!” at mariing bigkas ni Kurt na bahagya pang binunggo si Harold.

Pero sa halip na sundin siya ni Harold, pabigla na din nitong tinulak paatras si Kurt saka ito ngumisi. And just a few seconds later, he grabbed my hand and held it tightly. Bigla tuloy ang natinag sa kinatatayuan ko since there was no way I was expecting that. And here’s what even made my eyes wider, he intertwined our fingers! Oh yes he did!

But then I think I get what he’s trying to do, maybe his intention was to pretend to Kurt that we’re already dating para tumigil na rin tong isa. At sa tingin ko naman, he was quite successful kasi bigla na ding nag-iba ang aura ni Kurt as he stared at our hands.

Pero at that moment, ako naman ang biglang nanlamig ang kamay. I was just so affected na tarantang-taranta naman na ang diwa ko. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin, kung iwawaksi ko ba ang kamay niya o kaya’y hayaan siya sa kung ano mang binabalak niya. But in the end, I decided, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

It’s just that… it’s just that… Though I like it so much that he’s holding my hand, I don’t like the fact that I’m again hopelessly wishing this was real. Para kasing ako din eh gustong maniwala, samantalang alam na alam ko namang gusto lang niyang inisin si Kurt kaya niya to ginagawa. Eishhh, bakit ba kasi di ko mapigilan ang sarili kong umasa?

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now