Chapter 25: The Boyfriend in Due Time

6.5K 185 19
                                    

Ilaw araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng gabing iyon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaget-over. Yes, there have changes but generally parang gaya pa rin kami ng dati. Well we have to remain, you know casual pa rin pero alam niyo na, may discrete sweetness. And though hindi pa kami official, it still feels good to know that I have someone... someone waiting for me.

Honestly, there were those times na parang gusto ko ring baliin yung rules na I have set for myself, particularly the one where I have to wait 'til graduation. Yeah, I did countless times. Sino ba kasing nagmamahal ang gusto pang pahirapan ang sarili di ba? Naks dumadrama na ako. Haha. Pero seryoso, there's this part of me na nagsasabi na 'wait lang!'I don't know, maybe I just think too much. And says my guts, sige na nga I'll wait, kung kami talaga ang para sa isa't isa then we'll always end up with each other. Naman.

"Louise!" napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa akin nang pauwi na ako pagkatapos ng ang klase ko. It's Jared.

"Jared, hi!" nakangiting bati ko.

"Pauwi ka na?" masigla namang tanong niya saka siya sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hmmm," tumango ako. "Ikaw?"

"Di pa, I'm meeting my friends outside, maka-try ngang mag-bar," tila nahihiya pang share niya. "Malay mo, doon ko pala makikita yung pwede kong ipalit sa'yo dito sa puso ko," he even attempted to wink kaya natawa na ako nang tuluyan.

"Wow ha, bumabanat ka na naman. Pero pasensya ka na talaga ha," paumanhin ko referring to my once again refusal to his courting a few weeks ago.

"Okay lang, tanggap ko naman na... na wala na talaga akong pag-asa diyan kasi kahit di mo ako dineretso alam kong sa simula't sapul meron nang nag-mamay-ari niyan," tukoy niya sa puso ko. "Swerte ni Harold," di nakatingin sa akin na dugtong niya.

"Jared," nalungkot ako sa aura niya. "I'm really sorry," naalala ko pa kasi noong ginamit ko siya dati para lang itaboy si Harold.

"Okay na yun," he smiled but his eyes said otherwise. "Wala naman akong magagawa doon. Kahit di niyo kasi aminin, halatang mahal niyo isa't-isa," nilingon niya ako. "And besides, I really wanted you to be happy Louise."

And I was genuinely touched. Jared is really a very nice person. I just wish I had more hearts to spare, but still I really am glad to have met him.

"Thank you Jared," sabi ko saka din ako ngumiti. Then I realized what he just said, so we were that obvious sa mga nararamdaman namin ni Harold noon pa man? Naging parang gulat tuloy ang tinging napukol ko sa kanya.

"Yeah," he said na parang nabasa niya ang utak ko. "Noong nagpunta ako sa inyo dati, I saw the way he looked at you, I just knew right there kung sino kinakalaban ko. And then I saw you," napayuko siya na tila nasasaktan sa mga sinasabi niya. Mas lalo na naman tuloy akong nakonsensya.

"Jared..."

Nag-angat siya nang mukha saka pilit na ngumiti sa akin. "Tapos nakita kitang sinusundan mo siya ng tingin noong paalis siya," diretso lang ang mga mata niya sa daanan namin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kasi alam kong nasasaktan siya. "I should have stopped hoping right there pero mahirap talaga kasing turuan ang puso eh, di ba?" sa wakas bumaling siya sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad at sinalubong ang mga mata niya. I honestly don't how to console him this time.

"Louise, I'm really sorry..." huminto na rin siya at muling napayuko na parang pinipilit niyang huwag kong makita sa mga mata niya na nasasaktan siya. "Gusto ko lang talagang sabihin 'to sa'yo, salamat. Thank you for the chance to like you. Don't worry, this time, I will really try to move on. Gaya nga ng sabi mo, baka dahil naka-focus lang ako sa'yo kaya di ko tuloy nakikita yung totoong para sa akin. Kaya sana sa susunod na makita mo ako, pwede bang huwag mo namang ipahalata na parang konsensyang-konsensya ka. Basta ngumiti ka lang sa akin, ayos na!" saka niya inabot sa akin ang kanang kamay niya.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now