2- EH?

66 6 1
                                    

A week before semestral break..

"...the last and the twelveth cranial nerve is called hypoglossal. The function of this nerve is motor to tongue muscles. Any damage or injury on this nerve may lead or may cause tongue paralysis. That's all sir." I said, reciting the 12 cranial nerves.

After the dissection and before our final examination, talaga namang hindi pinalampas ni Sir ang recitation namin for the 12 cranial nerves.

"Very good." Nakangiting puri ng Clinical instructor ko sa Anatomy and Physiology.

Aba, good mood.

"Thank you, Sir." Mangha kong sabi at saka napangiti.

Pabalik na ako sa upuan ko nang bigla niya ulit akong tawagin.

"Yes sir?" Agad kong sagot.

"Iz, kilala mo ba si Carl?" Tanong nito.

Halos sabay-sabay mag-angat ng ulo ang mga kaklase ko ng marinig ang pangalan na iyon.

"Po?" Medyo nagulat kasi ako sa tanong niya. Ang random naman e. "Sino pong Carl?"

"The Carl of level 2, one of the officers of health sciences student council." He replied. "You know him?"

Bakit seeeer?!!

"Uh, sakto lang po. Naririnig ko po madalas ang name niya and familiar naman po ako sa mukha niya." Alanganin kong sagot, iniisip na siguro mas mabuti kung sinabi kong hindi ko kilala ang lalaki. 

"Good. Now, hanapin mo si Carl at isama mo siya papunta dito sa akin." Nakangiti nitong saad.

Dapat talaga sinabi ko na lang na hindi ko ito kilala.

"Sir ako na lang.." Biro ni Lyka, isa sa napakaraming fans ni Carlo.

"Sir sama po ako kay Ate Iz, hehe." Suggestion naman ni Joy. Isa pa 'to.

"Kaya na 'to ni Iz." Iling ni Sir.

"Sir, ako na lang susundo." Hirit pa nong isa.

"Quiet. Ang ingay. Gusto niyo bang makita si Carl o hindi?" Hirit din ni Sir.

"Si Sir naman hindi mabiro." Agad na bawi ng isa kong kaklase.

"Sige na, Ate Iz. Sunduin mo na si Kuya Carl." Halos sabay-sabay nilang sabi.

"Ay wow naman." Ismid ko sakanila. "Masusunod ho. Nakakahiya naman sainyo."

"Salamat, Ate Iz. Paki-ingatan na lang si kuya Carl, aasawahin ko pa 'yon. Huwag mong painitan at baka pagpawisan." Pahabol pa ni Joy at saka nagtawanan.

"Sir, wait lang. Ngayon na po talaga?" Paniniguro ko bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Yes, ngayon na. Medyo urgent kasi ang pag-uusapan namin e. Bilis na para ma-i-record ko na 'tong recitation mo." He answered.

"Sir ayaw mo po bang i-record na muna 'yong recitation ko, para naman aalis ako ng panatag ang loob?" Pabiro kong tanong.

Mahirap na. Baka mamaya bad mood na naman siya.

"This is part of your recitation kaya bilisan mo na." Sagot niya.

"Sir, alam niyo po ba kung nasaang room siya ngayon?" Alanganin kong tanong.

Dopamine RushWhere stories live. Discover now