9- HARD LAUNCH.

34 4 1
                                    

Tulad ng dati, nagpatuloy ang ganoong arrangement. Ang tanging pagkakaiba lang ay mas naiintindihan na namin ang isa't isa.

"Anteh, wag kang tumulala." Bunganga saakin ni Ron.

Oo nga pala, kasama ko ang groupmates ko at kailangan naming gawin ang case study, kaya lang punong-puno ngayon ang library.

"Saan tayo niyan?" Tanong ni Zelle.

Kinuha ko ang phone ko and chatted Carlo dahil parang nabanggit niya na pupunta siya ngayon sa library.  Pagkalipas ng ilang sandali ay nagreply naman agad ito. Nasa library nga siya, so I asked him to find us a vacant seat. After more than 30 minutes ay nagkaroon na din sa wakas ng vacant seat, paalis na daw ang siyam na students sa table na in-occupy niya.

Iz: Bantayan mo. Papunta na kami.

"Tara library." Tayo ko kaya napatingin sila saakin.

"Puno nga daw beh. Walang bakante." Sagot naman ni Rissa.

"Sabi ng kaibigan ko, kakaalis lang daw nong students sa katabi nilang table." Sagot ko din at saka kinuha na ang mga gamit. "Kung ayaw niyong maunahan tayo, wag na kayong babagal-bagal. Tara na."

Pagkatapos naming mag-log in ay pumanhik kami sa second floor, since nandoon ang table na pinag-reserve sa amin ni Carlo. Nakita din naman nila agad yong table for ten students sa pinaka-dulo, since yun lang  naman ang vacant na pwesto. Nakasalubong pa namin yong mga engineering students na dating nag-occupy nong seat. 

They're talking about this guy na nursing student na boyfriend ko. I-umpog ko kayo e.

"Uy, si kuya Carl!" Kinikilig na bulong ni Lexie. "Ang pogi.. shit."

Pogi nga. 

"Tanungin mo muna Sia kung may nakaupo na. Baka mamaya, naka-reserved na pala yang seats." Paalala ni Rissa.

"Hi, kuya Carl. Naka-reserved na po ba 'tong mga seats na 'to?" Tanong ni Sia pagkalapit nito sa binata.

Tiningnan ni Carlo isa-isa ang grupo namin, for sure hinahanap ako, kaya naman ay bahagya akong lumapit. Palihim ko itong kinindatan ng magtama ang mga mata namin.

"Sige na. You can occupy the seats." Tipid nitong ngiti.

"Uy nakapasa tayo sa pagsusuri." Biro ni Ron. Marahil ay napansin nito ang pagtingin ni Carlo saamin, bago ito sumagot.

Walang naglakas-loob na tumabi kay Carlo dahil nakapatong ba naman ang bag nito sa katabi niyang upuan.

"Excuse me, yong bag mo please." Kausap ko rito sabay palihim itong kinurot sa likod.

Nagsimula na kami sa discussion, pero hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan ay nagsimula na agad ang kapilyuhan ng katabi ko. Carlo reached for my hand under the table and play with it. Kinurot ko nga. Napatingin bigla ang ilan sa groupmates ko ng bigla itong matunog na ngumisi.

"Sorry.." He uttered.

Ako naman tuloy ang palihim na natawa. Napailing ako when he reached for my hand again and intertwined it with his. Napangiti na lang ako. The idea na pwede kaming mahuli while our fingers are locked under the table, really excites me.

This is insanely exciting!

Sa kalagitnaan ng discussion namin ay hindi na nila kinaya kaya napagdesisyunan na nilang abalahin ang binata, upang mapaghingian ng kaunting ideya tungkol sa case namin.

Dopamine RushWhere stories live. Discover now