12- 365 DAYS OF US.

40 4 0
                                    

Disclaimer: No copyright intended. Video above belongs to it's rightful owner. I do not own the music/video rights. I do not take credit for this video.

_________________________________________

@yllizandra: Wake up, Romeo.. or else you'll gonna wait for me until tonight. You will gonna miss me the whole day.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako't nakaligo na. Hinintay ko siyang magising at nang mag-reply na ito sa chat ko ay agad ko siyang tinawagan.

"Good morning, chief." Malambing kong bati, the moment his face appeared on my screen.

Magulo ang buhok nito at balot na balot pa rin ng kumot. He look really sleepy but still very handsome.

[Sorry, hindi ko nasagot tawag mo kagabi. I was so busy yesterday. Ni hindi ko na nga nagawang mag-charge.] He said with his bedroom voice.

"At hindi mo na din nagawang mag-hapunan? Na naman?" Panenermon ko. "Mas magagalit pa ako tuwing hindi ka kumakain ng maayos kaysa hindi ka mag-reply o sumagot. You're making me worried."

[Okay. I'll do my best to eat on time so that you'll not worry.] Hikab nito na nauwi sa malalim na buntong hininga. [I am so busy lately and sometimes, nakukuha na rin ng med school 'Yung time na nakalaan para sayo.]

"Walang problema, Carlo. Wag mo na iyong isipin, naiintindihan ko naman." I smiled. "Just focus on your studies. Dito lang ako."

[Thank you for being so understanding.] He opened his eyes and stared at me for a second before closing his eyes again. [Sobrang ganda mo, Iz.]

"Naku. Nakuha mo pang gumanyan, e hindi mo nga maidilat 'yang mga mata mo." Natatawa kong komento.

[Ini-imagine ko kasi na nandito ka sa tabi ko.] He said.

Bahagya akong natigilan. Hindi niya iyon sinabi sa naglalambing na paraan, malungkot ang pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung sadya ba o kusa na lang lumabas ang kalungkutan sa boses niya.

"May problema ba?" Malambing kong tanong.

[I'm just stressed and tired.] Mahina nitong sagot, looking at me helplessly.

"Kaya natin to, Doc!" Masigla kong sagot, umaasang mahahawa siya sa malawak kong ngiti.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya, tanda na kahit papano ay napagaan ko ang loob niya. I sighed in relief.

[Yeah. I just need to hear your voice to recharge. So tell me about what happened yesterday.] Finally he asked the question that I've been waiting for.

Napangiti ako dahil sa excitement. Kahapon ko pa ito gustong i-kwento pero hindi niya nasagot ang tawag ko. Nilagay ko na sa mesa Ang laptop at nagsimula na nga akong mag-kwento habang nag-aayos para sa duty ko.

"Tapos eto pa.. Alam mo ba na I was chosen to do be  one of the scrub nurse yesterday. And guess what?! The surgeon was impressed by my skill!" Excited ko pa ring kwento, habang siya naman ay ngiting-ngiti at minsan ay natatawa pa sa kabaliwan ko. "Gagi, legit 'yong kilig ko nang sabihin niyang ang galing ko. Edi ang yabang ko na naman."

[Wala yan sa yabang na nararamdaman ko, Iz. Ikaw ba naman girlfriend ko.] Banat naman nito. [Wag mo naman masyadong galingan, Iz. Maraming magkakagusto sayo niyan.]

Dopamine RushWhere stories live. Discover now