14- COMING HOME.

24 3 0
                                    

∆Count Me In by Dova Cameron

Everytime by Chen ft. punch

Disclaimer: do not own the rights for this videos. They all belong to their rightful owner. No copyright infringement intended._________________________________________


"CONGRATULATIONS, IMPERIAL FAM!!!" Sabay-sabay nilang sigaw pagkabukas ni Papa ng pintuan, kasabay ng pagpapaputok ng dalawang party poppers sa magkabilang sides ng pinto.

Kitang-kita ang gulat at ang nangingibabaw na tuwa sa mukha ng mga magulang ko nang malaman nila ang magandang balita.

To God be the highest glory.

"Congratulations, 'nak." Tuwang-tuwa na pagyakap sa akin ni Mama.

"Congrats, Ma." Yakap ko pabalik. "Dahil sa inyo ang lahat ng ito, kaya para sa inyo 'to."

"Kain na kayo, Mommy Mia!" Biglang epal ni Avril at saka inagaw mula sa akin si Mama.

Pagkatapos bumati sa mga bisita ay diretso si Papa sa kwarto nila upang magbihis. Agad akong nagtimpla ng kape at saka dinala ito sa kwarto nila. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa maliit na sofa habang nanonood ng basketball replay.

"Pa, hindi ka kakain?" Tanong ko habang inaabot ang kape.

"Mamaya na, pagod pa ako." Sagot nito habang sumisimsim sa ibinigay kong isang tasa ng kape.

Umupo ako sa tabi nito at saka ito inakbayan.

"Pa, registered nurse na ako." I said, smiling proud.

"Edi congrats." Biro nito.

I pouted.

"Galing ko 'no?" Pagyayabang ko.

"E 'di ikaw na, the best ka." Biro pa nito.

"Huwag ka na magtampo. Ikaw din naman ah.." Panunudyo ko habang sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"Tumigil ka, Iz. Matatapon 'tong kape." Saway nito.

Sandali kaming natahimik. Pinanood ko siya habang seryosong nanonood.

"Sobrang galing mo, Pa. Naka-pa RN ka na!" I said out of nowhere. Muli ko siyang inakbayan at saka kinurot ang pisngi. "Nagawa natin.."

"Masaya ako dahil may tyansa ka na para makaahon sa kahirapan, Iz. Nawala lahat ng naipon kong pagod sa loob ng ilang taon." He said. "Iyan lang ang maipapamana ko sayo, Iz."

Ipinanganak ako sa mahirap na pamilya na ang tanging maipagmamalaki ko ay ang pagkakaroon ng mga magulang na sobrang sipag maghanap buhay.

"Salamat, Pa.. sa pagpapaaral sa akin at sa pag-gapang hanggang sa makapagtapos ako sa napakagastos at napakamahal na pag-nu-nursing kong 'to." I said, placing my head on his lean shoulder. "Wag ka na masyadong magpapagod. Ako naman, Pa. Ako naman ang bahala sa inyo ni Mama."

Kinaumagahan ay bumisita ako kay Tita Carla. Malayo pa lang ako ay napakalawak na ng ngiti nito.

"Tita.." Bati ko at saka sinalubong ang nakabuka nitong mga braso.

Dopamine RushWo Geschichten leben. Entdecke jetzt