6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.

30 4 0
                                    

"Yong babae kanina, she's Angelica." Biglang imik niya. "Ex-girlfriend ko."

Bahagya akong napangiti sa narinig. He's amusing. I mean, he's voluntarily opening up something about his past. I didn't have to ask.

"Pang-ilan?" Biro ko.

"Siya lang, Iz." Confident niyang sagot.

"Infairness, ang ganda niya." Tango-tango ko habang sinusundan ng tingin 'yong babae.

"Lalo ka na." Maangas nitong sagot.

Smooth.

"Di ba?!" Pagyayabang ko at saka sabay kaming natawa.

"Sobra." Tango niya. "Sino ba ex-boyfriend mo, tatanungin ko lang kung bakit pinakawalan ka pa niya."

Smooth transition.

"Sus, kung gusto mo malaman sino o ilan naging ex ko, pwede mo namang itanong na lang sa'kin ng diretso, Carlo." Iling ko.

"You're embarrassing me, Iz." Nahihiya nga nitong tugon. Cute. "Anyway, ilang lalaki na nga ba ang swinerte na pero pinakawalan ka pa?"

Napailing na lang ako.

Babanat pa e.

"Wala." Sagot ko habang diretso ang tingin sa kanya, kaya naman huling-huli ko ang pag-ngisi niya.

"Wala ka pa palang nagiging boyfriend." Nakangiti nitong tango. "Iz, ako.. pwede ako."

"Pag-iisipan ko." Tugon ko.

"Kidding aside, bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend, Iz?" He asked.

"Sabi kasi ng mga kaibigan ko, mataas daw kasi standard ko." I answered.

"Wag ka mag-alala. Kahit gaano pa kataas, Iz, aabutin ko 'yan." Panlalandi na naman nito. "Gaano ba kasi yan kataas?"

Sumandal ako at saka sinipat siya ng maigi habang kunwari ay nag-iisip.

"Hmn, more or less 5'7." Sagot ko. "Nursing. Maganda ang typing, maputi, matangos ang ilong, singkit."

At ayun na nga, ibinigay na niya ang napakagandang ngiti na pumapawi sa pagod ko.

"Hindi naman pala gaanong mataas." Tawa nito ng mahina, nahihiya.

Agad naman akong tumango habang nasa kanya pa rin ang tingin.

"Sakto lang sa forehead kiss." Napangiti na ako ng bigla siyang tumagilid sa akin upang itago ang hiya niya.

Kinikilig na naman siya.

"Hay nako, mukhang matutulog ka na naman ng nakangiti, Carlo." Pang-aasar ko pa.

This is the cutest thing about Carlo. Tipong ba-banat siya sakin tapos ang ending, siya lang din naman yong kikiligin.

"Aral na tayo, Iz." He said and cover his face with the book.

Muntik ko na makalimutan. Andito nga pala kami sa isang coffee shop para mag-aral since two days from now, finals na.

Habang tumatagal, mas lalo kaming nagiging komportable sa isa't isa. Halos kalahating buwan na simula nang manligaw siya officially. Ang gusto ko sa kanya as manliligaw is the fact that I found a friend in him. Hindi siya nangungulit. We're enjoying while going with the flow.

Dopamine RushUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum