8- TRIAL AND ERROR.

30 3 0
                                    

"Kumusta sembreak, ante? Mukhang blooming ka ata." Tanong ni Thea habang pumipila kami sa cashier to pay for our RLE to complete our enrollment for the second semester.

"Best semestral break so far." Nakangiti kong sagot habang inaalala ang mga nangyari.

Well yeah, Carlo and I spent most of the time together during our sembreak. Hindi talaga kami pumayag na hindi mag-enjoy. Sobrang nakakapagod kaya yong first sem.

During the semestral break, nakita ko at nakilala ang clingy and baby side ni Carlo na mukhang matagal niyang sinupress. And the best part is, pinakilala niya ako sa Mommy niya.

"Mukhang may panlalamang na nangyayari dito ah." Komento ni Thea. "Bakit mukhang nag-enjoy kayong lahat at ako lang ang hindi?!"

"Ano ba kasi pinaggagawa mo nong sembreak?" Tawa ko.

"Natulog." Simangot nito.

"Atleast hindi ka na puyat, 'di ba?" Pang-aasar ko pa.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakapagbayad na din kami sa wakas.

"Nangangalay na paa ko, ante!" Busangot na reklamo ni Thea.

"At least may paa ka, 'yong iba nga wala e." Seryoso kong tugon.

"Pangit mo kausap." Reklamo uli nito.

"Tama na kasi sa akin na ako lang yong maganda." Sagot ko naman.

"Sakit mo na talaga yan."  Ismid niya. "Puntahan ko muna pinsan ko sa canteen."

"Sige. Hintayin kita dito." Tango ko.

Busy ako sa pagreply sa gc namin nang biglang may umakbay saakin. Nagulat ako lalo na nang maamoy ko ang napakapamilyar nitong pabango. Agad kong inalis ang braso niya sa balikat ko. I grabbed a handful of his shirt and pulled him around the corner.

"What we're you thinking, Carlo!?" Bulalas ko.

"Huh? Bakit?" He asked, puzzled.

Handa na akong magsalita nang biglang tumunog messenger ko.

"Usap tayo mamaya." Saad ko nang mag-chat na saakin si Thea, kasama na daw nito ang mga groupmates namin.

Masaya kaming nag-uusap ni Avril nang biglang tumawag si Carlo.

[Hello, Iz. Nasaan ka?] Bungad nito.

"Nasa coffee shop na." I answered.

[Sige, papunta na ako.] He stated.

"Sige, hintayin kita. Umayos ka sa pagmamaneho ah." Saad ko bago putulin ang tawag.

"Sweet mo ah. Ano kayo, mag-tropa?" Tawa ni Avril.

"Sige, wait lang ah. Mamaya maglalandian kami sa harap mo." Pang-aasar ko naman.

"Sige. May tinidor naman e, pwede na 'to. Nakakasugat din naman 'to." Sagot niya naman.

Nagtatawanan kami nang may biglang marahang humaplos at pumisil sa balikat ko.

"Hi.." Bati nito saamin at saka umupo sa katabi kong upuan.

"Hi. I'm Avril. I'm the only best friend." Parang siraulo na sabi ng kaharap ko.

"Carlo.." He answered, smiling. "You can call me Carl."

"And why not 'Carlo'?" Pang-i-intriga ng bruha.

"Uh, she calls me 'that'. " Turo nito saakin.

Dopamine RushDär berättelser lever. Upptäck nu