Chapter 01

157 9 0
                                    

Chapter 01

The heat spread through my whole body as the sun rays hit my skin.

"So init naman, Silvano. Can you payong me?" I said as I looked at him with my very cute, beautiful, and perfect face. Napanganga na lamang ako nang hindi man lang niya ako tiningnan at dire-diretsong lumabas sa classroom. Grabe. Minsan na nga lamang kami magkasabay sa ka-isa-isang subject, hindi pa niya ako pinansin.

"Oh." Jessy laughed teasingly as she stared at me, like I am the most pitiful person. Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka siya tinalikuran. Making sure humampas sa kaniya ang mabango, mahaba, at maganda kong buhok. Oh, my baby. Kawawa naman at nadikitan ng dumi ang buhok ko.

"Bitch!" Rinig kong sigaw pa niya na parang nanggigigil. Natawa na lamang ako. Oh, Jessy. Hindi mo mapapantayan ang kagandahan ko.

"Esmeralda,"

I gazed at my side just to see Estefano while blowing a cigar. I raised my eyebrow at him and rolled my eyes. "Can you throw that thing?" I pointed at his cigar. "I don't want to smell like you."

Tumawa lang siya, like he always does. Estefano Laurel is my cousin from my mother's side. Actually, graduated na siya from St. Isidro University, pero lagi siya ritong nakatambay. I don't know kung binabantayan niya ba ako or may iba siyang binabantayan. Either way, I don't care as long as he stays out of my business.

"Bad trip ka na naman, beh. Hindi ka pinansin noong si Vienrich 'no?" Sabi niya sabay tawa. I irritatingly looked at him at inihampas sa kaniya ang luxury bag ko.

"Aw." He massaged his arm. "Sakit no'n, uy. May bato ba 'yang bag mo?" Natatawa pa rin niyang ani.

"Wala, pero baril, meron." I said as I once again rolled my eyes at him.

"Taray, fuckshit. Kaya snob ka noong law student e." Muli pa niyang sigaw. Akmang babatuhin ko na siya nitong bag ko nang bigla niya akong talikuran at mabilis na tumakbo papalayo. Naiinis na nagpapadyak ako dahil dito. Isusumbong ko siya sa mama niya pag-uwi.

Dumiretso ako na lamang ako sa isang cafe malapit sa university para magpalamig. Vacant naman kasi ng 1 hour and 30 minutes so kahit ikutin ko pa ang buong San Pablo, makakarating ako 1 minute before our next class starts.

"One Caffé Macchiato, please." I said as I gave her my card. Actually, it's my father's card. Sabi niya ay gamitin ko raw. Hmm. Spoiled daughter things, I guess.

I roamed my eyes around the cafe para maghanap ng bakanteng upuan. My eyes landed on a seat near the window, hindi dahil bakante ito, kundi dahil nando'n si Silvano. Dumiretso ako ro'n at umupo sa harap niya. Yes, walanghiya ako, pero sa iyo lang po, mister law student.

"Can I sit here, Silvano?"

Tinaasan niya ako ng kilay, pero hindi naman siya tumanggi or pinaalis ako kaya napahinga ako nang maluwag. Hindi niya rin naman ako pinansin, pero okay lang. We sat there until dumating ang order ko. Tahimik lamang siya habang nagbbrowse sa iphone niya at sumisimsim ng caffé americano.

Sabi nila, he has the nastiest, filthiest, and rudest personality, pero for me, he is like an angel. Ang tahimik niya kasi and ang pogi pa. Hindi niya rin ako pinapaalis dito sa seat niya, probably because wala naman siyang pake, pero kahit na. Ginagaslight ko na lang ang sarili ko into thinking na gusto niya rin akong katabi.

Natigil ang pagddaydream ko nang biglang tumunog ang aking phone. Ang ring tone ko pa ay 'yong voice over ni Estefano na "Bitch na peke, sagutin mo na ang phone," which is siya rin ang naglagay. Pulang pula ako nang tumingin kay Estefano. Mukha namang hindi siya bothered kaya napahinga ako nang maluwag. This bitch, Estefano. Sasabunutan ko talaga siya pag-uwi.

Hindi ko kaagad nasagot ang tawag dahil doon. May mga text din akong na-receive from Estefano, saying na wala na raw pasok. I raised my eyebrow because of what he said. Paanong mawawalan? May bagyo ba at nag-announce si Mayor?

Tumingin ako kay Silvano na seryoso pa ring nakatingin sa phone niya.

"Silvano, wala na raw pasok?" Isa kasi siya sa mga councils kaya I am pretty sure ay hindi fake news ang mahahagip ko rito.

Tiningnan niya ako nang saglit saka tumango at bumalik ulit ang tingin sa phone. Kinilig naman ako dahil sa tingin niya kahit wala pa atang 2 seconds. Hindi ko na rin tinanong kung bakit nawalan kasi hindi niya rin naman sasagutin.

Tumunog na naman ang ringtone ko. Naiinis na pinatay ko ang tawag at chinage ang ringtone ko saka chineck ang isang message galing kay Estefano.

From: Estefano

Snduin.. kTA,.. whr u???

Napangiwi ako sa reply niya. Tinext ko na lamang kung nasaan ako at maya-maya'y nakita ko siyang kumakaway sa labas ng bintana.

Tiningnan ko si Silvano. Wala pa ring pake sa akin. "Silvano ko, una na me ha?" Sabi ko saka nagflying kiss pa. He just gave me a blank stare at muling itinuon ang tingin sa cellphone niya.

Naiinis na inirapan ko si Estefano pagkakita ko pa lamang sa kaniya.

"Ang epal mo talaga."

Bumuga siya ng sigarilyo saka itinapon iyon sa tabi ng daan. "Shunga, pinapasundo ka sa akin ni Tita. Cancelled daw ang pasok kasi may nakatakas daw na serial killer dito sa San Isidro."

Nanlaki ang mata ko, "Huy, totoo ba? Omg. Sana safe makauwi ang baby ko." Tukoy ko kay Silvano.

Nandidiring tiningnan niya lamang ako, "Bahala ka riyan."

Inirapan ko lamang siya saka sumakay na rin sa kaniyang bmw.

..

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon