Chapter 04

110 7 0
                                    

Chapter 04

Tulala ako nang pumasok sa first subject namin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta sa classroom namin, buti rin at hindi ako na-late kakaisip sa message ni Silvano.

Yes, inassume ko na agad na si Silvano 'yon. Haler?! Sino pa ba ang gusto kong halikan at hinalikan ko, malamang siya lang.

I deserved to be convicted daw kasi ninakawan ko siya ng halik? E siya nga ninakaw niya puso ko, nagsampa ba ako ng kaso..

Anyways, OMG. I am so kinikilig na naman. How did he found out about my number though? 

Nasira ang thoughts at pagddaydream ko nang biglang may kumulbit sa akin. I looked behind me and I saw Jessy while glaring at me, specifically sa coat na hawak ko ngayon.

"Why are you with Silvano kanina? And why do you have his coat? Ninakaw mo ba 'yan sa kaniya?" Nakataas ang kilay na sabi nito.

I also raised my eyebrow at her. Excuse me? Bakit ko naman nanakawin ang coat niya? However, I think I kind of steal his coat nga, but ibabalik ko rin naman. Aamuyin ko lang ng konti.

"Oh. Silvano is just helping me with math and he did mine." I smiled mischievously and showed her the solutions that Silvano made on my textbook. "Sa ganda kong ito, hindi ko na kailangan magnakaw, Jessy. He also let me borrow his coat kasi I said na I'm nilalamig." I purposely lied as I cutely play with my hair.

Deep inside, natatawa na ako sa pagmumukha niya na mukhang gustong gusto na niya akong iumpog sa lamesa dahil sa inis. Muli ko siyang binigyan ng mapang-asar na ngiti saka humarap na sa unahan. 

Madaling natapos ang klase at vacant na ulit. Lagi kaming may vacant after ng klase para magsilbi na ring pahinga para sa mga estudyante, but it's only 10 minutes per subject since masiyadong malaking time na ang makakain kung sakaling dagdagan pa.

I felt the need to retouch my make up. I stand up from my seat and grab my luxury bag and was about to go outside when a pair of hand suddenly grab my hair. It was Jessy, with nothing but rage on her face.

"You're a fucking bitch, Esmeralda Laurel!" Sigaw niya pa.

Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Oh my gosh, not my hair, Jessy. Kaka-salon ko lang last day and it's not ideal for some dirty creature to touch it.

I grabbed her arms and flipped it, saka siya malakas na sinampiga. She shriek so loud that my ear drums almost wrecked. Oh my gosh, this bitch.

Galit na tumingin ito sa akin habang hawak ang kaniyang braso at mukha. Oh my gosh, she's so pangit talaga.

Nilingon niya ang kaniyang mga alagad, "What the fuck are you looking at?! Hawakan niyo habang wala pang professor!"

Nag-alinlangan na lumapit sa akin ang mga babaeng alagad niya nang tinaasan ko sila ng kilay. Hinawakan nila ako sa braso and drag me near Jessy.

She smirked devilishly saka malakas na sinampal ako. Malakas nga ba? Ni-hindi nga tumabingi ang pisngi ko sa sampal niya e.

Siya pa ang dumaing nang sinampal ako. Marahil ay ginamit niya iyong braso niya na pinilipit ko. So shunga naman.

She was about to slap me once again nang biglang tumunog ang pinto, sign na may pumasok.

Biglang natuod si Jessy sa kaniyang pagkakatayo, "S-Silvano.. H-Hey, why are you here?" Utal-utal na sabi nito na para bang nakakita ng multo.

Mabilis pa sa alas kuwatro na lumingon ako sa pintuan at nakita ko ang guwapong pagmumukha ng aking baby loves. Madilim ang mukha nito, na parang normal naman niyang expression kaya hindi na ako nagugulat.

I thought of something naughty once again. Sinadya kong natumba bigla sa sahig at kinurot ko pa ang sarili ko para lumuha ng konti. Winaksi ko ang kamay ng mga alagad ni Jessy saka tumayo at lumapit kay Silvano saka ko pinulupot ang kamay ko sa braso niya.

I looked him up, "S-Silvano, they're bullying me." Paawa ko pa saka pinilit ko pang paluhain ang sarili ko. I'm so galing ko talaga, best actress of the year goes to me!

He looked at me at tinaasan ako ng kilay. Nagulat ako nang inangat niya ang kaniyang kamay at saka hinakawan ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni Jessy. Hindi naman iyon masakit, gusto ko lang talagang mag-inarte kaya mas lalo pa akong umiyak.

"Look, Silvano, she slapped me.." Turo ko sa pisngi ko saka ko tinuro si Jessy na ngayon ay nakanganga na. Namamangha siguro sa kaartehan ko. ".. and she also sabunot my hair e kakasalon ko lang."

Kita ko ang pagputla ng mukha ni Jessy nang lumipad sa kaniya ang nakamamatay na tingin ni Silvano. "S-Silvano, she also flipped my arms!" Paiyak na sabi niya habang nakahawak sa kamay niya.

Inirapan lamang siya ni Silvano saka lumingon sa akin. His sharp dark eyes landed on me. I really like his eyes, singkit kasi siya and super taray tingnan ng eyes niya, half-chinese kasi.

I felt a shiver down my spine when he suddenly tucked my hair on my ear, "Huwag mo akong artehan, Laurel."

Ramdam ko ang kiliti sa aking kaloob-looban nang dahil sa ginawa niya. Is this what they call 'butterflies in the stomach'? Oh my gosh, I am so kinikilig na naman. Silvano naman ih, nakakainis, napakapogi.

Tinalikuran niya ako habang hawak ang bag ko. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya dahil nakahawak pa rin ako sa kaniyang braso. Nilingon ko naman sina Jessy na ngayon ay mangiyak-ngiyak na. Ngumisi ako sa kanilang lahat and stuck my tongue out as we headed outside the classroom.

Tumigil kami sa tapat ng clinic. He opened the door saka ipinatong ang bag ko sa sofa sa isa sa mga kuwarto sa loob. I sat on the bed and looked at him.

I broke the silence between us, "Huwag mo nang i-report 'yong nangyari sa amin ah. Baka kasi sabunutan ako ni Mommy ko."

Tinaasan niya ako nang kilay, "Sure."

Nginitian ko siya nang matamis. So bait talaga ng baby ko. Tinalikuran niya ako, marahil ay aalis na. Hindi ko naman siya pinigilan, I bet he's also busy.

I thought aalis na siya, ngunit tumigil siya bigla sa harap ng pinto. Nakatalikod pa rin siya nang bigla siyang magbitaw ng mga salita.

"I won't report it, but I will not let it slide." He looked at me from the back, "I will not let it slide, Esmeralda Laurel."

..

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon