Chapter 10

120 6 0
                                    

Chapter 10

Agad kong ibinaba ang cellphone ko pagka-exit ko ng aking Facebook. Napatitig tuloy ako sa ceiling dahil sa nabalitaan ko. I don't know if it is true or satire, pero sa official na site kasi ito ng lungsod namin. Was it a prank? E kanina lang ang lakas lakas noon manulak sa akin ah.

Napagdesisyonan kong tumayo muna. Hindi na masakit ang ankle ko, at nang tingnan ko iyon, may patch na nakalagay doon, meron ding band aid na nakalagay sa mga bruises ko, at kahit sa kagat lang ng lamok.

Ang kaninang pangambang nararamdaman ko ay biglang naglaho. Feeling ko ay sobrang pula na ng buong mukha ko at parang sasabog sa sobrang init. Oh my, did Silvano treat me?! Pa-ayaw ayaw pa siya kanina ih, nahihiya lang pala ang baby ko na 'yan!

Tila ata nakalimutan ko ang nabalitaan ko lang kanina dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ngiting ngiting naglakad ako papunta sa pinto at saka lumabas. Ang kuwarto pala kung saan ako nakatulog kanina ay iyong room sa left side ng office. Nadatnan ko si Silvano na kinakausap ang presidente ng council na si Kalisto. Seryoso ang pag-uusap nila kaya't nanatili lamang ako sa tapat ng pintuan, afraid that I might disturb their conversation.

"I'll go first." Napalingon sa akin si Kalisto nang talikuran niya si Silvano. His sharp eyes darted at me, na parang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao. He has a very bitchy face, parang akala mo ay laging may kaaway. Still, he looks very handsome.

Hindi tumigil ang tingin niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumiretso siya sa pinto saka lumabas. The door created a slight thump saka muling tumahimik ang buong paligid, na parang may dumaang anghel.

I looked at Silvano. He was not looking at me, ang madilim at matalas niyang mga mata ay nakatutok sa papel at sa kaniyang laptop. Mabigat ang kamay niya habang nagtatype nang mabilis, at nagpapasalin-salin sa papel at screen ang kaniyang mata.

I walked towards him, "Hi, Silvano ko."

He just glance at me saka muling ibinalik ang tingin sa kaniyang laptop. Sumimangot ako dahil doon. I bent down and watch what he is doing. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya, pero may mga law na nakalagay, so I assume it have to do with his study since he is currently taking law.

"Galing naman ng baby na 'yan. Goodluck, future attorney." Nakangiting saad ko. When he looked at me, I put my lips in my palm and then blew him a kiss. Hindi man lang siya natinag or kinilig man lang, nanatili siyang nakatingin lamang sa akin with his usual expression, saka muling ibinalik ang tingin sa papel, which made me pout.

"Sungit," Bulong ko.

"Are you fine already? You still have classes to attend, Miss Laurel." May iniabot siya sa gilid ng table, it was a clear eye glass. He grab a cloth and then he wiped the lenses of the glasses, saka niya iyon isinuot, without breaking eye contact with his laptop.

Napakagat ako ng labi nang ma-witness ko ang isang Silvano Vienrich with glasses. Oh my, did I accidentally get a premium life sa St. Isidro University? Bakit may anghel na nakasalamin at naglalaptop sa harap ko?

Nakakainggit naman ang laptop niya, it can freely feel Silvano's long and slender finger, hindi rin siya binebreak ng eye contact ni Silvano. Sana laptop na lang niya ako. Oh my freak, I think I need to touch some grass.

"Miss Laurel, get back to your class if you don't have anything to do." Muli niyang saad saka inayos ang glasses niya at muling sumulyap sa akin kaya't nahapit ko bigla ang aking hininga. Damn, gorgeous as fuck.

Nagpapadyak ako, "Can I just stay here na lang? I want to be with you.."

Tinaasan niya ako ng kilay. His sharp and dark eyes roamed around my face, as if observing my expression, then his gaze drop on my lips. Nagtagal ang tingin niya 'yon, at saka bumalik din sa aking mga mata. I felt my knees get weak nang gawin niya iyon. Feeling ko ay umatras pati pagkapabebe ko dahil sa ginawa niya.

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon