Chapter 11

74 4 0
                                    

Chapter 11

I was looking at the window of our room, staring at the dark blue sky, as if rain would cover the whole place any moment.

Napakagat ako ng labi nang maalala kong wala akong payong. Well, hindi naman talaga ako nagdadala ng payong dahil wala na naman ding space sa bag ko. Ngayon tuloy ako nagsisisi dahil mukhang mababasa ng ulan ang make up ko.

While my mind was currently wandering, bigla ko na namang naisip 'yong nangyari kahapon, between Silvano and the guys. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, noong tinanong ko naman si Silvano ay inisnob niya lang ako, like he always does. Sanay na rin naman ako sa kaniya e kaya hinayaan ko na lang. Baka rin kasi about sa pag-aaralan 'yon, pero deep inside, I feel like it's more than that, pero hindi ko na lang inalam.

I feel like I shouldn't meddle with Silvano's private affairs. Lagi ko na nga lang siyang binubulabog e tapos papakealaman ko pa siya.

Still, I can't help but to think kung kailan kaya ako magkakaroon ng karapatang makealam sa kaniya? Grr. Bakit ba naman kasi parang pusong bato itong si Silvano ko?

"Class, be quiet." 

Napatigil kaming lahat nang biglang magsalita ang professor. Kakapasok lang nito galing sa pintuan, ngunit hindi nito tuluyang sinara ang pinto. Nakahawak lamang siya sa doorknob na parang sinilip lamang kami upang patahimikin.

Inayos ng matandang propesor ang kaniyang salamin saka umiwas sa amin ng tingin nang tumahimik na kami, ang atensyon niya ngayon ay nasa labas, as if may kausap siya ro'n.

After a while, tuluyan nang pumasok ang professor namin. Behind him is a guy I thought is the same age as us, nakapamulsa ito at iginagala ang tingin sa amin. His chocolate brown eyes glance at me for a while before he focused his gaze on the professor who's saying something at him, probably directing him or something.

Tumingin sa amin ang professor, "He is Rael Delgado, an exchange student from other university. He's currently taking Business Administration, so I assume that you will get along with him."

Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko, lalo na 'yong mga babae. Probably gossiping and squelling how handsome the exchange student is. Ugh, so annoying naman nila. Well, buti na 'yong may nagugustuhan silang iba para wala akong kaagaw kay Silvano. 

Ngumiti ang lalaki at muling iginala ang tingin niya sa amin, ngunit hindi katulad ng kanina ay hindi na muling nagtama ang mata namin.

"I hope.. we can get along well.." His smile disappeared when he said those words. I noticed that his voice is not masculine, hindi napaka-intimidating ng voice niya, his voice is like someone na madaling pakisamahan, parang feminine, pero hindi masiyado. Basta his overall appearance doesn't scream too much masculinity.

"Talagang magkaka-get along well tayo!"

"Yes, Papi! Lalo na kung sa akin ka tatabi.."

I pursed my lips nang marinig ko ang mga sinabi nila. Oh my gosh, how can they not be embarassed about what they're saying?

Wow, Esmeralda Laurel, na parang hindi ka rin ganiyan kay Silvano Vienrich.

Napailing-iling na lamang ako dahil sa naiisip ko at muling napatingin kay Rael. Although mukha siyang feminine na mahinhin at friendly, may something sa aura niya, na hindi ko matukoy kung ano. Mukha naman siyang mabait, mukha naman siyang matino, at mukhang hindi gagawa ng masama. Ewan ko ba, siguro sa ibang bagay lang talaga ako hindi mapakali at namimisunderstand ko 'yong feeling at impression ko sa kaniya.

"Now, take your sit, Mr. Delgano." Ani ng professor.

Iginala ni Rael ang paningin niya sa buong classroon. His gaze landed on the empty seat at the back, actually wala naman talagang nakaupo sa likod na seat dahil hindi masiyadong rinig ang kung ano mang dinidiscuss mula ro'n kaya sa puwestong iyon lamang talaga ang bakante.

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon