Chapter 08

103 5 0
                                    

Chapter 08

"The fuck do you think you're doing to my cousin, Falcon?"

Kita ko ang munting pangamba na dumaan sa mukha ni Danny nang mag-iba ang aura ni Estefano ngunit agad din itong nawala at napalitan ng galit.

"Hoy, Estefano. Linisan mo 'yang bunganga ng pinsan mo ah, baka hindi ko 'yan ma-tantsa." Danny threatened as he looked at me with severe hate, as if he wanted to crush me to death if it weren't for my cousin being here.

I heard Estefano chuckled sarcastically, "Or what? You can try me, Danny Falcon. Kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan ay baka hindi lang bugbog ang maabot mo sa akin."

I shivered as I heard my cousin's words. Hindi naman talaga siya ganito magsalita, he may be a little frank at balasubas, pero dinadaan niya iyon sa biro. Hindi ko nga alam kung paano siya nakapasa e dinaan ata niya sa humor at commonsense lahat ng subject niya e. 

Still, kapag nagseryoso talaga siya, nakakatakot. Minsan kasi kapag nakikita ko siyang mag-isa lang, napakaseryoso niya, pero malamang kasi wala naman siyang kasama, alangan namang tumawa siya mag-isa, but kasi nga, he's a completely different person kapag sa ibang tao siya nakikipag-usap.

"A-As if I'll get scared. Fuck off." Danny stuttered as he once again glared at us as he turned his back and leave.

"Tangina talaga niyang si Danny e ang asim na nga, ang sama pa ng ugali. Hay. Hindi alam kung saan babawian mga kulang niya e." Umiiling-iling na sambit ni Estefano at naglakad na rin habang nakaakbay pa rin sa akin kaya nadadala niya ako.

I rolled my eyes at him at hindi mapigilang ngumisi. Kahit kasi lagi niya akong inaaway e lagi rin naman niya akong ipinagtatanggol, iyon lang ata ang maganda sa kaniya.

"Anyway, iwasan mo 'yong gunggong na 'yon ah. Kapag lumapit pa sa iyo, i-report mo sa detention."

"Huwag na. Isusumbong ko na lang siya kay Silvano ko."

Umasim naman ang mukha niya at tinaasan ako ng kilay, "Kung may pake ba 'yon sa 'yo, edi go."

Napanganga ako sa sinabi niya at malakas na kinurot siya sa braso na ikinadaing niya, "Fuck you, Estefano. Napakasama ng pag-uugali mo."

I heard him chuckled saka lumayo sa akin. We're currently in the parking lot at lumapit siya sa kaniyang puting bmw. Kinapa niya ang susi niyon sa kaniyang black trouser at isinusi iyon sa pinto.

I roamed my eyes around the parking lot. Medyo gumagabi na at karamihan sa mga tao ay nagsisialisan na rin. Napatagal ata ang arguement noong dalawang bugok kanina kaya't halos abutin kami ng dilim.

"May aksidente raw na nangyari kanina sa harap ng school niyo?" Biglang tanong ni Estefano kaya't naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Ramdam ko ang kung anong nakabara sa aking lalamunan nang maalala ko na naman ang tingin mula kay Klara. I gulped as I tried my hard to speak. 

"M-May nabangga ata," Tipid na sagot ko na lamang.

Estefano looked at me. Hindi pa rin kami napasok sa kaniyang kotse at nanatili ang kamay niya na nakahawak sa pinto, "They say, it is not just a simple accident."

Muli na naman akong napalunok sa sinabi niya. I don't know why am I so freaking nervous na parang ako ang nakabangga kay Klara, but there's something strange that I can feel. Maybe because inaway ko siya bago siya maaksidente kaya mabigat ang loob ko. Oh my gosh, sana huwag niya akong multuhin.

Pero hindi pa naman ata patay si Klara, Esmeralda. Huwag mo namang paglamayan agad.

Although medyo naiinis ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin at sa pangmomock niya, hindi naman 'yon to the point na tatawa na lamang ako noong nakita ko siyang nabangga. Ang sick naman noon 'no, I am not that bad.

The Lawyer's ConvictionWhere stories live. Discover now