Chapter 15

88 2 0
                                    

Author's Note : Happy 1k reads kay na Silvano at Esmeralda! Sana maging sila na para matigil na siya sa pagiging delulu :3

...

Chapter 15

Tulala ako pagpasok sa school kinabukasan. My goodness, kung noong isang araw ay para akong nanalo sa lotto, ngayon naman ay parang nagbantay ako himala buong gabi kaya ako napuyat.

I don't know if trippings lang ba ako noong translator or talagang hindi ko lang maintindihan iyong message ni Silvano.

 I don't know how to interpret his response. Wala naman kasi siyang sinabing he like me too e. Ang sabi niya lang ay he like 'it', does that mean na he likes that I like him?

Although I can't really understand that man, medyo nakahinga pa rin ako ng maluwag dahil he don't find me annoying--at least that's what I interpret with his message.

"Esmeralda!" Hindi ako lumingon or tumigil nang marinig kong may tumawag sa akin kahit familiar pa iyon. Napairap na lamang din ako sa isip ko nang maabutan niya ako.

He catch his breath while walking beside me, "Ang sungit mo naman, Esmeralda. I thought we're friends?"

Nilingon ko si Rael at tinaasan ko siya ng kilay, "Excuse me?"

If I know kasi, noong isang araw lamang kaming nag-usap. Aba, ba't ngayon ay magkaibigan na kami? Nagkataon pa na may nangyari sa akin after naming mag-usap.

My goodness, malas naman nito oh. Baka mamaya matalisod ako after niya ako kausapin.

Nagkamot siya sa batok at nahihiyang tumingin sa akin, "Wala kasi akong ma-close sa class natin kasi lahat sila halos may circle of friends na. Mukhang ikaw lang ang approachable kaya ikaw ang inaabala ko. Sorry.."

Mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. What the hell? Is he lowkey saying na friendless ako kaya ako lang ang walang circle of friends? Oh my gosh, so rude naman nito. I'm going to sumbong this to Silvano, my baby.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Salita naman ito nang salita hanggang sa makarating kami sa building ng Business Management.

I roamed my eyes around the surrounding before I enter our classroom. Hinahanap ko ang baby boy ko dahil hindi ko pa siya nakikita pamula kahapon ng gabi, nangungulila na ako sa kaniya.

Although hindi ko rin naman alam kung paano ko siya haharapin after ng confession ko na hindi ko alam kung rejected ba or friends na lang kami, o kahit friends ay hindi na puwede.

Napahinga ako nang malalim bago pumasok sa room. Nang makapasok ako sa room, maiingay na bunganga ng mga kaklase ko agad ang bumugad sa akin. Oh my goodness. Palagi na lamang silang ganito. Can they shut their mouth ba? Nag-ooverthink 'yong tao e.

Binuksan ko ang phone ko at nag-log in sa social media accounts ko. Inistalk ko muna si Silvano, pero wala naman siyang mga bagong post or myday. Tiningnan ko rin ang message pero wala siyang message bukod sa reply niya sa akin noong isang araw na chinese, pero hindi ko pa nirereplyan dahil hindi ko naman alam ang irereply.

I decided to message him, "Silvano, where are you po?"

Hindi ito nagseen or nagreply. Iniisip ko rin na baka busy siya sa dahil siguro malapit na rin ang finals ng mga law student, pati na rin kami kaya todo review.

Fuck, hindi ko alam kung paano ako magrereview kakaisip sa kaniya. Baka pangalan niya ang maisulat ko kasi hindi naman daw mali ang magmahal?

I tapped my freshly put press-on nails sa wooden table na nakakabit sa upuan ko, ito 'yong nails na binili sa akin ni Silvano and when I tell you he has taste when it comes to girly things, he freaking has. Oh my gosh, the nails he bought were so cute. Baka ma-kiss ko niyan ang baby na 'yan.

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon